CHAPTER 25

183 15 0
                                    

𝐔𝐧𝐝𝐞𝐧𝐢𝐚𝐥

AIRAH'S POV

"Anong nangyari sayo?!" salubong na tanong sa akin ni Zhilaine ng makauwi ako galing sa bahay. "Anong mukha 'yan? May nakaaway ka na naman ba? O nag-away na naman ba kayo ng nang bu-bully sa'yo? Aba kung hanggang ngayon ginagawa parin niya sa'yo yun, pupuntahan ko na talaga siya sa school niyo. Nanggigigil na 'ko dun ha."

Ang dami na naman niyang sinabi.

"Hoy tinatanong kita para malaman ko."

"Wala ng bully, wala ng nananakit."

"Ha?" Napangiwi pa nga. "So it means tinigilan ka na niya sa pang bu-bully?"

"Sa pang bu-bully, oo. Pero sa pagpapapansin, oo din, magkaibang flow nga lang."

"Ha?" Nakunot na naman ang noo niya dahil hindi niya na gets ang sinabi ko. "Hindi ko maintindihan." Naupo siya sa harapan ko. "Hindi ka na niya binubully, pero nagpapapansin parin siya sa'yo. Tama ba ang pagkakaintindi ko?"

"Oo, naintindihan mo naman pala eh."

"Ah so kinukulit ka lang niya, bakit?"

"Alam mo hirap mo kausap. Ano ba ang dahilan ng lalaki bakit nagpapapansin siya sa isang babae?" sabi ko na pinagtaasan na siya ng kilay para maintindihan niya.

Napahawak siya sa bibig at nanlaki ang mata. "Totoo? Hala ka!" aniya.

Titili na sana pero pinigilan ko. "Baka nakakalimutan mo kung sino siya." Biglang nagbago ang itsura niya at napalunok kasabay ng pag-ayos ng upo. "Kapatid lang naman siya at anak ng dalawang taong sumira ng buhay ko, Zhilaine." sabi ko at biglang lumiyab na naman ang mukha ko. "At ang plot twist pa dun, siya pa ang batang niligtas ko sa park noon, dahilan bakit mo hinahanap yung bracelet na pinaka maganda mo sa ginawa ko." Napanganga siya at natigilan sa sinabi ko. "Totoo ang sinabi ko, Zel. At alam mo naman siguro na ang batang iyon ay kinwento ko sayo dahil hindi ko siya makalimutan ng tatlong araw."

Napatayo ako at pinadulas ang buhok at napahawak doon, tinanggal ko rin agad ang buhok ko.

"Kung alam ko lang na wala din naman pala akong ligtas sa eskwelahan na 'yon, hindi na sana ako nag-aral don. Ang tanga tanga ko kasi bakit hindi ko man lang inalam ng maayos kung sino ang Dean at mga stockholders na nakaupo doon."

"Bakit kasi hindi mo inalam?" Wala siyang natanggap na sagot ko. Tumayo siya. "Oh anong gagawin mo? Kung sa tingin mo yung Tyrone na 'yon eh may gusto pala sa'yo."

"Hindi ako sigurado na may gusto yun sa akin, papansin naman talaga 'yon noon pa man. Iba lang talaga kinikilos niya nung nalaman niya na ako pala ang batang nagligtas sa kanya."

"Baka naman kasi after ng pagligtas mo sa kanya eh gusto ka niyang makita for thank you, o di kaya..."

Nagkatitigan kami.

"Imposible naman 'yon." sabi ko bago pa siya magsalita. "Pero sabi niya matagal na daw niya akong gustong makita at mahanap."

"See. Kaya ka niya tinigilan sa pang-aasar dahil may gusto siya sayo at hinahanap ka niya matagal na. Talasan mo ang isip mo, Jenairah."

HER SECRETWhere stories live. Discover now