CHAPTER 39

154 10 0
                                    

𝐁𝐥𝐮𝐞 𝐑𝐨𝐬𝐞

AIRAH'S POV

Umuwi ako sa bahay na galit na galit, galing ako sa hospital kung saan dinala si Jiro. Hindi ko kayang mag stay doon, hindi ko na kayang magpanggap sa harap nila na okay lang ako. Pagod na pagod na ako sa kapapanggap bilang Airah Alvarez.

Hanggang kelen pa ba ako magpapanggap? Kung ngayon ay bisto na ako, na nahanap na nila ako.

"Jenairah ano na naman ba ang nangyare at bakit nagkakaganyan ka na naman?"

Hindi ko sinagot ang bulyaw ni Nanay ng makaupo ako sa upuan dito sa sala. Naka kross ang kamay ko at nakapatong ang kanang binti ko sa hita ko sa kaliwa. Nakatingin lang ako ng diretso sa tv na nasa harapan at hindi sila tinignan dahil sa inis at galit.

"Jenairah, tinatanong kita..."

Hindi naituloy ni Nanay ang sasabihin ng biglang bumukas ang pinto ng main door. Kahit hindi ko tignan ay alam kong si Zel ang pumasok. Nagmano siya kay Nanay nang tuluyang makapasok sa loob. Napatingin siya sa akin pagkatapos.

"Ano meron?" sabi niya at tinanggal ang paningin kay Nanay para tignan ako.

"Jenairah, sabihin mo sa amin kung anong nangyare." sabi ni Nanay ng tumahimik ang paligid ng ilang minuto.

Tinignan ko na sila ng tuluyan habang nakatayo sila sa harapan ko. Pagkatapos ay sinabi ko na ang nangyare. "Yung isa ko ho kasing kaibigan pinagdiskitahan yata ng mga bata ni Kint. Naiinis ako!" sagot ko at napahawak sa ulo gamit ang dalawang kamay.

"Kaibigan? Bakit ano bang ginawa nila sa kanya?" gulat at may kuryusidad na tanong ni Nanay. Tinignan ko naman si Zel, nakakunot ang noo niya, siguro iniisip niya kung sinong kaibigan ko.

"Sinong kaibigan mo, si Innah?" Sabi ko nga yun ang nasa isip niya.

Umiling lang ako at sinabing hindi. Kaya tinanong niya ulit sa akin kung sino sa kanila.

"Si Jiro." walang ganang sagot ko.

Nakita ko naman ang maliit na pagbuka ng bunganga niya. "A-anong ginawa nila sa kanya?" tanong niya ng maka recover.

"Hindi ko din alam, pero ang sabi ni Austin sa akin na nakita nalang daw nila si Jiro sa parking lot na nakasandal sa mismong kotse niya na duguan ang mukha. At mismong doktor narin ang nagsabi na nabugbog siya at naniniwala ako dun base narin sa natamo niyang pasa sa mukha. 'Tsaka wala akong alam na may kaaway yun si Jiro, masiyado siyang matino para madamay sa gulo. Kaya hinala ko na sina Kint ang gumawa nun sa kanya."

"Paano ka naman nakakasiguro? At bakit si Jiro pa talaga ang pinagdiskitahan nila?"

"Hindi ko din alam, iyan din ang tanong ko. Bakit siya? Bakit hindi nalang ako?"

Umupo si Nanay sa tabi ko at inakbayan ako para pagaanin ang didbib ko. Hinalukipkip ko ang mukha ko sa dalawang palad ko at ang siko ko ay nakapatong sa hita ko. Lalo ko lang nararamdaman ang pagpapagaan ni Nanay ng balikat ko.

Hindi ko na alam ang gagawin ko, natatakot na ako. Yung akala kong makakaligtas ako sa paglalayas ko pero hindi pala. Mas naging komplekado pa ang naging takbo ng buhay ko. Pero kahit ganun hindi ako nagsisisi sa naging desisyon ko. Pero kahit anong gawin ko hindi ko na kayang pasayahin ang sarili ko. Hindi na ako tulad ng dati, yung Jenairah Zachary na kilala nila.

HER SECRETWhere stories live. Discover now