CHAPTER 95

125 6 0
                                    

𝐕𝐢𝐬𝐢𝐭

AIRAH'S POV

It's been a month ng mangyari ang wedding and ang pagkulong nung apat. Ngayon ay nasa Quezon City Police Station sila naka detained dahil ipinalipat namin sila dito para masiguro naming hindi sila makakatakas o ano pa man.

Mas matagal ang taon na pagkulong ni Thomas sa kulungan dahil sa ginawa niya sa aming pang aabuso ni Viel. Ganoon din ang Daddy ko at si Tita Aoife dahil nakapatay sila ng tao. Si Kintkeil naman ay may limang taon lamang siya.

Hanggang ngayon hindi ko parin sila kayang bisitahin o kausapin. Si Tyrone lang ang kumakausap sa kanila at bumibisita doon, sila ni Tita Kylie.

Nung sinabi ko nga sa kanya ang ginawa ng Daddy niyang pang aabuso at paggalaw sa akin ay nagalit siya, kinabukasan nga nun ay bumalik siya sa Zamboanga para bugbugin ang Daddy niya.

Galit na galit siya, sabi nga ni Habin sa akin ay muntik na niyang mapatay ang sarili niyang ama dahil doon, buti nalang ay umawat daw si Tita Kylie sa kanila.

Now that everything is ending little by little, I feel the real safest life, and this is it.

Marami na nga siyang pinaplano sa magiging buhay namin in the future. Nag s-start narin kaming mag business. And next month parehas kaming mag ti-take ng board exam ng archi and engineer. Sana maipasa namin para tuluyang maging architect and engineer na kami.

About our Organization, pinasara ko na yun. Pero yung house namin sa Zamboanga, kumuha nalang ako ng dalawang house keeper para kahit papaano eh mabantayan at maalagaan.

Kahit kasi maraming nangyaring masama sa akin doon, ang dami ko namang memories na naiwan kaya hindi ko rin siya kayang kalimutan nalang basta basta.

Kung may time ako edi pupunta ako doon, kami ni Viel para bisitahin ang bahay na kinalakihan namin.

And speaking of our family business, maraming naiwang negosyo ang Dad ko. Casino's, Companies and Beach Resort.

Ako na ang namumuno lahat nang 'yan ngayon. Ako naman ang heir so walang masama doon. Kinausap naman ni Dad si Tyrone na sabihin sa akin na ako nalang daw bahala sa mga negosyong yun, wala akong naging tugon pero ginawa ko nalang.

Marami akong binago sa Casino's. Pinatanggal ko yung mga dark side na ginagawa, gusto ko maging simple casino lang siya, walang magagamit na malalaking pera. May mga new games narin doon, arcade, billiards and bowling. At nasa underground ang bowling. Ang dating puno ng masasamang bagay doon ay masaya na ngayon.

Sa company naman namin ay ganun parin ang rating, mataas parin at walang nagbabago. Ayun nga lang ay medyo pangit na ang pagtingin ng ibang mga companies doon dahil nalaman nilang ang CEO pala doon ay isang criminal. Pero gagawin ko ang makakaya ko para maibalik ang pagtingin nila sa company namin tulad ng dati.

Iyong mga empleyado ay ganoon parin, sila parin naman. Kahit yung kanang kamay ng Daddy ko ay siya parin.

Nakausap ko nga siya kung may alam ba siya about our Organization pero sabi niya sa akin ay wala daw siyang alam doon kahit isa. So ibig sabihin lang nun, kung nandito si Dad sa kompanya ay wala siyang ipinapalabas na kahit na ano sa Organization.

Ganoon siya magtago ng sekreto kaya rin siguro tumagal ang Organization namin throughout the years.

"Ma'am, may bisita po kayo."

Katok ni Lemuel sa pinto ng office ko, siya ang kanang kamay ng Daddy ko noon.

"Let him in." sagot ko habang binabasa ang hawak kong paper. Nandito pala ako sa company, sa may office ko, dating opisina ng Daddy ko.

HER SECRETWhere stories live. Discover now