CHAPTER 23

168 16 0
                                    

𝐂𝐨𝐧𝐜𝐞𝐫𝐧

SEB'S POV

Nalula ako ng makita si Airah na pumasok sa canteen na naka jersey shirt at short na may hawak na bola.

Napatingin ako kay Jiro dahil alam kung gaya ko ay pareho kami ng iniisip. At titig na titig nga siya kay Airah habang naglalakad sa canteen, sinundundan pa nga ng mga mata niya ito.

Napatingin ako sa kanan ko na hindi sinasadya at nakita ko si Tyrone na nakangiti na nakatingin din kay Airah. Napangiti ako sa itsura niya. Naramdaman niya ata ang tingin ko sa kanya dahil nagkatitigan kami sa isa't-isa. Nagulat siya sa sa itsura ko dahil inunsulto ko siya gamit ang mukha ko.

"Anong ngiti 'yan?"

Hindi siya nakasagot. Agad niyang ibinalik ang paningin sa plato niya at nagpatuloy sa pagkain.

Hinawakan ko siya sa braso at yinuyugyog. "Hoy tinatanong kita. Anong---"

"Nakita niyo ba sina Innah?"

Naputol ang tanong ko kay Jose dahil sa salitang iyon na narinig ko sa aking gilid. Nasilayan ko pang napatigil sa pangunguya si Jose at nagulat gaya ko. Dumahan-dahan siyang tumingala sa gilid ko at nakatitiyak akong nagkatitigan sila ni Airah.

"Ehem." kako at binitawan ang balikat ni Jose. "Hindi namin alam kung nasaan sila, Airah." tugon ko na tumingin na sa kanya.

"Ah." ayon lang nasabi niya.

"Mag kaklase naman kayo ah, bakit hindi mo alam kung nasaan sila?" tanong ko pa.

"Hindi ako pumasok, nag practice kasi kami ng teamates ko sa Volleyball."

"Ah. Okay."

"Don't you have a contact no. with them?" tanong ni Jiro.

"Wala akong cellphone." Nagulat ako sa sinagot niya.

"Ano! Wala kang cellphone?! Bakit?"

"Ayoko lang. Sige mauna na 'ko, nagtanong lang ako. Salamat." Aalis na dapat siya kaso...

"Sumabay ka na sa amin kung gusto mong mag recess."

Napalunok ako ng laway sa sinabing iyon ni Jose. Napatingin ako sa kanya ng dahan-dahan at nakatingin siya ng malalim kay Airah.

"Hindi naman ako mag re-recess, hinahanap ko lang sila." tugon ni Airah.

Mukhang may napahiya Waaahhhaaa!

"Okay. Sorry for what I said." sabi ni Jose at nagkibit balikat.

Umalis naman na si Airah ng tuluyan sa canteen.

"Ehem." kako dahil binasag ko ang katahimikan sa paligid. "Mukhang bomo-blooming si Airah ah. Hiyang yata niya magpuyat."

"Ano naman point ng pag blooming niya sa puyat niya?" si Austin.

"Dahil sa trabaho niya pumapayat siya, at dahil pumapayat siya lumalabas yung ganda niya. Diba, Jose?" at tinignan ko si Jose.

Nagtaas lang siya ng kilay sa akin at walang sinabi.

"Yes dahil nga doon gumaganda siya." Tila iba ang sumagot ng aking katanungan. "Pero hindi maganda sa kalusugan niya ang pagpupuyat." Iniwas ko ang paningin kay Jiro. "After Interhigh, she will be able to rest easy because she will only think about work and studies. But I am sure she won't have a hard time with those two because I have answered his studies and boss naman niya si Austin sa pinag tra-trabahuan niya."

HER SECRETWhere stories live. Discover now