CHAPTER 29

172 14 0
                                        

𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐡𝐢𝐠𝐡 - 𝐉𝐞𝐚𝐥𝐨𝐮𝐬𝐲

AIRAH'S POV

Nalibot na namin lahat ng mga court sa LCU, pumunta narin kami sa locker, canteen, field at kung saan saan dito sa campus pero hindi parin namin nahahanap si Katsuki.

"Saan ba pumunta 'yon?"

Tanong ni Seb at hindi hinihinto ang kakalingon sa paligid. Kasama namin sina Austin, Primus, Jiro, Innah, Gex at Archer sa paghahanap sa lalaking 'yon.

"Diba sabi mo Gex nandoon yung car niya sa parking lot?" ani Innah habang naglalakad.

"Oo." sagot naman ni Gex.

"Oh, hindi naman siguro yun aalis dito kung hindi niya dadalhin car niya." tugon ni Innah.

"Oo nga." pagsang-ayon naman ni Seb sa kanya.

"Either naglakad siya na umalis." suggestion ni Archer.

"Yun maglalakad?!" Tumawa ng malakas si Seb. "Hindi mo mapapalakad yun, Archer."

"So, nasaan nga siya?" Walang sumagot sa tanong ni Archer dahil parang lahat sila nag isip.

"Bakit ba kasi umaalis yun ng walang paalam?" nakasalubong ang kilay na tanong ko. Napatingin silang lahat sa akin ng sabay-sabay.

"Ang alam ko lang kasi ganun talaga siya kapag may nagagawa kaming mali sa kanya o di kaya nagtatampo siya sa amin." sabi ni Austin.

"Bakit nakaaway ba natin siya kanina, hindi naman ah?" sagot naman ni Seb.

"Kaya nga nagtataka ako bakit umalis siya ng hindi man lang nagpapaalam sa atin." takang tanong ni Austin. "May alam ba kayo Gex, hindi niyo ba napansin kung meron ba siyang nabangga o nakabangga sa kanya sa game kanina, baka kasi meron kaya yun ang dahilan."

Nag isip si Gex. "Wala naman. Pero palagi siyang tingin ng tingin sa audience kanina habang naglalaro kayo, tapos kinalaunan hindi na maintindihan yung mukha niya. Hanggang sa napaalis siya sa kinauupuan niya nang manalo na ang team niyo. Ayon lang napansin ko, hindi ko na kasi mapigilan yung kaba ko kanina nung last minute na ng laro niyo kaya medyo hindi ko na siya napansin."

"Ako rin eh." si Archer.

Napaisip ako sa sinabi ni Gex. Gaya ko parang may naalala rin sina Seb at Austin. Hindi ko alam kung ano iniisip nila sa sinabing iyon ni Gex pero yung sa akin. Nakita ko siyang nakatingin kina Scylla kanina at hindi maintindihan ang mukha niya dahil tila naiinis. Kung sa laro man siya naiinis dapat sa kanila Jiro ang tingin niya, bakit kina Scylla siya nakatingin.

Nagkatitigan kami ni Seb matapos kung isipin 'yon. Agad din niyang iniwas ang paningin sa akin at inakbayan ang nililigawan na si Innah. Binalikan ko tuloy yung pangyayari kanina.

Hindi kaya nagselos siya sa ginawa ko sa pagtawag sa pangalan ni Jiro kanina?

Hindi yun imposible, may pagtingin siya sa akin kaya nakatitiyak akong dahil nga doon bakit siya umalis. Alam ko ring dahil sa akin kaya hindi namin siya mahanap ngayon.

"Okay ka lang ba?" Napabalik ako sa huwisyo ng tanungin ako ni Jiro at hawakan sa balikat. "Mukhang malalim ang iniisip mo ah."

Hindi ko siya sinagot. Kaya binago nalang niya ang usapan. "Alam mo akala ko hindi ka na makakanood eh, buti nalang nakahabol ka."

HER SECRETWhere stories live. Discover now