𝐃𝐚𝐮𝐠𝐡𝐭𝐞𝐫
AIRAH'S POV
Ginising ko si Viel sa pagkakatulog dahil kakain na ng breakfast. "Viel wake up, kakain na, masasad si ate Feliz and kuya Habin mo kapag di ka mag b-break fast." sabi ko habang nakahawak sa balikat niya, nakadapa kasi siya at pilit kong inaayos ang pagkakahiga niya paharap.
At sinabi ko iyon para gumising siya, isang linggo lang kasi kami dito sobrang naging close na niya agad sina Habin at Feliz.
Nagmulat naman siya at inayos ang pagkakahiga. Binitawan ko ang balikat niya at siya namang tinignan niya ako ng malungkot na tingin.
"Why are you sad? May nararamdaman ka ba? May masakit ba sa'yo?"
Umiling siya ng tatlong beses. "Oh bakit malungkot ang eyes mo?"
"I had a dream sister. I dreamed of Mommy and Daddy. They are looking for us and they are angry with you because you took me."
Hindi ako nakaimik. Hindi ko alam ang ire-react ko. Kaya pala nangangamba ang mga mata niya nanaginip pala siya.
"Ate, bakit pala tayo tumakas sa house ni kuya Kint? Galit ka ba sa kanya?"
Ngayon nagsisimula na siyang magtanong at magtaka. Ilang araw din kasi siyang walang imik sa pangyayari na iyon at ngayon na nagtatanong siya hindi ko alam ang isasagot ko. Masiyado pa siyang bata para sa mga bagay na iyon at hindi niya pa pwedeng malaman lalo't wala naman siyang kaalam alam tungkol sa Organization namin.
Kinuha ko ang isang kamay niya at sinunod din ang isa, pinagsama ko yun at hinawakan pareho. "Viel, may itatanong ako sa'yo. Tell me the truth ha. Is there someone hurting you there?" tanong ko.
Yung tanong niya ay hindi ko iyon sinagot. Binago ko ang usapan ng may maalalang hindi ko pa pala siya natatanong tungkol sa naiisip kong buhay niya doon.
Tinignan niya lang ako na may halong pangamba at takot sa mga mata. Lalo ko lang hinigpitan ang kamay niya at hinipo hipo yun.
"Viel..."
Umiling siya na pilit. "Answer my question to you first."
Nilagay ko ang isang kamay sa buhok niya at inayos iyon. "Pwede bang huwag mo na natin yan pag usapan. What I want to know is how they treat you there. Masaya ka ba doon, malungkot, nasasaktan? Ano Viel, please tell me the truth." mahina lang na boses ang pinagtanong ko sa kanya pero nandoon yung diin dahil gustong gusto ko na talagang malaman ang totoo.
Pero umupo siya at niyakap lang niya ako ng mahigpit. Napayakap din ako sa kanya ng mahigpit ng maramdaman ko ang damdaming binibigay niya sa yakap ko. Hindi man niya sinagot ang tanong ko, alam ko kung ano ang nangyayari sa kanya doon.
Walang pagkakalayo ang buhay namin ni Viel. May mga magulang kaming kasama pero bulag sila sa amin. Wala silang pakealam kung ano ang nangyayari sa anak nila sa loob ng kadenang buhay doon. Ang pagkakaiba lang namin ni Viel ako kahit papaano may Mommy akong totoong nagmahal sa akin at si Daddy I know naman na genuine ang pagmamahal niya sa akin noon hanggang ngayon naman, kaso lang masiyado siyang nabulag dahil sa walang hiyang Aoife na yun. Si Viel naman, ewan, I know hindi siya mahal ni Dad totally kasi anak niya kay Tita Aoife. Si Tita Aoife naman mahal niya naman si Viel pero mas mahal niya si Daddy. Sana gets niyo yung pinupunto ko. In short wala silang attention sa anak nila pareho. Yun ang pagkakaiba namin ni Viel. Pero alam kong may pagkakapareho kami.
Parehas kaming nabibiktima, minor de edad palang.
Bumitaw siya sa pagkakayakap at pinilit niya pang ngumiti sa harap ko kahit alam kong fake smile yun.
![](https://img.wattpad.com/cover/309754681-288-k46187.jpg)
YOU ARE READING
HER SECRET
Mistério / SuspenseHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...