CHAPTER 99

130 5 0
                                    

𝐒𝐢𝐦𝐩𝐥𝐞 𝐂𝐞𝐥𝐞𝐛𝐫𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧

AIRAH'S POV

After 3 months. There is a list of those who passed the board exam in the Architecturer and Engineering. And we're so thankful na pareho kaming nakapasa ni Tyrone.

"Congratulations sis! Yayyy engineer na tayo!!!"

Tumalon narin ako para sabayan sina Archer, Gex at Innah sa kasiyahan. Nakalimutan ko, nag exam rin pala sila kaso mas nauna ako na araw kaya hindi ko sila nakasabay that day. 3 days kasi yung exam ng engineering eh dahil sobrang dami namin, buong Pilipinas ba naman.

And I'm so happy rin para sa kanila kasi tulad ko nakapasa rin sila.

"Congrats din Architect Tyrone. Ayiehhh!" bati naman nila kay Tyrone na nginitian lang niya.

"Congrats to the both of you, Airah and Tyrone." pagyakap at pagbeso sa akin ng kaibigan kong si Winter.

"Ahyt, thank you WinterMus."

Pagpapasalamat ko dahil maliban sa kinongrats niya ako nagbigay din siya ng paper bag na hindi ko alam ang laman. But I think it is a gift.

"WinterMus what is that?" ngiwi niyang tanong.

Natawa naman ako. "Love name niyo ni Primus. Duh!"

"Myghaddd Airah as in Winter plus Primus egual WinterMus?!" napaka arte niyang tanong.

Napatango lang ako habang natatawa.

"You're so advance eh hindi pa naman kami."

"Woi huwag mo kong sinisinungalingan dito Winter ha, kilala kita." pagbabanta ko.

Todo deny pa ang loko eh halata naman na sila na ulit ni Primus.

Yes ulit, kasi nag break sila a month ago tapos nagkabalikan ulit sila.

But before na naging sila ni Primus naging sila pa ni Habin pero months lang yun. Basta ang dahilan ng hiwalayan, si Primus. 'Di ko na sasabihin kung bakit, buhay na nila yun.

Hindi na siya sumagot sa akin instead tinabihan nalang niya si Primus na ngayon ay kausap sina Seb at Innah.

Tamo, pahalata ang loko.

Sunod sunod na ang nagbati sa amin. Sumunod sina Manang, si Nanay, Si Tita Kylie, Habin, Feliz, and Zel. Yung mga kaibigan ni Tyrone na sina Jiro, Primus, Seb at Austin. Kanina pa sila bumati sa amin.

"Sabi ko naman sa'yo eh papasa ka, iyak iyak ka pa diyan ah." pang aasar ni Tyrone sa tabi ko kaya piningot ko siya.

"Oo na. Lakas ng hula mo."

"I'll know you'll pass it. Lagi kayang ganyan sinasabi mo tuwing exams, pero tignan mo naman grumaduate kang Cum Laude."

Napanguso ako ng maalala iyon. Oo nga noh.

Pero ang totoo. Akala ko talaga di ako makakapasa. Kasi naman, hindi talaga ako sure sa mga pinag sasagot ko. Buti nalang kahit papaano eh ginamit ko yung utak ni Jenairah Zachary kaya nakatulong naman.

"Babe."

Nabalik ako sa huwisyo ng tinawag niya ako.

"Hmm?"

"By next month pipili ka na ng gown mo at susukatin ka narin. Sunod sunod na 'yan babe. Pren-up narin next next month kaya magiging busy na tayong dalawa for our wedding."

I smiled.

"I'm excited babe... And mukhang mapapaaga na din ang kasal natin."

"Mukha nga, but I'll make sure na hindi ko mamadaliin. I want our wedding to be grand."

Hearing those things from him is such a nightmare for me.

Akala ko kasi hindi na 'to maaabot nang buhay ko pero nagkakamali ako. Dahil mararanasan ko parin palang maikasal ng totoo.

Minsan ko narin kasing naisip at nag desisyon noon na huwag nalang ako mag asawa. Pero heto, binigay niya 'to sa akin dahil alam niyang deserve kong bumuo ng sariling pamilya.

Tumayo na kami doon ni Tyrone para kausapin ang mga bisita namin. May unti kasing salo salo dito mismo sa bahay namin sa Tagaytay para i-celebrate ang pagkapasa naming dalawa.

At nagpapasalamat ako dahil lahat ng mga mahahalaga sa buhay ko ay nandito.

Kahit si...

Shit nasaan na nga ba ang batang yun? Siya nalang ang hindi bumabati sa akin?

"Ate..."

Nagulat ako nang may kumalabit sa likod ko. Napangiti ako ng makita ang nakangiti niyang mukha.

Pinisil ko ang pisngi niya ng makitang may bitbit siyang cupcake at sa gitna nun ay isang kandila.

"Congrats ate!" she said in a cute voice.

Lumuhod ako para hipan ang kandila. Kinuha ko sa kamay niya ang cupcake at niyakap ko siya.

"Salamat, Viel."

Binitawan ko siya ng may maalala.

"Saan ka pala pumunta? Kanina pa kita hinahanap?" nag aalala kong tanong.

"Sorry ate. Nagpatulong po kasi ako kay ate Feliz na gumawa ng cupcake para sa'yo. Sorry if ginamit namin yung mga tools niyo sa kusina." At nag peace sign siya na ikinatawa naming lahat na nandito.

"It's okay. Thank you for your effort."

"Welcome!"

Niyakap ko ulit siya at hinalikan ang sentido niya.

Sobrang saya ko na makita ko ang kapatid ko na masaya ngayon at hindi na pilit ang mga ngiti niyang pinapakita sa akin.

Na gaya ko alam kong habang tumatagal ay nakaka get over na siya sa naranasan niya noon kay Thomas. Ipinag darasal ko lang na sana balang araw ay tuluyan na siyang maka move on sa nangyari sa kanya.

At ako, tuluyan ko naring tatalikuran ang mga sinekreto ko noon sa kanila.

Dumating ang gabi ay may pool party na naganap sa baba kaya nagkasayahan kami doon. Hindi namin sila pinauwi kasi malaki naman itong bahay. 5 rooms ang nandito at may isang guest room pa and isang master bedroom kaya feel free to sleep sila kahit saan nila gusto dahil alam ko namang hindi sila kasya lahat sa guest room.

Meron din palang maid room sa baba pero bubuksan lang yun kapag nagkaroon na kami ng mga maids in the future.

Tinanong ko nga kay Tyrone bakit lima yung normal rooms. Tapos sagot niya. Lima daw kasi yung gusto kong anak, 3 boys at 2 girls.

Tinupad niya nga talaga. Kaya siguro tinanong niya sa akin yun para alam kung ilang kwarto ipapagawa.

Napailing nalang ako. Napaka advance niya talaga, super.

Habang nag po-pool party ay may mga umiinom na din. Syempre nakiki join din ako pero slight lang kasi may nambabawal sa akin na nasa tabi ko lang.

After pool party ay nagpahinga narin kami. Umabot na kasi kami ng 3 am. Di na nga namin namalayan ang oras. Buti nalang at pinatulog ko na kanina si Viel. At natulog narin sina Nanay, Manang at Tita Kylie.

Sabi kasi nila kami kami nalang daw ang uminom kasi nga matanda na daw sila para uminom pa. Hinayaan na namin sila para maging free kami sa gagawin namin dito sa pool.

Oh greenminded, walang ganun. Ang gusto kong sabihin ay mga kalokohan, hindi yung ganun.

Kayo talaga.

~To Be Continued~

HER SECRETWhere stories live. Discover now