CHAPTER 18

141 12 0
                                    

𝐎𝐟𝐟𝐞𝐫

JIRO'S POV

"Sige na pumasok na kayo sa school, ako ng bahala kay Airah." I said sa mga kaibigan ko at kina Innah nung pagkatapos sabihin ni Doc na okay na si Airah.

"Are you sure?"

"Yes Primus okay lang sa akin, sige na pumasok na kayo. Pag kayo talaga nalate sa class niyo, naku."

"Eh ikaw? Hindi ka na papasok?"

"Hindi na Gex, babantayan ko si Airah dito sa hospital hanggang sa magising siya."

"Ikaw Jiro ah. Napapansin ko sayo mukhang may gusto ka kay Airah. Naku naku!" si Seb habang pinatunog niya pa ang dila niya.

Natawa ako sa sinabi niya. "Hoy wala ah."

"Anong wala susss... Eh ano 'to?" Nabigla ako ng tinuro niya ang mukha ko. "Namumula ka."

Hinawakan ko ang kamay niya at sinagi pababa. "Hindi ako namumula at..."

"Anong at?"

"Wala akong gusto kay..." Hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil ang totoo naman talaga ay may gusto ako kay Airah.

Masiyado na ba akong inlove sa kanya at bakit pati mga kaibigan ko nahahalata nila?

"Oh diba hindi mo natuloy kasi ang totoo may gusto ka talaga sa kanya---"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Seb dahil sobrang lakas at sobrang daldal niya.

"Shhhhh!" sabi ko at binitawan ang labi niya. "Sige ilakas mo pa!" inis ko pang tugon.

"Sorry. Pero tatahimik lang ako kung sasabihin mo sa amin ang totoo. May gusto ka ba kay Airah o wala?"

Hindi ako nakasagot ng masilayan kong grabe ang tingin nila Archer sa akin. Naghihintay sila ng sagot ko habang ang mga mata ay kinikilig at nang-iinsulto.

"Sabihin mo na, hiya hiya ka pa eh."

"Kaya nga."

"Uy si Jiro pumapag-ibig na."

"Shhhhh!" sabi ko at nilagay ang hintuturo sa labi bago huminga ng malalim para sagutin na ang tanong nila. Tinignan ko muna si Airah na nakahiga sa bed sa loob ng isulation room. "Hindi ko alam bakit ko siya nagustuhan." sinasabi ko 'yon habang kay Airah parin nakatingin. "Yes hindi siya maganda sa paningin ng nakararami pero para sa 'kin maganda siya sa paningin ko pero hindi sobra, sakto lang, normal lang." At binaling ko ang paningin sa mga kaibigan ko. "Hindi ko maexplain pero nung nginitian niya 'ko sa unang pagkakataon kahit naman alam kong pilit lang na ngiti 'yon. Nagandahan ako sa ngiti niya at naatract. Hanggang sa nakakasama natin siya at nasasabayan kumain. Dahil dun nahulog ako sa kanya na hindi ko alam ang dahilan."

Tinignan ko isa-isa ang mga kaibigan ko at lahat sila tahimik sa pakikinig lang sa akin.

"Isa rin 'to sa dahilan." kako at iniwas ang paningin sa kanila. "Lalong mas tumibay yung pagmamahal ko sa kanya kada sinasaktan siya ni Tyrone, naiinis ako kapag sinasaktan niya si Airah. Siguro 'yon din ang isa sa dahilan bakit ko siya unti-unting nagustuhan dahil tinutulungan ko siya. Nang dahil sa pagtulong ko hindi siya takot sa akin, kundi mas nakakapag open siya sa akin kahit kunti, nagagawa pa niyang ngumiti na ang alam ng lahat hindi siya ganun. Pero habang nakakasama ko siya at natuturuan din sa basketball. Yung ugaling kilala ni Tyrone, malayo sa Airah na kilala ko. I think masungit siya sa taong kaaway niya, pero kapag hindi niya kaaway, hindi siya masungit. Yun ang naincounter ko, yun ang pinaka umimpact sa akin bakit ko siya nagustuhan. She's really weird in eyes of many but for me, she's a mysterious in my eyes."

HER SECRETWhere stories live. Discover now