CHAPTER 08

204 16 0
                                    

𝐖𝐚𝐭𝐜𝐡𝐞𝐝 𝐒𝐞𝐜𝐫𝐞𝐭𝐥𝐲

TYRONE'S POV

Pagkatapos nang recess ay wala akong ganang pumasok sa room. Nang dahil doon ay wala akong ganang nakinig sa dalawang proffesor.

Lumipas ang oras ay lunch break na. Lumabas agad ako sa room pero walang kagana-gana. Hindi ko alam kung bakit nagkakaganito ako.

Napabalikwas lang ako ng marinig ang boses nina Archer, Gex at Innah sa room 803. Napatigil agad ako sa paglalakad at sumilip sa etrance door nila na ngayon ay nakabukas. At nakita ko ang tatlo na pinalilibutan si Dandere sa upuan niya.

"Bakit ayaw mo bumaba?"

"May sakit ka ba? Ang lamya-lamya mo 'te."

"Sis, please. Mag lunch ka na."

The three asked. Tinignan ko si Dandere, ang lamya nga niya.

Anong nangyari diyan?

"Ayokong lumabas. Matutulog ako." sagot ni pangit.

"Bakit ka nga napuyat? Kahapon puyat ka na, ngayon puyat ka na naman."

Pero hindi sumagot si Dandere kay Archer. Tsk! 'Yan ang ayaw na ayaw ko sa 'yong babae ka, hindi ka sumasagot kapag tinatanong ka.

"Sige," si Archer. "hindi ka na namin pipilitin na kumain, pero sana bukas mag lunch ka."

"Hmmm. Kakain ako bukas, ngayon lang 'to." tugon ni pangit.

Wala nang nagawa ang tatlo kaya naman umalis na sila at dumaan sa exit door ng room nila. Pagka-alis nila ay nagtago ako sa wall, katabi lang ng pinto ng etrance door para tignan si Dandere, isinilip ko lang ang mata ko para hindi niya ako makita.

Iniligpit niya ang gamit niya sa mesa at inilagay iyon sa bag. P'wera lang ang librong malaki na iniwan niya sa ibabaw ng lamesa niya.

Bakit hindi niya niligpit---

Hindi ko natapos ang tanong sa sarili ng pinag-krus niya ang braso at pinaibabaw iyon sa libro upang gawing unan niya dahil matutulog nga siya. Nakaharap ang ulo niya sa gawi ko kaya pinagmasdan ko ang mukha niya.

Tsk! Bakit mo pinagmasdan ang mukha niya, Tyrone?

Nginiwian ko siya at bumaling ng daan sa hallway para maglakad, habang naglalakad...

Napatigil ulit ako sa paglalakad ng tumapat sa exit door nila. Dahan-dahan ko siyang tinignan nang nakatalikod. Hindi ko na mapigilan ang magtanong sa sarili ng makita siyang tulog na tulog.

Bakit ka kaya napuyat?

Pinagmasdan ko pa siyang ganun at hindi ko alam kung bakit medyo naaawa ako sa kanya, medyo lang naman, napaka-liit na awa lang.

I averted my eyes from him and went straight to the stairs to go down to the canteen.

I was annoyed when I entered the canteen and saw my four friends were there again at Innah's table. Right across from us. Wala akong nagawa kundi doon dumiretso at umupo ulit sa upuan ni Dandere.

Kainis.

Pagkaupo ko palang ay tumayo si Jiro. "Bibilhan ko siya ng sinigang para makakain siya. Hindi pwedeng nagpapalipas ng gutom 'yon."

HER SECRETWhere stories live. Discover now