CHAPTER 61

142 8 0
                                    

𝐑𝐢𝐧𝐠 𝐍𝐞𝐜𝐤𝐥𝐚𝐜𝐞

AIRAH'S POV

Narinig ko ang malakas na makina ng isang kotse na huminto sa harap ng bahay kaya natigilan kami ni Zel sa pag mi-make up. Sa akin niya kasi tinatry yung make up na ginift namin ni Tyrone sa kanya. Lakas ng trip.

"Saglit. Si Tyrone na yan." ani ko ng maalalang susunduin pala ako ni Tyrone ng alas dos. Tatayo na sana ako ngunit lumabas si Nanay galing sa kusina at sinabing sila nalang daw ang magbubukas ng gate.

Napanguso nalang ako.

"Inlove ka na nga... Excited ka na makita siya eh, 2 hours lang naman kayong di nagkita. Naku!"

Pilyang ani Zel habang bina-blush on ako.

Di ko nalang pinansin ang sinabi niya. Pinagsalubungan ko nalang siya ng kilay.

"Di ka pa ba tapos? Lagay ka ng lagay ng blush on sa mukha ko, baka maging clown na ako neto ah."

Tumawa siya. "Gago."

"Bilisan mo na kasi..."

"Ito na nga oh, tapos na oh, tapos na!"

Sabi at inaapurang nililipstikan ako. Agad ko namang tiniklop tiklop ang labi ko para pumantay yung kulay.

"Airah."

Nagulat ako ng marinig ang tinig na iyon. Agad kong nilingon ang pintuan at nakita ko siyang naka ngiti. Bigla ding nawala ang ngiti niya ng... makita niya ang mukha kong may make up.

"Hehe, maganda ba Tyrone?" agad na tanong ni Zel.

"Yes. She got even better."

Pumula naman ang pisngi ko.

Grabe. Nilagyan na nga ako ng blush on ni Zel tapos namumula pa pisngi ko sa kilig. Baka nagmukha na akong kamatis ngayon ah.

"Let's go?"

Kung hindi siya nagsalita, hindi ako mababalik sa huwisyo at hindi ko malalaman na nakahawak na pala siya sa kamay ko habang nakaupo parin ako. Nginitian niya ako.

Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Zel sa aking tabi. Siguro nakita niya ang pagkatulala ko kakaisip na baka mukha na akong kamatis.

"Dapat ako yung natulala eh pero ikaw yung napatulala. Baliktad yata." pilyong ani Katsuki ng nakatayo na ako. Kinurot ko naman siya sa tagiliran na ikinasingkit ng mata niya.

"Loko!" mahinang sambit ko. "Ah Nay, Zel. Alis na po kami. Thank you ho sa pagkain and Merry Christmas ulit!" paalam ko na sa kanila.

"Merry Christmas din ulit sa inyo." si Nanay. "Sa New Year ba punta rin ba kayo dito?"

Nagkatinginan kami ni Tyrone. Pupunta kasi kami sa Hawaii pag New Year kaya malamang wala kami dito at hindi kami makakapunta. Sasabihin ko ba ang totoo sa kanila o magdadahilan nalang ako?

"Hmm. Tignan po namin." tanging sagot ko.

Hinawakan ko naman si Katsuki sa siko para map mag salita, baka kasi makapag salita pa siya ng tungkol sa pupuntahan namin.

"Sige. Mag ingat kayo ha." At tinignan ni Nanay ng madiin si Tyrone. "At ikaw, Tyrone. Baka naman may mali kang gagawin dito kay Jenairah. Ay jusko huwag na huwag mong babalakin at talaga namang hindi mo na siya makikita pag nagkataon."

"Hehe. Relax po Nay. Malinis po ang intensiyon ko sa anak anakan niyo." aniya. Natawa nalang si Nanay.

"Oh siya basta huwag mo siyang sasaktan. May tiwala naman ako sayong bata ka at boto naman ako sa'yo para sa anak ko."

HER SECRETWhere stories live. Discover now