CHAPTER 88

83 6 0
                                    

𝐋𝐨𝐧𝐠𝐢𝐧𝐠 𝐊𝐢𝐬𝐬

AIRAH'S POV

Nang dumilim na ang paligid ay umuwi narin kami pabalik sa hotel na binook namin. Nag ayos lang kami ng mga gamit at kumain ng dinner bago pumuntang airport.

Oo babalik na kami sa Manila dahil bukas na nang umaga flight na namin sa Spain. Flight na niya papuntang Spain.

"Yes, Mom. We're here at the airport, we're on our way back."

I heard him say. He calls Tita Kylie.

"Yes po." huling sabi at inoff na ang call.

"Anong sabi?" tanong ko habang hila hila ang maleta.

Binulsa niya ang cellphone sa pocket niya at tinignan ako bago sumagot.

"She asked if we were going home. Sabi niya kasi maaga tayong aalis bukas, our flight to Spain is 8:00 am in the morning."

Tumango lang ako.

Di rin nagtagal ay nakasakay na kami. Sakto lang ang dating namin sa airport, di kami masiyadong naghintay ng matagal sa waiting area.

At dahil 1 hour and 45 minutes lang naman ang flight via Basco Batanes to Manila ay nakarating agad kami ni Tyrone.

Sumakay nalang kami ng taxi papuntang condominium namin. Nang makarating sa condo ay binagsak agad ni Katsuki ang katawan sa kama. Tinignan ko ang orasan sa wall at 10:55 na ng gabi. Mag aalas onse na pala.

Tinanggal ko ang sapatos at medyas niya. Ganun din sa akin. Tumabi ako sa kanya pagkatapos ay pinikit ko narin ang mata ko.

"Sleep na. Maaga pa tayo tommorow." he said sa mababa at naaantok na boses.

Niyakap ko siya habang pikit ang mata ko. Naimulat ko ang mata ko bigla ng bigyan niya ako ng smack kiss.

Hmm, good night kiss actually.

Napangiti ako sa kanya at binawian ko rin siya ng halik sa noo, ilong, magkabilaang pisngi at labi.

Nakapikit siya pero nakita ko ang pagpunit ng labi niya.

"Airah, wake up!"

Nagising ako sa tinig na yun.

Minulat ko ang mata ko at nasilayan ko ang mukha ni Katsuki.

"Babe, magbihis kana, aalis na tayo."

Biglang kumabog ng mabilis ang puso ko sa narinig mula sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.

Anong gagawin ko? Kikilos ba ako? Sasama ba ako?

"Babe." ulit niya ng hindi ako tumayo o gumalaw man lang.

Tumango nalang ako sa kanya at tumayo na. Kinuha ko ang bath towel at dumiretso na sa bathroom.

Habang naliligo, iniisip ko parin hanggang ngayon kung saan ako pupunta, pero buo na ang desisyon ko ngayon, kay Katsuki, kay Katsuki ako sasama.

Oo kahit nararamdaman kong kaya nila pinapapunta si Tyrone sa Spain para hindi niya malaman na ikakasal ako. Pero ang hindi nila alam sasama ako sa kaniya. Wala ring alam tungkol sa kasal si Tita Kylie, ang alam niya kasama akong pumunta ng Spain.

Di naman namin pinapasabi kay Tita na sabihin sa Lola ni Katsuki itong balak namin. Dahil ayokong ipasabi sa kanila na pupunta din ako doon, alam ko kasing kasabwat yun sa plano. Baka kasi kapag malaman niya hindi ako patuluyin.

HER SECRETWhere stories live. Discover now