CHAPTER 06

233 17 0
                                    

𝐏𝐮𝐧𝐢𝐬𝐡𝐦𝐞𝐧𝐭

AUSTIN'S POV

"Nandito na po ba sila, yaya?" tanong ko kay Yaya Taliya ng makarating ako sa bahay ko kasama si Primus.

"Ah. Yes po Sir. Nandoon na po sila sa music studio niyo." ani Yaya.

"Sige, salamat." kako. Nilingon ko naman si Primus. "Halika na."

Sinundan niya naman ako patungo sa 2nd floor kung saan naroon ang music studio. Doon kami mag pra-practice ng kanta para sa acquaintance party. Kailangan naming mag ensayo ng maaga dahil ngayong sabado na ang acquaintance party. Kung hindi kami mag eensayo ay baka wala kaming ma-e-pe-perform. LCU band pa naman kami, at kailangan na kailangan kami kapag may events.

"Ang tagal niyo naman." complain ni Seb pagkarating namin sa studio.

"Pasensiya na, kinausap kasi kami ni Dean para sa darating na acquaintance party." paliwanag ko. "At doon sa dalawang player ng basketball na bago."

Napalingon agad si Tyrone pagkatapos kong sabihin 'yon. "Ano sabi?" ani Tyrone.

"Itanong mo na lang kay Dean. Lolo mo naman siya, eh."

"Eh kung sabihin mo na lang kaya. Papahirapan mo pa 'ko." ismid niyang tugon.

"Sabihin mo kasi, takot ka lang na kausapin si Dean. Susssss." pang-aasar ni Seb sa kanya.

Naupo naman ako sa tabi ni Jiro at kinuha ang gitara sa tabi ko 'tsaka ko binuksan dahil nakalagay pa sa lalagyanan nito. At bumaling ng tingin kay Tyrone. Hindi siya agad nakasagot kay Seb.

"Ano? Tama ako, diba?" pang-aalipusta ni Seb sa kanya. "Hanggang ngayon takot ka parin sa lolo mo. Bakit? Ayaw mo na bang mapagalitan?" Naghihintay ng sagot si Seb galing kay Tyrone, pero hindi sumagot ang isa. "Psh! Kasalanan mo rin kasi 'yan. Kung hindi ka lang nananakit ng estudyante, eh di hindi ka pinapagalitan."

"Oo nga naman." sabi ko. "Bakit ba ang hilig-hilig mo mang bully? Bakla ka ba?"

Napalingon agad sa 'kin si Tyrone. "Hoy! Hindi ako bading!"

"Eh, ba't ka nantritrip ng estudyante? Karamihan pa dun mga babae. Oh, ano tawag dun?"

"Bully." mabilis niyang sagot. "Bully lang tawag dun. At isa pa, hindi ako bakla. Baka gusto niyong masapak."

"Kung hindi ka bakla. Ano ka? sulpot naman ni Seb. "Ano 'yon, trip mo lang mang bully? O Baka naman type mo 'yong binubully mo?" pa iling-iling niyang tanong. "Dalawa lang 'yan men, eh. Trip o Type." ngumisi siya.

"Tsk! Lahat ng binully ko lalaki man 'yan o babae, puro pangit silang lahat!" naiinis niyang sagot. "Mataas standard ko sa babae, hoy! Ano ako walang taste?" umismid pa siya at napatayo sa kinauupuan. "Magsimula na nga lang tayo, baka kung saan pa mapunta 'tong usapan." aniya 'tsaka tumayo para maupo sa harap ng drum.

Nagsipag tayuan na rin ang tatlo at pumwesto sa kaniya-kaniya nilang pwesto. Si Jiro ay sa harap ng piano, si Primus ay kinuna ang electric guitar, si Seb ay ang mic dahil siya ang aming vocalist, si Tyrone naman ay sa drum, at ako ay hawak ang gitara malapit sa pwesto ni Primus at Seb. Nakatayo kasi kaming tatlo.

HER SECRETWhere stories live. Discover now