CHAPTER 44

142 10 0
                                    

𝐁𝐫𝐨𝐤𝐞𝐧 𝐅𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝𝐬𝐡𝐢𝐩

KINTKEIL'S POV

Nasa Zamboanga ako ngayon dahil birthday ni Veil. Her Birthday celebration is simple, pang kids lang talaga. Yung mga bisita niya ay mga classmates niya sa school, mga magulang ng mga kaklase niya, and yung mga friends ni Tita Aoife at mga ninongs and ninangs niya. Nandito din ang lolo at lola niya which is parents ni Tita Aoife, Tito's and Tita's niya also.

At ako heto, nakaupo sa isang upuan habang nakapatong si Viel sa lap ko habang kumakain siya ng cupcake.

Kanina ko pa tinititigan ang mukha niya pero matatapos na ang birthday celebration niya hindi ko parin siya nakitang ngumiti ng malaki.

"Are you happy baby Viel?" mahinhin kong tanong sa kanya habang nakatingin sa mahabang pilikmata niya.

Kinagatan niya yung cupcake na hawak niya at umiling iling.

"Why baby Viel? Isn't your birthday fun?"

Tumango siya. Kaya lalo ko lang siyang pinaupo sa lap ko at inayos ang magkabilang tali ng buhok niya.

"Why baby Viel? Because?..."

"Because ate Jenairah is not here." malungkot niyang sagot at tinignan niya ako na malapit ng umiyak. "She told me that we were going to Enchanted Kingdom on my birthday. Where she is now? Bakit hindi ko na siya na si-see? Alam mo ba kung nasaan ang ate Jenairah ko kuya Kint? Diba you love her, why hindi mo siya kasama?"

Sunod sunod at walang preno niyang tanong kahit pinipigilan niya ang umiyak. Pero wala siyang nagawa, tuluyan din siyang napaiyak ng tahimik ng hindi agad ako nakasagot sa tanong niya.

"Shhh baby don't cry." Pinunasan ko ang pisngi niya at tinatahan siya.

"Why I haven't see him in months? Did you fight?"

Umiling iling ako. "N-no, no." sagot ko at napalunok dahil sa tanong niya.

Anong dapat kong sabihin?

"No?? Eh bakit hindi mo siya kasama umuuwi kada weekends, why are you alone always? Nasaan ba talaga ang ate Jenairah ko?" takang takang tanong niya. Hindi parin siya tumitigil sa pag iyak. "I miss her so much! I want to see her!" impit niyang sigaw at ginalaw galaw ang mga paa, kunwari tumatakbo.

Bumuntong hininga ako at pinunasan ulit ang mga luha niya sa pisngi.

"You want to seer her?"

Tanong ko ng maalalang magkikita na pala kami this Saturday night ni Jenairah. Ipupunta siya ni Tyrone sa bahay at sa gabing yun makukuha ko na siya. At sa gabing din yun makikita na ni Viel ang ate Jenairah niya.

"Yes." munting sagot niya.

"Okay. We will go to my house in Manila and meet ate Jenairah there, huh."

Nanlalaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. "Really?! Yeyyy I will see her na!... But when is that, tomorrow?"

Umiling ako. "Nah, in Saturday."

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya pero bumalik din naman agad. "Okay. I will only see her naman eh for a few days. Yeyyy I'm so excited! Thank you kuya Kint. I love you!" At hinalikan niya ako sa pisngi na ikinagulat ko.

Napaka sweet talaga ng batang ito. Parang si Jenairah lang dati. Ayon nga lang hindi niya kamukha kasi kamukha ni Tito Hendrix, pero mabuti narin iyon dahil hindi niya namana ang beauty ng Mommy Aoife niya.

HER SECRETWhere stories live. Discover now