𝐓𝐨𝐥𝐝 𝐓𝐡𝐞 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡
AIRAH'S POV
Three months nalang at gra-graduate na ako sa college, kami nina Tyrone, mga kaibigan niya at kaibigan ko.
At habang papalapit ng papalapit ang araw na iyon ay siyang ikinakaba ko, dapat nga maging masaya ako dahil tapos na ang pagiging estudyante ko. Pero heto, hindi maalis sa isip ko iyong kasal namin ni Kintkeil. Dahil pagkatapos ng graduation ko ay ikakasal na kami kaagad sa pangatlong araw after ng graduation.
Isang taon na ang nakakalipas ng ipa-annulment ko ang kasal na yun pero walang nangyari dahil hindi pumirma si Kintkeil. Isang taon narin ang lumipas ng huli akong pumunta sa Zamboanga kaya hindi ko na alam kung ano na ang kalagayan ni Viel doon.
Sana mabuti na ang kalagayan niya dahil wala na sina Kintkeil at Thomas doon. Pero kahit ganun may contact parin sila sa Tatay ko at paminsan minsan ay pumupunta sila sa Casino namin.
Bakit ko alam? Kasi nag iimbestiga ako.
Ngayon nandito ako kina Habin. Halos isang taon rin ang lumipas ng huli akong nakapunta dito, noong nanirahan pa kami ni Viel.
"Ate Airah!"
Gulat at masayang pagbati sa akin ni Feliz ng pagbuksan ako ng pinto. Niyakap niya ako ng mahigpit at pinapasok at pinaupo sa upuan nila.
Nilingon lingon ko ang paligid ng makaupo at wala namang pinagbago dito sa bahay nila, ganun parin naman sa dati.
"Ate napadalaw po kayo." may ligaya sa tono ni Feliz at umupo rin sa single chair sa gilid ko.
Nginitian ko lang siya. "Nandito ba ang kuya mo?" tanong ko.
Sunday kasi ngayon at malapit ng mag tanghali. Pumunta ako dito dahil may gusto akong sabihin kay Habin. Gusto ko kasi ay makakausap ko siya ng masinsinan. Nakakasama ko naman siya sa AusDeLun Bar kada Biyernes at Sabado ng gabi pero dahil lumago at nakilala na ang Bar na yun ay mas marami na ang taong pumupunta kaya hindi ko na siya nakakausap ng matagal.
May tatlo narin kaming bagong kasama sa pag babarista kaya hindi ko talaga masabi sabi yung gusto kong sabihin sa kanya kaya napag isipan ko na bumisita nalang dito total nandito naman yung mga ibang ebidensiya.
"Wala po eh, pumunta po kasi siya sa Pateros Police Station para po doon sa kaso ng Tatay namin."
Napalunok ako sa narinig mula sa sagot ni Feliz. Hanggang ngayon pala hindi parin na so-solve ang kaso ng Ama nila. Ang lakas talaga ng Tatay ko para hindi siya mahanap ng mga police. Remember siya ang nagpapatay sa Ama nila Habin. Doon sa harap ng cafe sa tapat ng LCU, iyong nakita ko.
"Ahhh." tumango tango ako. "Kailan siya makakauwi?" tanong ko ulit.
"Siguro po bago mag tanghalian nandito na po iyon." sagot niya.
"Sige, hintayin ko nalang siya."
"Sige po ate."
Tumayo na si Feliz at pumuntang kusina, siguro ay magluluto na siya.
Ilang oras ang lumipas ay dumating na si Habin. Nagulat pa siya ng makita ako. Tumayo ako at binati siya.
"Hello."
"Oh, Airah, nandito ka! Nanggugulat ka naman."
Nginitian ko lang siya. "Ah hehe, namiss ko kasi dito kaya bumisita ako, pasensiya na kung hindi ko sinabi sa'yo kagabi, ang dami kasing customers 'tsaka para surprise narin."
YOU ARE READING
HER SECRET
Misterio / SuspensoHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...
