𝐑𝐮𝐢𝐧𝐞𝐝
AIRAH'S POV
Hanggang ngayon nasa isip ko parin ang mukha, titig at ang gustong sabihin ni Tyrone sa akin kagabi.
Ano bang sasabihin niya bakit hindi niya masabi ng deretso? Pumunta pa talaga siya sa AusDeLun Bar para doon.
"Airah!"
Napatigil ako sa paglalakad sa hallway ng school ng makita ang tatlo kong mga kaibigan papunta sa akin.
Biglang dinampot ni Innah ang kamay ko at ginuyod na ikinagulat ko. "Anong ginagawa niyo?"
"Halika dali, bilisan mo!" sabi habang guyod ang kamay ko. Ako naman ay tumakbo dahil tumatakbo din siya.
"Woi wait lang, wait lang." sabi ko pero hindi niya pinansin 'yon. "Ano ba kasing nangyayari bakit para kayong nag-aapura hindi naman ako late ah."
"Can you please not speak for now Miss Alvarez, just wait for what will happen." ani Archer habang sinasabayan kami ni Innah sa pagtakbo kasama si Gex.
Kumunot lang ang noo ko sa sinabi niya at napatiklop ang bibig. Mas napakunot pa ako nang dumiretso kami sa basketball court hindi sa volleyball court.
"Mamaya pa practice namin ni Katsuki." sabi ko ng tumigil kami sa entrance ng basketball court.
"Hindi naman practice niyo ni Katsuki mo ang mangyayari ngayon." tugon ni Gex sa akin. Nainis na naman ako kasi may Katsuki mo na naman siyang salita.
Magsasalita na sana ako kaso natigilan ako ng bumukas ang entrance door ng basketball court at nakita ko si Jiro sa center court. Nakatayo at may hawak-hawak na rose.
"Ayieeehhh!"
"Kilig yern?"
Pang-aasar sa akin ng mga asungot kong mga kaibigan pero hindi ko sila nilingon, nakay Jiro parin ang paningin ko.
Ano 'to?
"Sis lumakad ka huwag kang ano diyan."
Rinig kong sabi ni Archer. Tinulak naman ako ni Innah kaya napatingin ako sa kanila. "Ano 'to?" bulong ko pero ngumiti lang sila.
Kaya ibinalik ko ang paningin sa harapan at nagsimula ng maglakad. Habang naglalakad ako ay naririnig ko ang pang-aasar sa akin ng mga kaibigan ko kaya lalo akong naiilang sa boses nila. Nakakailang na nga titig ni Jiro sa akin, meron pang mga background sounds sa likuran ko.
"Anong ibig sabihin nito?" tanong ko ng nakaharap na siya.
Nagulat nalang ako ng biglang bumago ang itsura niyang nakangiti at naging blanko. Nakasama yata sa kanya yung tanong ko.
"Ah... I mean what is this?"
"For you." agad niyang sabi at inilahad ang rose sa harap ko.
"For what?"
Hindi niya nasagot. Napatahimik siya sabay yuko at ibinaba ang rose. Nakita ko pa siyang namikit at bumuntong hininga.
Kinakabahan.
Bigla kong kinuha sa kamay niya ang rose ng dahan-dahan at sinabing. "Thank you."
Napatingala siya sa akin at hindi makapaniwala sa ginawa ko. "Why--- Bakit mo kinuha nasira tuloy yung plano ko." at napakamot sa ulo.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...
