CHAPTER 27

170 11 0
                                    

𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐡𝐢𝐠𝐡 - 𝐃𝐚𝐫𝐞

TYRONE'S POV

This is it pancit! Ito na yung pinakahihintay ko, Interhigh na!

Bumaba ako sa kotse ko ng makarating sa parking lot ng school. Hindi na ako nagulat ng magsigawan na ang mga fans ko sa akin pagkababa. May pa tarpaulin pa nga sila na bitbit na may nakasulat na...

GO! GO! JOSE! FIGHTING! #12

Oh, you don't have that.

"Good luck later bibi!" sigaw ng isang bakla. I immediately looked at him and thanked him.

"Thanks."

"Maraming mag che-cheer sayo bebs! Isa na kami doon hehe!" sabi naman ng babaeng may hawak ng tarpaulin.

"Yes. We can do it." sabi ko at nag wink.

Wala naman akong magagawa kundi lingunin, pansinin, kausapin at kawayan sila. Wala akong choice dahil need din nila kaming makausap kahit sa panandaliang panahon lamang.

Pagkatapos nun ay naglakad na ako papasok sa school. Nang makapasok na ako sa loob ng school ay sobrang dami na ng tao sa hallway at sa quadrangle. Dito kasi gaganapin ang Opening Remarks ng Interhigh at ang first game kaya literal lang na maraming tao. Nandito ang sampung school kabilang na ang LCU at U.P Diliman.

Habang naglalakad ay pinag titinginan nila ako at maraming naririnig na salitang... Gwapo, maangas at ang tangos ng ilong--- na sanay na akong marinig at alam ko yun.

"Diba siya si Tyrone?"

"Oo sis."

"Ang gwapo niya!"

"Siya ba yung kapatid ni Kint?"

"Siya nga."

"Hala! Ang pogi!"

"Pakakasalan kita Mr. Silvaro. Wait for me lang ha."

Lahat ng iyan ay narinig ko sa mga estudyanteng nadadaanan ko. Pero sa dami nila, may isa akong gustong makita.

Nandito na ba siya?

Hinahanap ko siya gamit ang mata ko pero hindi ko pinapahalatang hinahanap ko siya. Kaya naman diniretso ko na lang ang paglalakad hanggang sa makarating sa room na ti-next sa akin ni Seb dahil doon kami mag aayos at mag la-last meeting.

I opened the door and saw my teammates doing different things. Some are just using cellphones, some are stretching, some are jumping, some are still eating and of course some are playing. So in short ako na naman ang late.

"Oh nakarating ka din." ani Seb na iniinis na naman ako. "Sabi maaga na daw siya palagi, hindi naman sinusunod."

"Sorry, okay. I din't wake up early."

"Lagi nalang ganyan ang dahilan mo. Wala bang bago?"

HER SECRETWhere stories live. Discover now