𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭𝐡𝐞𝐚𝐫𝐭
KINTKEIL'S POV
"Mga tanga!!!"
Sigaw ko ng sabihin ni Cannon ang nangyari kahapon. Napatayo ako at napalo ang lamesa sa sobrang inis.
"Bakit ngayon niyo lang sinabi ha kung kelan hinahanap ko na siya sa inyo kung nakuha niyo na ba?!"
"Pasensiya na po boss, sa susunod hindi na po kami papalpak."
"Aba, dapat lang. Ang taas taas ng pinapasahod ko sa inyo tapos papalpak lang kayo!" bumuntong hininga ako at saka nagpatuloy. "Sa tagal natin 'tong pinaghandaan, sa tagal natin 'tong hinintay na mahanap siya ganito lang, ha!!"
Pinasadahan ko sila ng tingin isa-isa at pinakita ko sa kanila ang galit at pagkainis ko.
Bwisit! Mga bwisit!
"Cannon!"
"Po boss?" nginig na tugon niya.
"Magmanman ka sa LCU bukas makalawa. Lunes yun kaya may pasok sila! Siguraduhin mong hindi ka magpapakita o kahit anong paramdam sa kaniya, alam mo siguro ang ugali nun, masiyadong maparamdam."
"Yes, boss---"
"Hindi pa 'ko tapos... Kilalanin mo din kung sino-sino mga nakakasalamuha niya, kung sino mga nakakasama niya."
"Bakit boss may gagawin kayo sa kanila."
"Hindi. Wala." agad kong sabi at naglakad sa harap ng mesa ko 'tsaka umupo doon. "Doon nag aaral ang kapatid ko, gusto ko lang malaman kung magkakilala ba sila o nagkakasama." sabi ko at tinignan mabuti si Cannon. "Hindi ba't nag sabay sila ni Jiro sa isang restaurant malapit sa LCU at hindi imposibleng magkakilala sila ng kapatid ko dahil kilala niya si Jiro. Kaya imbistigahin mo ang kapatid ko, mga kaibigan niya, lalo na si Jiro. Hindi ako makakapayag na makuha ng lalaking iyon ang girlfriend ko, magtutuos kami, baka mapatay ko pa siya."
"Boss hindi ba't sila ang may ari ng school na 'yon?"
"Wala akong pakealam kung sila ang may ari ng school na yun. Na si Lolo ang Dean doon, wala akong pake."
"Magsasama ba ko boss ng kasama?"
"Ikaw lang... Basta once na nakakalap ka ng inpormasiyon tawagan mo agad ako."
"Yes boss." tumango-tango siya yumuko.
"Pumunta kayo sa basement ngayon din."
"Bakit boss?"
Gulat nilang sambit. Ngumisi ako.
"Anong inaakala niyo hahayaan ko lang kayo sa kapalpakan niyo. Hindi! Hindi ako tanga na hindi kayo parusahan, ang dali dali lang ng pinapagawa ko, tangina hindi niyo pa nagawa mga bobo!!!"
"Pasensiya na boss---"
Hindi ko na pinatapos ang pagpapasensiya ni Cannon, sawang sawa na 'ko. Tinuro ko agad ang pintuan at pinapalabas na silang lahat.
"Labas!" Sumunod naman agad yung mga malapit sa pintuan. "Walang tatakas, kapag may tatakas sa inyo doble pa ang pagpapahirap ko sa inyo. Naiintindihan?!"
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...