CHAPTER 30

162 11 0
                                    

𝐈𝐧𝐭𝐞𝐫𝐡𝐢𝐠𝐡 - 𝐖𝐢𝐧

AIRAH'S POV

Nang iniwan ako ni Katsuki sa Library ay sumunod rin akong umalis. Nakita ko pang sinalubong siya nina Seb sa baba kaya naman nagtago ako upang hindi makita. Nang makaalis siya sa harapan nila ay umalis narin sina Seb roon at nagkaniya kaniya na kung saan gustong pumunta. Kaya naman umalis narin ako sa pinagtaguan ko at dumiretso sa room namin kung saan ako nakatulog kanina.

Nang makapasok doon ay ako lang pala ang hinihintay, magsisimula na kasi ang laro naming women's basketball sa loob ng 20 minuto.

"Get ready and wear what you need to wear." sabi ni Coach D. "Come on guys, the men's won earlier so you should too." he added.

Nagkatitigan naman kami ni Scylla pagkatapos sabihin yun ni Coach D habang tinitirintas niya ang sariling buhok. Sa tingin niya palang sa akin ay alam ko ng kailangan naming maipanalo ang unang laro.

Pumalakpak si Coach D dahilan ng pagbalik ko sa huwisyo.

"Women!" panimula nilang sigaw. Hinihanda niya ang kamay at sumigaw ulit. "On three!"

Nagsilapit kami sa kanya at pinagpatong patong ang kamay namin sa kamay niya.

"FIGHTING!!!"

Sabay sabay naming sigaw at nagsilabas sa room na yun patungo sa gymnasium kung saan kami maglalaro.

Habang naglalakad papunta doon ay todo ang pag aadvice sa amin ni Coach D, hindi humihinto sa pananalita at talagang ganadong ganado. Sobrang tiwala siya sa amin kaya kailangan naming huwag buwagin ang tiwalang nakikita niya sa amin, kailangan namin 'tong maipanalo. Para sa amin, para sa buong LCU.

Huminga ako ng malalim ng tinawag na ang pangalan, apelyedo at jersey number ko sa big 5 na unang maglalaro sa 1st quarter.

Tinapik ni Coach D ang balikat ko ng makitang kinakabahan ako. "Kaya mo 'yan, Miss Alvarez." at ngumiti.

Nagbigay galang ako sa kanya bago ako pumunta sa gitna ng court.

"GO, AIRAH!!!"

Rinig kong sigaw ni Archer na may pa banner pa. Natawa tuloy ako, apaka supportive.

"GO, MISS NERD!" sigaw naman ni Gex na may hawak na lobo.

"GO, LCU!"

Hindi din nagpatalo ang mga ka teammates ko sa Volleyball, sumigaw din sila.

"The Game Begin!"

Nang marinig ko ang salitang iyon ng announcer ay napabalik ang kaba sa dibdib ko. Tinignan ko pa muna sina Gex at Archer at katabi nila si Innah pati narin sina Austin, Seb, Primus at Jiro.

Nang magtama ang paningin namin ni Jiro ay nag thumbs up siya gamit ang dalawang kamay habang nakangiti. Dahil sa ginawa niya kahit papaano nawala ang kaba ko.

Umiwas din agad ako ng paningin at nagsimula nang pumwesto para sa jump ball. Si Scylla ang tumuka doon at natapik naman niya at nasalo ko. Tumakbo ako at pinasa pasa lang namin ang bola sa aming lima hanggang sa pinasa ko kay Scylla ang bola at na i-shoot niya ang unang puntos.

"WOOOOOHHH!"

Nagpatuloy lang kami hanggang sa matapos ang unang quarter. Kami ang nangunguna kaya naman laking tuwa ni Coach D. Pero alam kung mas matutuwa siya kapag maipanalo namin ang first game.

Hindi nagtagal ay magsisimula na ang pangalawang quarter. Ganun lang din ang ginawa namin, ginamit lang namin ang utak, katawan at puso sa paglalaro. Lumipas ang quarter na 'yon ay tumungo na kami agad sa pangatlong qaurter, habang tumatagal doon ko na nararamdaman ang pagod at totoong kaba.

HER SECRETWhere stories live. Discover now