CHAPTER 22

157 11 0
                                    

𝐒𝐚𝐯𝐢𝐨𝐮𝐫

AIRAH'S POV

"Kilala mo ba ang pagkatao ko?"

Sabi ko at biglang hinawakan ng mahigpit ang pulsuhan niya. Hindi ko parin kasi nalilimutan yung nalaman ko ang apelyido niya. Kung sasabihin niya ngayon na kilala niya ako tiyak na sasabihin niya ako sa ama niya at wala na akong magiging kawala sa pamilya ko.

"Sabihin mo ang totoo? Kilala mo ba 'ko?" Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak ng pulsuhan niya at tinignan ko siya ng nakamamatay. "Sabihin mo. Huwag mo 'kong paghintayin dahil ayaw na ayaw ko ring naghihintay."

Nakita ko siyang yumuko at pumikit. Parang natatakot niyang sabihin ang totoo.

"Ano na? Aalis ako dito." Binitawan ko ang pulsuhan niya pero hindi ko parin tinatanggal ang paningin sa kanya.

Nang wala siyang sagot ay bumuntong hininga ako at tatangka ng umalis kaso natigilan ako sa paghakbang ng naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko at pinaharap niya ako ng mabagal. Nagulat ako ng makita siyang namumuo na ang luha sa mga mata niya.

"Please stay here."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niyang iyon. Magsasalita na dapat ako kaso pinangunahan niya ako.

"Ikaw ba ang batang nagligtas sa akin sa park ng muntik na 'kong mabunggo ng car?"

Biglang napatiklop ang bibig kong nakabuka dahil sa tinanong niya. Hindi yun ang gustong marinig ng mga tenga ko. Ang akala ko kilala niya ako or else pero...

Ano daw?

"Ikaw ba ang batang nagligtas sa akin sa park ng muntik na 'kong mabunggo ng car?"

Natigilan ako ng inulit ko ang tanong niya dahil hindi ko masiyado naunawaan nung una sa kakaisip na kilala niya ako as real, pero hindi. Iba ang tinanong niya.

"Hindi mo ba naaalala? You don't remember anything?" sabi niya na nakakunot ang noo.

Tinignan ko siya ng malalim para basahin ang mukha niya pero kahit anong gawin ko wala akong maalala sa sinasabi niya.

"Hindi ko alam ang sinasabi m---" Hindi ko napatapos ng bigla siyang humukot sa bulsa niya at inilabas ang isang bagay na...

Purselas.

"Ito. Don't you remember that? You gave it to me when you saved me. Sabi mo pa hindi ko 'to iwawala kasi ito lang ang magiging paraan para maalala ko ang pagligtas mo sa akin."

Nakatunganga lang ako sa bracelet na hawak niya at halos maiyak ng maalala kong paano ko ginawa 'yan.

Nilisan ko saglit ang ala-ala na 'yon at inisip ang sinabi niya na pagligtas sa kanya.

Dinahan-dahan ko siyang tiningala para tignan ang kanyang buong mukha. Hindi ako makapaniwalang siya ang batang niligtas ko noon.

Si Tyrone Silvaro ang batang niligtas ko noon?

Halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko dahil sa nalaman na iisa lang sila. Yung taong nambubully sa akin ay anak ng isang Silvaro at siya ang batang niligtas ko.

Tang'na! Nakakabaliw 'to!

"Naaalala mo na ba 'ko?" habang sinasabi niya yun ay nakikita ko ang lungkot at saya sa kanyang mga mata. "Naaalala mo na ba?"

Tumango ako ng tatlong beses. Tila tinahi ang aking bibig kaya hindi ako nakapag tugon, sa nalaman kong iyon sa kanya hindi ko magawang ibuka ang bibig ko.

HER SECRETWhere stories live. Discover now