CHAPTER 84

112 7 0
                                    

𝐂𝐮𝐩𝐜𝐚𝐤𝐞𝐬

AIRAH'S POV

Nakauwi na kami sa Manila at kanina pang umaga ang pagiging cold sa akin ni Katsuki, siguro dahil sa sinabi ko sa kanya kagabi na hindi ako sigurado na siya nga ang forever ko.

Sa totoo lang sigurado ako sa kanya. Iniisip ko kasi yung kasal namin ni Kintkeil. Pero choice ko rin na hindi umattend diba?

May desisyon ako at pipiliin ko yung gusto ko. At bakit ba ako magpapakasal sa lalaking hindi ko naman mahal?!

Now I making a cupcake for Katsuki. Pampagaan ng loob niya sa akin. I know kasi kahit hindi niya sabihin alam kong nasaktan ko siya. At ayokong ganito siya sa akin, ayokong lumalayo siya or hindi niya ako pinapansin or kinakausap man lang.

Binigyan ko na ng kulay dilaw na icing ang bawat cupcakes, sisiw kasi ang design ng cupcakes na ginagawa ko. Mahilig kasi siya sa manok at nacucutan din siya sa mga sisiw so I had an idea na gumawa ng cupcake at sisiw ang design.

Medyo mahirap siyang gawin pero para sa kanya kakayanin ko.

Natapos ako sa pag bi-bake ay mag 4pm na. Lumabas ako sa kusina at tumungo sa master bedroom bitbit ang mga binake kong mga cupcakes.

Nakita ko siyang nakasandal sa headboard ng kama habang may nakasalpak na earphones sa dalawang tenga niya habang naka landscape ang phone niya. I don't know if naglalaro ba siya or nanonood ng anime.

"Babe."

Napatingin siya sa akin. Naibaba niya ang paningin niya sa hawak-hawak kong tray. Kumunot ang noo niya at pinause ang cellphone.

"Nag bake ako ng cupcake para sa'yo." nginitian ko siya ng napakalaki.

Sinarado ko na ang pinto ng tuluyan at naglakad na papunta sa kanya. Umupo ako sa gilid ng kama at ipinakita ang cupcake na dala ko.

Tinignan naman niya iyon.

"Bakit?" tanging nasabi niya.

"Hindi mo ba nagustuhan?" napasimangot ako.

Tinanggal niya ang earphones niyang isa at umiling. "No not because I didn't like it. I just asked why you baked me a cupcake?"

Okay, he's sincere, but his tone of his voice is still cold.

"B-because you're so cold to me from last night before we went to sleep until today when we got home." Naibaba ko ang hawak kong tray at bumagsak ng tuluyan ang balikat ko. "Galit ka ba sa akin? Nasaktan ba kita sa tanong ko sa'yo kagabi?"

Agad na nagbago ang reaction niya.

"What? Babe no. At bakit naman ako..." Tinignan niya ako ng malalim at binitawan ang cellphone niya. "Babe naiintindihan ko ang side mo, okay."

"Eh bakit hindi mo ako pinapansin?" yumuko ako at pinipigilang umiyak.

Ito na naman ako.

I felt him touch both my cheeks. "Babe pinapansin naman kita ah."

"But why didn't you kiss me when I woke up? Why didn't you talk to me in the car when we were going home? Eh bakit ang tahitahimik mo? Ano yun, drama mo lang lahat ng yun?"

Hindi ko na napigilan. Iniyak ko na.

Pinunasan niya ang pisngi ko at nakita ko ang pagbabago ng mukha niya, napalitan agad ng pag-aalala.

"I'm sorry if that's how you feel. But babe, I'm not avoiding you. But I'll admit that I was hurt by what you said last night pero hindi yun dahil doon kaya kita iniiwasan. Kaya huwag ka na umiyak."

HER SECRETWhere stories live. Discover now