𝐁𝐞𝐬𝐭𝐟𝐫𝐢𝐞𝐧𝐝
AIRAH'S POV
"OMG! I miss you so much ghurll! Like, ugh, I've been wanting to see you for a long time, you're here in Manila lang pala, akala ko kung saan ka na naglayas eh. Anyway, I'm happy to see you na! Finally!!" sigaw niya ng magbitawan kami sa pagyayakapan. Ang conyo niya diba, ganyan siya eh. "I want to talk to you pero parang hindi yata dito yung tamang place para makausap ka. Ang daming people."
"Uhm Winter, if you want to eat or drink maupo ka nalang muna diyan then hintayin mo nalang akong lumapit sa'yo mamaya, may work kasi ako eh. Pwede lang ba sa'yo?"
"Of course ghurll." she wink at me.
Tumingin siya sa paligid at napadpad ang tingin niya kay Tyrone na nasa likod ko lang. Bumaling ako ng tingin kay Tyrone at may magulo siyang mukha, kunot na kunot ang noo. Siguro hindi niya ineexpect na may ganito pala akong kaibigan, sosyal at conyo.
"Who is he?" Naibalik ko ang tingin kay Winter ng nagtanong siya at tinuro si Tyrone na may gulat sa mukha.
"He's my boyfriend."
Nakita ko ang pagkagulat niya lalo. Nanlalaki ang mata niya at napaawang ang bibig.
"Really! Omoo! He's better than Kintkeil huh, that's nice." nasambit niya habang tumatango-tango.
Ako naman ang nagulat sa sinabi niya. Hindi ko ineexpect yun ah.
Kilala niya si Kintkeil bilang boyfriend ko. Minsan kasi noong high school year palang namin then may mga activities kami sa school sa mansion siya nakikitulog or gumagawa kasi nga bestfriend niya ako eh, kung anong gagawin namin, magtutulungan kami sa isat-isa.
And that time boyfriend ko na si Kintkeil so naabutan niya pa talaga si Kint bago siya umalis sa America para doon mag aral sa College. Fil-Am both parents niya at laking America sila. Siya naman na anak nila ay dito siya pinanganak sa Pilipinas kasi nandito daw sila nun noong nabuo siya. Kaya Presley Claxton ang middle name and surname niya. But her looks not a totally American, mas lamang ang Pinoy Blood sa mukha niya.
Winter didn't know about what was happening to me then. Hindi kasi ako nag oopen-up sa kanya. Masiyado kasi siyang possitive at happy sa buhay para bigyan siya ng sad and negative life about me. So wala talaga siyang alam tungkol sa akin noon.
Pero hindi niya alam na one of my stress reliever ko din siya. Kapag tumatawag siya or nagkikita kami pakiramdam ko nawawala lahat ng sakit na nararanasan ko. She's so possitive, active, kengkay, happy everyday kahit na may pagka maldita at maarte madalas. She didn't know na natutulungan niya ako maibsan ang nararamdaman ko.
Seraphina Sasha Winter is one of my medicine. So I'm happy now na nagkita kaming muli at siya pa talaga ang nag persue para hanapin ako.
"Omg! I didn't know anything! Why didn't you tell me then, eh di sana nagsumbong agad tayo sa pulis! You're so kawawa noon pala ghurll! Kintkeil and Tito Thomas abused you. Such a stupid idiot people!!"
Napailing nalang ako sa naging reaction niya ng ikwento ko sa kanya lahat ng nangyari sa buhay ko mula noong umalis siya ng Pilipinas.
Pinuntahan ko nga siya ngayon sa kanyang mesa at nakipag kwentuhan. Bahala na daw si Habin doon sa mga customers sa front bar. 'Tsaka ayoko namang paghintayin ng matagal dito si Winter dahil kaya siya pumunta dito para kausapin ako at kamustahin ang life ko a past years ago.

YOU ARE READING
HER SECRET
Misterio / SuspensoHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...