𝐏𝐫𝐨𝐯𝐞𝐧
AIRAH'S POV
Ito na.
Nandito kami ngayon ni Jiro sa gymnasium ng LCU at hinihintay naming dumating si Katsuki.
"Ti-next mo ba talaga siya?"
"Oo."
"Eh bakit wala pa siya dito? Papaabutin pa ba niya sa 6:00?" inis kong aniya kay Jiro.
Paano kasi 5:30 na wala pa yung Katsuki na 'yon. Sasabihin lang naman namin na siya na magtuturo mag basketball sa akin, iyon lang.
"He will come."
Pagkasabi at pagkasabi ni Jiro 'yon ay nakita ko na si Katsuki sa entrance ng gymnasium, naglalakad habang sa amin nakatingin. Tumayo kami ng sabay ni Jiro para abangan siya.
"Where did you go, ba't ngayon ka lang?" Si Jiro ng makarating si Katsuki sa harapan namin.
"I forgot to come here." At tinignan niya ako ng malalim. Agad din niyang iniwas ang paningin pabalik kay Jiro. "Ano bang sasabihin niyo?"
"Me and Airah have decided that from now on before Interhigh you will be the one to teach her to play basketball. Ikaw naman talaga ang gagawa nun diba, hindi ako?" Walang nasabi si Katsuki at nagulat lang siya.
"Don't worry she's easy to teach 'cause she's learned a lot because of me. Ang gusto ko lang..." Pinutol ni Jiro ang sasabihin niya kaya napatingin naman ako sa kanya at ang lalim ng tingin niya kay Katsuki sa totoo lang. "Sana habang tinuturuan mo siya 'wag mo siyang sasaktan kasi kung malaman kong sinasaktan mo siya o sinisigawan. I will not hesitate to expel you from our school."
Napalunok ako sa sinabi ni Jiro. Hindi naman nakapagsalita ang isa. Agad na umalis si Jiro sa harapan ko at iniwan kami ni Katsuki sa gym.
"Bukas nalang tayo mag practice." sabi ko kay Katsuki pagkaalis ni Jiro at kinuha ko ang bag ko sa bench at isninabit sa balikat. "Kailangan ko ng umuwi, gabi na, may trabaho pa 'ko mamaya."
Hahakbang na sana ako para umalis kaso hinawakan niya pulsuhan ko.
"Wait"
Napatingin ako sa kanya at nagkatitigan kami sa mata.
"Can I talk to you?"
"For what?"
"For--- ah nevermind." aniya at binitawan ang pulsuhan 'ko. "Umuwi kana hindi kita matuturuan ngayon." sabi at hinihintay niya 'kong umalis sa harapan niya.
Kaya umalis na 'ko ng hindi siya nililingon. Nang nasa exit na ako ng gym ay tinignan ko siya na nakatalikod, nakahawak ang kamay sa noo. Parang naghihinayang kasi hindi niya nasabi ang gusto niyang sabihin sa akin.
Ano kayang sasabihin niya? Haysss pake ko ba sa kanya. Sabi ko at bumuntong hininga at humarap sa lalakarin para umalis na.
Nang makauwi ako sa bahay ay namahinga ako saglit. Pagkatapos namahinga ay kumain na at naligo. Agad din kaming umalis ni Zel papunta sa AusDeLun.
Saktong pagkarating namin sa AusDeLun ay binubuksan na ni Manager Nox ang Bar. Agad kaming pumasok para maghanda na.
Sa oras ng 8:00 pm to 10:00 pm ay bilang lang sa daliri ang pumunta doon para uminom. Nakaupo nga lang kami ni Habin dahil order ang ininom nila hindi mix beer or wine.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...