CHAPTER 09

215 15 0
                                    

𝐀𝐜𝐪𝐮𝐚𝐢𝐧𝐭𝐚𝐧𝐜𝐞 - 𝐒𝐭𝐚𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐰𝐡𝐢𝐥𝐞 𝐃𝐚𝐧𝐜𝐢𝐧𝐠

AIRAH'S POV

Kumakain kami ng mga kaibigan ko ngayon sa canteen at nagpupumilit silang umattend ako sa Acquaintance Party bukas ng gabi. Eh, ayoko.

"Ayoko talaga. 'Tsaka hindi ako nababagay dun."

"Hindi naman, Airah. Sige na, please." nagmamakaawang ani Innah.

"Ayoko."

"Bakit ba ayaw mo?" si Archer.

"Dahil wala akong maisusuot."

"Ako. Papahiramin kita ng damit ko bukas." sabi ni Innah at ngumiti pa sa akin.

"Huwag na, Innah. Ayos lang sa 'kin na hindi ako makadalo, ayoko rin naman."

Sabay-sabay silang nagbaba ng balikat at sumimangot.

"Sorry talaga, ah. Hindi kasi ako sanay sa mga ganiyang klase ng party."

"You're eighteen, Airah. You're old, so I hope you enjoy your virginity, we can only experience this once and only as students." wika ni Gex.

Napaisip ako. May point siya. Pero may trabaho ako bukas. Hindi ako pwedeng umabsent dahil tiyak na maraming customer dahil sabado.

Ano, pupunta ba ako o hindi?

"Kami na bahala sa magiging outfit mo 'te, promise." aniya ni Archer.

Hindi ako sumagot at nagsalita. Nagpatuloy na lang ako sa pagsubo ng kanin at ulam habang nag-iisip.

Lumipas ang dissmisal kaya naman pumunta ako sa court para turuan ako ni Jiro sa basketball. Dahil hanggang ngayon yung mentor ko ay tamad pa ring turuan ako.

Dumiretso na ako agad sa parking lot para umalis pagkatapos ng pratice na 'yon. Kinuha ko ang helmet ko sa side mirror ng motor ko at isinuot 'yon sa ulo. Pagkatapos ay umangkas na 'ko sa motor ko para ipadyak.

Kaso...

May narinig akong putok ng baril sa di kalayuan kaya napatingin ako doon. Agad kong pinagpatuloy ang pag padyak hanggang sa maiandar ko na at dumiretso agad sa bandang coffee shop kung saan ko narinig ang putok ng baril.

Napatigil ako sa pagmamaneho ng marami nang nagkukumpulang mga tao sa harap ng coffee shop. Bumaba ako sa motor ko at tinanggal ang helmet at tinignan ang tinitignan nila. Nagulat ako ng makita ang isang lalaking nakahandusay na sa semento ng road walk dahil sa baril na natama sa parte ng kaniyang dibdib.

"Dalhin niyo siya sa hospital."

Napatingin ang mga taong nasa paligid ko ng sabihin ko 'yon. Hindi ko rin alam ba't ko yun sinabi, basta ang akin lang. Kilala ko ang taong ito, at kilala ko rin kung sino ang nag baril sa kanya.

Napatingin ako sa lalaking nasa gilid ko at nagtanong rito. "Nakita mo ba kung anong gamit na sasakyan yung nagbaril sa kanya, at alam mo ba kung saan sila dumiretso ng daan?"

Napatingin ang lalaking tinanungan ko na nanginginig ang buong katawan. "Nasilayan ko ang buong pangyayari. Nakita kong lumabas ang lalaking ito sa coffee shop dahil tapos na siyang uminom," tinutukoy ang nakahandusay na lalaki. "Tapos nagulat na lang po ako ng makitang may humarang sa kanyang dalawang lalaking nakatakip ang mukha habang nasa iisang motorsiklo at pinutukan po siya agad ng baril sa dibdib."

HER SECRETWhere stories live. Discover now