𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐇𝐮𝐠
AIRAH'S POV
Akala ko ay sa loob parin ng campus kami mag uusap ni Jiro pero ang tinutukoy niya palang labas ay sa mismong labas ng campus.
Ngayon ay nandito kami sa isang resto malapit sa LCU. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kanina pa kasi kami nandito pero hindi parin niya sinasabi yung gusto niyang sabihin sa akin. Nauubos ko na yung kinakain kong adobong manok hindi parin siya nagsasalita.
"Sinagot mo na ba si Tyrone?"
Nabilaukan ako sa biglaang pagsasalita niya, agad akong uminom ng tubig at tinignan siya.
"Bakit mo naman natanong 'yan?" sabi ko ng naginhawaan na 'ko.
Napatiklop siya ng labi bago nagsalita. "Yung kanina, bakit magkasama kayo, na kayong dalawa lang at inakbayan ka pa niya?"
Inalala ko ang tinutukoy niya at iyon yung kanina sa hagdan. "Kaya mo ba ako gustong makausap para lang doon?" tanong ko na seryoso. Hindi siya nagsalita o sumagot pero alam ko naman na iyon talaga yun. "Alam mo Jiro ginagawa mo rin yun sa akin diba? So it's normal, alam kong may gusto kayong dalawa sakin at kapag nagmemeet up kayo at kasama niyo 'ko palagi nalang ganun yung nangyayari."
"Pero Airah yung pagkakaakbay niya kasi sayo iba eh, parang..."
"Jiro, nagsasabi ako ng totoo. I know na gusto ka lang niya paselusin. And alam ko naman na kahit hindi niyo sabihin sa akin nararamdaman kong nag kokompetensiya kayong dalawa."
Natigilan siya.
"Yung nakita mo kanina, wala lang yun. Ang totoo niyan kaya niya ako inakbayan para alalayan ako dahil hindi ko na kayang humakbang pa sa hagdan dahil ang sakit na ng tuhod at binti ko. Kaya please Jiro huwag kang magtanong na sinagot ko na siya dahil unang una sa lahat hindi pa niya ako nililigawan."
Kumunot ang noo niya. "Sa lagay niyang yun hindi ka niya nililigawan?"
"Oo dahil natatakot siyang baka hindi ko siya sagutin, ayaw niyang ma disappoint, lalo pa't---"
"Lalo't?"
"Wala." nasabi ko nalang at uminom ng tubig.
Hindi pa pala nila alam na ako ang matagal ng hinahanap ni Katsuki na batang babae, na ako ang nagligtas sa kaniya noon. I know na alam nila ang tungkol dun dahil mga kaibigan niya sila.
"Kung wala na tayong pag uusapan tara na." I said pagkatapos kong makita sa wrist watch ko na 5 minutes nalang ay 1:00 pm na.
Tumango lang siya at tumayo na sa kinauupuan niya. Tumayo narin ako at bumalik na kami sa school. Aaminin kong medyo akward kaming dalawa nang sumakay ako sa kotse niya, hindi kami nag imikan, walang nagsalita ni isa.
Nang makasakay kami sa elevator ay nagtanong siya kung ihahatid pa ba niya ako sa room ko. Sinabi ko na huwag nalang dahil sa 6th floor siya at sa 8th floor naman ako at saka time na rin kaya tumango nalang siya at ginawaran ako ng ngiti bago lumabas ng elevator ng makahinto kami sa 6th floor. Ginawaran ko lang din siya ng pagkaway at bigla ng sumara ang elevator at tumaas na iyon.
Mabilis lang naman iyon kaya nakayapak agad ako sa 8th floor. Habang naglalakad ay may nasisilayan akong sumisilip na lalaki sa kwarto namin. Napakunot ako ng noo at sinisilayan kung sino yun, nang malapit na ako sa kaniya ay nagulat nalang ako ng makitang si Tyrone pala yun.

YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...