𝐓𝐞𝐦𝐩𝐨𝐫𝐚𝐫𝐢𝐥𝐲
AIRAH'S POV
Kinukuha ko ang isang picture frame na nasa mesa dito sa sala nila Habin. Para kasing familiar yung mukha ng lalaking ito sa akin, parang nakita ko na siya dati hindi ko lang maalala kung saan.
Hindi ko iyon nahawakan ng makitang naabutan ako ni Habin na kakarating lang. Naglalaki ang mata niyang gulat na sinambit ang pangalan ko.
"Airah?"
Naibaba ko ang kamay ko at humarap sa kanya.
"Bakit ka nandito? Anong kailangan mo?" tanong niya at tinignan si Viel na nakaupo sa upuan.
Nakasalubong ang kilay niya, sobrang takang taka. Tinignan ko saglit si Viel at napalunok ng laway bago ako lumapit sa kanya.
"Ahhh..."
Huminga ako ng malalim. Hindi ko talaga alam ang sasabihin ko. Didiretsuhin ko na ba siya agad na dito kami maninirahan? Haysss grabe naman yun. Hindi tatanungin ko muna siya.
"Paano mo nalaman ang bahay namin?" tanong niya na ikinatigil ko sa kakaisip.
"Ah, diba sinabi mo sa akin noon na taga Pateros ka."
Kumamot siya ng ulo. "Oo nga, hehe." Ngumiti lang din ako na halos hindi na makita ang mata.
"Uhm, kayo lang ba ng kapatid mo ang nandito sa bahay niyo?" tanong ko, nagsisimula na akong magtanong.
Isinarado niya ang pintuan na binuksan niya bago sumagot. "Oo kaming dalawa lang."
"Nasaan ba mga magulang mo?" tanong ko ulit.
Hindi niya muna ako sinagot. Inilapag niya muna ang hawak niyang brown envelope sa lamesa at umupo.
"Sino siya, kapatid mo?" turo niya kay Viel.
Tumango lang ako.
"May kapatid ka pa palang maliit, akala ko kayong dalawa lang ni Zel eh."
"Kapatid ko siya sa Ama, iba ang Nanay niya." sagot ko.
Kailangan ko pa talagang sabihin yun? Haysss bahala na nga sana maniwala nalang siya.
Nakita ko naman ang pag 'O' ng bibig niya kaya alam kong hindi niya inaasahan ang sinabi ko.
"Binisita mo ba ako? Bakit hindi mo kasama si Zel kung ganun."
Napangiti naman ako sa tanong niya. Puro si Zel ang bukambibig niya.
"Hindi ba obvious na nandito kami para bumisita? Joke." Natawa siya sa sagot ko. "Ang totoo niyan..." Naging seryoso na ako.
Umupo ako sa tabi ni Viel at sinabi kong punta mo na siya sa kwarto ni Feliz. Tumango naman siya at umalis sa tabi ko.
Sasabihin ko ba ang totoo sa kanya? O gagawa nalang ako ng kwento.
"Anong totoo, Airah?"
"Ahhh, please kung tatanungin ka ni Zel mamaya kung nakita mo ba ako sabihin mo sa kanya hindi ah, tapos huwag na huwag mong sasabihin sa kanya na nandito ako sa bahay niyo."
Nakakunot ang noo niyang nakatingin sa akin, naguguluhan parin hanggang ngayon.
"Pwede bang sabihin mo nalang ng diretso sa akin yung real reason mo."
Bumuntong hininga ako para kumuha ng lakas ng loob. "Pwede bang makitira kami ni Viel dito sa bahay niyo, pansamantala?"
![](https://img.wattpad.com/cover/309754681-288-k46187.jpg)
YOU ARE READING
HER SECRET
Gizem / GerilimHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...