𝐊𝐧𝐨𝐰𝐢𝐧𝐠 𝐄𝐚𝐜𝐡 𝐎𝐭𝐡𝐞𝐫
AIRAH'S POV
Dalawang araw matapos mangyari yung first date kuno namin ni Katsuki sa 7 eleven. Ngayon ay nasa AusDeLun ako dahil Weekend, at dahil sabado ngayon maraming tao dito sa bar.
Napatingin ako kay Zel ng nilapag niya ang isang tray sa harapan ko at bumuntong hininga. "Pagod na ko gurl." sabi at nilagay ang kaliwang kamay sa balakang habang ang isa ay nasa front bar. "Grabe, alam ko namang marami talaga ang tao kada weekend pero mas marami yata ngayon. Pinagpapawisan ako oh kahit naman may aircon dito." reklamo niya.
Hindi ko siya sinagot, ang ginawa ko nalang ay inilapag ang isang pitsel na may whiskey at limang baso sa tray na nilapag niya.
"Ibigay mo nalang 'to sa nag order."
"Wait lang, pahingain mo muna ako." aniya at humawak pa nga sa dibdib 'tsaka tinignan niya ako. "Kung makautos ka sa'kin parang hindi ka pagod ah."
"Woi Zhilaine Alvarez..." sabi ko at tinaasan ko siya ng kilay. "...pagod narin ho ako. Subukan mo kaya 'tong trabaho ko at ako diyan sa iyo tignan natin kung ano mas nakakapagod."
Nakita ko naman siyang ngumuso at nagkamot ng ulo. Kinuha niya ang tray kalaunan at binitbit. Hahakbang na sana siya kaso napatigil ng makita niyang bumukas ang entrance door at bumungad si Austin.
Agad niyang inilapag yung tray ulit sa harap ko at tinignan niya ako na gulat na gulat. "Gurl si Boss nandito! Shet, shet, shet!"
"WOI!!!" tigil ko sa kanya.
Tumigil naman siya dahil tinakpan na niya ang sariling bibig. Nakikita ko narin na namumula siya.
Inlove na nga ang babaeng ito kay Austin.
Napailing iling ako sa itsura na nakikita ko sa aking kinakapatid.
"Good Evening Airah, nandito ba si Manager Nox?"
Napatingin ako sa harap at nakita ko si Austin. Ngumiti naman siya pero seryoso ang mukha, pang boss talaga. Siya pala ang nagtanong.
"Yes ho, nasa office niyo ho sila." sagot ko.
"Ehem."
Sabay kaming napalingon ni Austin sa umubo. Nakita ko si Zel na nililipat lipat ang paningin sa amin ni Austin.
"May tao din po pala sa harapan niyo boss, nakaka sad hindi niyo po ako inapproch." sabi niya.
Natawa ako ng palihim. Kapal talaga nito.
"Ohw, I'm so sorry Miss Zhilaine hindi kita napansin."
"Ganun na ba ako kaliit boss para hindi niyo ako makita?" sagot naman nito at ngumuso pa.
Natawa si Austin at ti-nap tuloy ang balikat ni Zel. "Hindi ka naman maliit eh, sadyang matangkad lang ako." sabi niya at ibinaba ang kamay sa balikat ni Zel. Pagkatapos ay lumingon siya sa buong bar. "Ang dami palang tao ngayon, kaya niyo pa ba?"
"Actually boss hindi na pero nung dumating ka nagkaroon ako ng gana." pahina hinang sagot ni Zel pero narinig ko, ewan ko lang kay Austin kong narinig niya. Siguro hindi kasi tinignan niya ako.
"Balak ko talagang i-resign ka Airah dahil dalawang kaibigan ko na ang nagpupumilit na huwag ka ng pag trabahuin pero kapag naaalala ko na may mga ganitong araw na sobrang dami ang mga tao hindi ko magawang tanggalin ka dahil napaka ganda ng trabaho mo kahit ang daming customers, pati yung mga gawa mo ang sasarap din."
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...