𝐑𝐞𝐯𝐞𝐥𝐚𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐈𝐈 - 𝐑𝐚𝐩𝐞𝐝
TYRONE'S POV
Hindi ko din napigilan si Dandere sa pag alis niya dito sa hospital. Hindi ko alam bakit siya biglang umalis sa ER kanina noong sinabi ko sa kanya na baka iisa lang na tao ang gumawa nito kay Jiro at sa kanya. Ang alam ko lang ay natakot at nabigla siya sa sinabi ko.
May hindi ba siya sinasabi sa amin?
Bumalik nalang ako sa ER pagkatapos ko siyang maihatid sa labas, nag favour pa nga ako sa kanya na ihatid na siya kung saan man siya pupunta pero sinabi niyang mag mo-motor nalang siya, so I didn't do anything again.
Nagsitinginan pa sa akin ang mga kaibigan ko at sina Innah ng makapasok ulit ako sa ER.
"Saan si Airah?"
"Umalis." sagot ko sa nagtanong na si Seb at umupo sa inupuan ko kanina.
"Bakit daw?"
"May pupuntahan daw siya."
"Saan?"
"I don't know. Tinatanong ko siya kanina hindi niya sabihin." Napabuntong hininga si Seb sa sinagot ko.
"Ah Tyrone, ano yung narinig namin kanina na, iisa lang ang gumawa nito kay Jiro at kay Airah?" napatingin ako kay Austin, nakakunot ang noo sa akin. "So ibig mong sabihin may nangyare na kay Airah na ganito din?" naguguluhan parin niyang tanong.
Napalunok ako ng maalala ang pangyayari na iyon. Napatango ako bilang sagot. Kita ko ang gulat sa mga mata nila ang pagtango ko lalo na sina Innah.
"What?!"
"May nangyare kay Airah? Saan? Kailan?"
"Oh my goodness!"
Silang tatlo nina Innah, Gex at Archer.
Nakanganga naman ang tatlong mga kaibigan ko na nakatingin lang sa akin.
"Ikwento mo nga kung anong nangyare." si Seb.
Tinignan ko muna sila isa-isa bago naglakas loob na sabihin ang mga nakita ko.
Gaya ko ay nagulat sila ng sabihin ko kung paano pagsuntukin ni Dandere yung mga lalaking gusto yata siyang patayin, saktan, dukutin, ewan, hindi ko alam.
"Saan niya natutunan 'yong mga yun?"
"I don't know. Wala naman siyang nababanggit sa atin na nag t-taekwondo siya." tugon ko kay Primus.
"Kamangha mangha, may hidden talent pala si Airah." ngiting sabi ni Innah pero kalaunan nalungkot rin ang masaya niyang mukha. "But I can't imagine that someone want to kill her."
"Mag ha-hire ako ng private investagator para ipahanap kung sino man ang mga taong iyon na gustong patayin si Airah, I will not allow them to attack Airah again, or any of us. Gagawin ko ang makakaya ko mahanap lang ang mga 'yon." sabi ko ng may diin.
"Baka mapahamak ka sa gagawin mo, Tyrone. Hindi mo alam kung sino at kung ano ang mga taong iyon, hindi mo alam, hindi natin alam."
"Well I want to know."
"But Tyrone..."
"Do you understand me, Primus? Ayoko lang maulit ulit kay Airah ang nangyare sa kanya, ayokong saktan siya ulit, hindi ko 'yon kakayanin na nasa panganib ang buhay niya. Itong ginawa nila kay Jiro, I don't want it to happen again so I will find a way to give them justice!" I said directly ng balak niya pa yatang ayawan ang mga plano ko.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...
