CHAPTER 73

106 7 0
                                    

𝐂𝐫𝐢𝐭𝐢𝐜𝐚𝐥

KINTKEIL'S POV

"Kung may mangyayaring masama sa kapatid mo! Hinding hindi kita mapapatawad!!"

Sigaw sa akin ni Mommy habang narito kami sa labas ng room ni Tyrone sa hallway ng hospital na malapit lang sa Hanalei Bay.

Pumunta dito si Mommy sa Hawaii dahil alam niya ang plano ko. Alam niya na kukunin ko si Jenairah at sasaktan si Tyrone. Kaya nag flight siyang mag isa dito sa Hawaii at sinundan ako. At ito galit na galit siya sa akin ng makita niya si Tyrone na walang malay at ang daming kung ano-ano sa katawan.

Nagka Chronic Traumatic Encephalopathy o CTE siya. Kanina kasi ay napuruhan ko ang ulo niya sa mesa at nasuntok ko rin ng dalawang beses na hindi ko naman sinasadya. Nasobrahan din ang pagsuka niya ng dugo sabi ng doctor na kakalabas lang kaya ako nasigawan ni Mommy. Nalaman ko rin na nakipag suntukan pa siya sa basement para kunin si Jenairah.

Galit na galit ako dahil doon dahil pumalpak ang plano ko pero para akong sirang plaka ng makita si Mommy dito at pinapagalitan ako. Nawala lahat ang galit ko ng malaman ko na nasobrahan sa suntok si Tyrone. Hindi ko rin pala kayang makita na umiiyak ng sobra si Jenairah, galit na galit rin siya sa akin kanina ng sinusubukan ko siyang harapin.

Masakit rin naman ang katawan ko sa suntok na binigay niya sa akin, dahilan din na hindi ako makagalaw ng ayos ngayon pero parang nawawala ang sakit dahil sa nalaman ko.

"Chronic Traumatic Encephalopathy o CTE. Repeated blows or punched to the head can get this condition, which kills brain cells. A single concussion isn't likely to cause it. Symptoms often don't show up for years. At first they include problems with mood, behavior, and impulse control."

Biglang pumasok sa isip ko ang sabi ng Doctor kay Mommy kanina na narinig ko.

Humikbi si Mommy at napaupo siya sa upuan na nasa side namin. Tiningala niya ako at walang tigil ang pag iyak niya.

"Sinabi ko naman sa'yo na tigilan mo na. Masaya na silang dalawa. Bakit ba hindi mo matanggap tanggap na hindi ka na niya mahal?"

"It's not that easy, Mom. She didn't even listen to my explanations for what I did to her before... Ano yun, nakipag hiwalay lang siya na parang hangin sa akin? Walang paalam, tapos malalaman ko na may relasyon sila ng kapatid ko?" sagot ko sa tanong niya. Biglang nawala yung kaba ko.

Tumayo si Mommy at pinatong niya ang kamay sa balikat ko.

"Anak. Hindi ko naman ginusto ang pinatahak sa'yo ng Lola at Daddy mo. You know that I don't want you to go to that kind of life. Dahil maaawa ako sa'yo at maaalangan ang buhay mo kapag nangyari 'tong mga ganito. Pero kung kapatid mo mismo ang mapapatay mo, sana noon pa pinigilan na kita."

"Kint. Please. Just accept it. I don't want you to be like this. Kayo na nga lang dalawa ang anak ko tapos ganito pa kayo... I know naman na matagal na kayong may alitan sa isat-isa because of your Daddy comparing him to you, pero sana naman, magkaunawaan na kayo."

"Mom it's easy to say the word 'accept' but it's hard for me. Ako yung nauna eh. And yes I made a mistake but I can correct my mistake."

"Sinaktan mo parin siya."

"In our whole relationship, Mom. Iyon lang ang nagawa kong kasalanan kay Jenairah. Mula una minahal ko siya, ako yung nandiyan sa kanya kapag umiiyak siya, kapag nahihirapan siya, kapag sinasaktan siya. Ako yung sumasalo sa kanya, ako yung nagbibigay ng panyo, ako yung taong pinag sasabihan niya ng problema niya, ako yung yumayakap sa kanya pag hindi na niya kaya. Tapos ngayon wala lang yun sa kanya. It will end just like that? Mom, ang hirap sa akin na palayain nalang siya ng basta basta... I deserve to have a second chance, I can make up for the sin I did to her, but what, she ran away and left me."

HER SECRETWhere stories live. Discover now