CHAPTER 07

203 16 0
                                    

𝐄𝐧𝐝𝐞𝐚𝐫𝐦𝐞𝐧𝐭

TYRONE'S POV

"Pucha!"

"Anyare?" si Seb.

I crashed and leaned against my locker. Take a breath and then release it. I even grabbed the head and followed the nape and showed my annoyance to them.

"Are you okay, Tyrone?"

"Paano ako magiging okay Primus. Eh, ako ang nilatasan ni Dean na magmentor sa pangit na 'yon!" inis kong tugon at nag krus ng mga braso.

"Oh? Anong mali dun? At bakit ka naiinis? Bakit?" pinanlakihan ako ng mata ni Seb.

"Dahil ayoko siyang turuan! Ayoko na nga siyang makita, tapos tuturuan ko pa siya araw-araw! Bwisit!"

"Kasalan mo rin kasi 'yan, eh. Kung hindi mo siya inilista hindi mo siya tuturuan." ani Austin.

Natahimik ako sa sinabi niya, may point siya, pero naiinis parin ako. Naiinis ako sa tingin niya, sa porma niya, sa lakad niya at lalong lalo na sa salamin niya at sa mukha niya.

Hindi mo kailangan sisihin ang sarili mo dito, Tyrone. Siya ang sisihin mo dahil nagpakita siya sa buhay mo.

Tama, tama ang naisip mo. Siya ang puno at dulo nito.

Napatingin ako kay Primus pero tinaasan niya ako ng kilay. "What?"

"Me-mentorin mo ba 'yong nakuha mong estudyante?"

"Estudyante?" kumunot ang noo niya, ibig sabihin hindi niya na gets ang tanong ko.

"The student you found for women's basketball." paliwag ko.

"Ah, ayon ba?" tatango-tango siya dahil naalala na niya. "No, I don't mentor her because she knows how to play basketball. Kaya ikaw lang ang mag me-mentor sa new player na 'yon dahil ikaw ang nag lista sa kanya kaya panindigan mo ang parusa sayo ni Dean." inayos ni Primus ang bag sa kanang balikat at huminga ng malalim pagkatapos sabihin 'yon.

Nakita kong papalapit sa amin si Jiro na kakatapos lang magkalkal sa locker niya. "Narinig ko ang pinag-uusapan niyo." 'tsaka niya ako tinignan at tumigil sa paglalakad. "Bakit ayaw mo siyang turuan mag basketball?"

"Dahil ayoko." sagot ko.

"Samahan ka nalang kaya namin." sulpot ni Seb.

Umiling ako. "Huwag na. Iinsultuhin niyo lang ako sa kanya eh."

"Baliw. Hindi ka namin iinsultuhin 'no."

"Ayoko pa rin." ngumuso ako na parang bata.

"Psh! Para kang bata talaga." singhal ni Seb sa akin. Hindi ko nalang siya pinansin.

"Kailan ang start ng pagtuturo mo sa kanya?" napalingon ako kay Jiro dahil nagsalita siya.

"Bukas." agad kong sagot. "Bukas ng hapon, 4:30 to 5:30."

"Ganun katagal?"

HER SECRETWhere stories live. Discover now