CHAPTER 35

205 14 0
                                    

𝐌𝐲 𝐆𝐢𝐫𝐥

AIRAH'S POV

"Sino 'yon?"

Anak ng---

Napahawak ako sa dibdib ng pagkabukas ko ng pintuan ng bahay ay bumungad sa akin si Zel, nagtanong at nginuso pa ang labas.

Nilingon ko saglit ang labas at nakitang wala na doon yung kotse ni Katsuki kaya malamang umalis na siya.

Bumuntong hininga ako at binalik ang paningin sa kaniya. Tinaasan niya ako ng kilay at pinagsalikop ang kamay.

"Manliligaw mo no?"

Nginiwian ko siya at hindi sinagot ang tanong niya. Isinarado ko ang pinto at tatangka na sanang talikuran siya ngunit humarang siya at pinanlakihan ako ng mata.

"Sino nga kasi 'yon?"

Naglakad ako patungo sa kwarto ko at sinundan naman niya ako sa paglalakad na hindi tumitigil kakatanong. Nang nasa kwarto na kami ay umupo ako sa kama at nakatayo naman siya sa harapan ko, hinihintay ang isasagot ko. Bumuntong hininga ako at tinignan siya ng diretso.

"Si Tyrone."

Nakita ko ang pagkunot ng noo niya. Hindi ko alam kung nakuha niya ang sinabi ko o hindi. Pero segundo ang lumipas ng dahan-dahang nanlaki ang mga mata niya at napatakip sa bibig.

"T-tyrone. Yung bully? Yung kapatid ni Kint?!" Tumango lang ako, "What?!!" napalakas ang boses niya. "Oh my gushhh Jenairah, bakit ka nagpahatid edi alam na niya kung saan ka nakatira."

"Wala akong choice."

Lalo lang kumunot ang noo niya. "Wala kang choice, bakit naman?"

Napayuko ako ng mabilis at mabilis din ulit tiningala ang paningin sa kaniya, kumuha lang talaga ako ng lakas para ikwento ang nangyari kanina.

"Muntik na 'kong makuha nina Cannon kanina, inabangan nila ako sa parking lot ng school at buti nalang nakalaban ako kung hindi wala ako ngayon dito."

Nanahimik siya at pumikit-pikit, alam kong nagulat siya sa sinabi ko. "So, anong konek nun sa paghatid sayo nung Tyrone na 'yon?"

"Siya ang pumalo sa ulo ni Cannon ng sinasakal na niya ako, buti nalang dumating siya kaya nailigtas niya ko. Kaya nong balak ko ng umuwi para hindi siya madamay hindi niya ako pinayagan dahil baka daw nandoon pa sina Cannon sa tapat ng motor ko kung saan nangyari yung labanan. Kaya kahit ayoko ay napilitan akong sumakay sa kotse niya kahit na mapanganib."

"Niligtas ka niya, okay got it... So," humawak siya sa sentido niya at nag isip. "either may alam siya doon, syempre alangan namang hindi niya kilala mga yun, he's one of a Legion Slive Jenairah kaya imposibleng wala siyang alam sa pagkatao mo, baka talagang kilala ka niya, nagpapanggap lang siyang hindi."

Napailing ako. "Hindi niya ko kilala. At lalong lalong wala siyang alam sa lahat ng meron sa pamilya niya. Zel paulit-ulit ko na 'tong sinasabi sayo na inosente siya, at ni minsan wala akong naramdaman na kakaiba sa kaniya, na trinataydor niya ako, wala!" umiling iling ako at bumubuntong hininga.

Nanahimik siya at umupo sa may study table ko sa may gilid, hinarap ko siya doon.

"Gusto ko siyang makita, Jenairah."

HER SECRETWhere stories live. Discover now