CHAPTER 91

112 7 0
                                    

𝐖𝐞𝐝𝐝𝐢𝐧𝐠

AIRAH'S POV

Bago pa man ako lumakad sa altar ay sinabi ni Dad sa akin na kapag di ko patatapusin ang kasal na 'to ay buhay ni Tyrone ang kapalit.

Di ko siya maintindihan. Anong sinasabi niyang buhay? Bakit papatayin niya ba ang boyfriend ko kung tatakbuhan ko 'tong kasal na 'to?

Eh diba nga tumuloy na siya sa Spain. Sinabi ko sa kanya na tumuloy nalang siya kung ayaw niyang may mangyaring masama. Naging kampante naman ako dahil sinunod niya yung gusto ko pero hindi ko maiwasang masaktan kasi wala man lang siyang naging tugon doon.

Pakiramdam ko wala siyang magawa, pakiramdam ko tinanggap niya nalang, pakiramdam ko hinayaan nalang niya akong pakasalan sa iba.

Ayon yung nakita ko sa mga mata niya. Kahit sabihin kong nasaktan siya, oo nasaktan siya dahil naging cold nga siya bigla sa akin eh, pero hindi ko ipagkakailang tinanggap niya na magpakasal ako.

Hindi yun ang ineexpect kong magiging reaction niya. Akala ko magagalit siya sa akin pero hindi.

"Okay lang."

Ayan, ayan yung salitang sinabi niya. Na sobrang ikinasakit ng damdamin ko.

Ngayon na ako na ang mag vo-vow. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Ayokong mag vow sa taong hindi ko mahal lalo na at unang kasal ko 'to. Ayokong magpangako ng kahit na ano.

Nakita ko ang pagkawala ng ngiti niya ng hindi ako nagsalita.

"Jenairah, ano ba. Tama na nga yang kakaiyak mo!" mahina niyang sabi.

Pinasok niya ang kamay niya sa belo ko at dahan-dahang pinunasan ang mga luha ko.

Hindi ko alam kung bukal sa puso niya ba ang pag punas ng luha ko o ginagawa lang niya ito dahil naiinis na siyang nakikita akong umiiyak kanina pa dahil alam niya naman ang dahilan ko na ayoko talaga siyang pakasalan.

Bakit niya pa kasi 'to pinipilit. Eh hindi ko na nga siya mahal. May magagawa pa ba siya. Bakit hindi niya matanggap na wala ng kami!

"I-Im g-glad we're married, that's what you want, right?" I started at pekeng ngumiti. "I can't promise anything or show you my love, but I hope you don't repeat what happened before if you don't want me to be separated from you, again." ayan nalang ang nasabi ko dahil wala akong masabi, sana matamaan siya.

Wala akong kahit na anong sinabi basta iyon lang at sinuot ko na sa kanya ang singsing. Dahil tulad nga ng sinabi ko ayokong mag pangako sa taong hindi ko naman gusto dahil una sa lahat hindi ko naman tutuparin ang ipapangako ko sa kanya dahil hindi ko siya mahal.

"Forever with you simply will not be enough, but from this day forward, I vow to make the most of every moment. With this ring, I promise that you'll never have to face the world alone. You are my guide to love, my every wish, and the person I want to grow old with."

He said at sinuot niya na ang singsing sa akin.

"Now you can kiss the bride!"

Napabuntong hininga ako ng marinig na iyon. Ito ang pinaka ayokong mangyari dahil this is a promise kiss, we will kiss in front of the altar.

Dahan-dahan niyang iniaangat ang belo ko. Nakita ko pa siyang suminghap ng hangin bago ako nginitian ng sobrang tamis. Nakatingin lang naman ako sa kanya ng diretso lang, hinihintay ang pagdampi ng labi niya.

Ano pa nga ba ang aasahan ko, edi ayon. Dun din naman kami pupunta.

Hinawakan niya ang baba ko at medyo pinatingala niya ang ulo ko para maabot niya ang labi ko. Dahan-dahan niyang nilalapit ang kaniyang labi nang biglang tumunog ang kampana.

HER SECRETWhere stories live. Discover now