CHAPTER 15

169 13 0
                                    

𝐒𝐜𝐡𝐨𝐨𝐥𝐦𝐚𝐭𝐞

AIRAH'S POV

Niyakap agad ako ni Manager Nox ng makapasok sa Bar.

"Grabe ang tagal kitang hindi nakita."

"Saturday and Sunday lang naman po ako hindi nakatrabaho." sarkastiko kong aniya. Natawa naman siya.

"Oh siya, samahan mo na si Habin dito at mukhang malungkot 'yan ng wala ka sa tabi niya ng dalawang gabi." sabi ni Manager Nox na nakakaloko ang tingin sa akin at iniwan ako.

Lumapit sa akin si Habin. "Kumusta? Kumusta ang Acquaintance Party niyo?"

"Okay naman, masaya." sagot ko at kinuha ang aipron at isinuot. "Marami bang customer kahapon at no'ng sabado?"

"Sobra Airah, sobra!" si Zel ang sumagot. "'Gaya ng sabi ko sa 'yo pagod na pagod ako, kami."

Ibinaling ko ulit ang paningin kay Habin. "Pasensiya na. Huwag kang mag-alala ngayon may kasama ka na sa pag ba-bartender."

Ngumiti siya at umiwas ng tingin sa akin.

"Luh kilig siya oh." biro ko.

Nanlaki mata niya at dahan-dahan akong tinignan. "Ha?"

"Biro lang." kako.

Ngumuso siya at kinurot ang ilong ko.

"Oy oy! Ano 'yan, Habin?" si Zel nasa harapan namin at nakataas ang kilay kay Habin. "Pumupors move ka ah." sabi pa na nakalagay ang kanang kamay sa tagiliran.

"Anong pors move?" Natawa si Habin at nagpatuloy sa ginagawa.

Hindi nagtagal ay binuksan na ang bar. Dumagsa naman agad ang mga customer sa oras ng alas dyes.

"Tulungan na kita." si Habin. Kinuha niya agad ang beer sa kamay ko at tinulungan niya nga ako.

"Salamat." 'yan lang naisagot ko sa kanya dahil nagpapakuha ng alak itong customer namin na lalaki na nasa harapan ko.

"Just tell me if you want more." aniya ko sa customer at inilapag ang tatlong beer na inorder niya sa harapan nito. "And don't get too drunk, you might not make it home." sabi ko pa.

Tinignan niya lang ako at hindi nagsalita. Kumaot siya ng pera sa bulsa niya at binigay sa akin ang bayad. Agad niyang kinuha ang tatlong beer at tumayo para umalis.

Sinilayan ko pa siyang paika-ikang naglalakad at halos matumba na sa kalasingan. Binuksan niya ang alak at uminom habang naglalakad. Nagulat ako biglang may nakabangga siya sa paglalakad.

"Hey! How dear you! Do you know I'm walking and you're blocking me!" sabing lasing sa nakabangga niyang lalaki.

Tinaggal ng nakabangga niya ang mask sa mukha at tinignan ng masama ang lalaking lasing. Halos maduwal ako ng si Austin ang nakabangga niya. Agad akong nanginig at hindi alam ang gagawin.

Hindi niya 'ko dapat makita dito.

Agad akong tumago at umupo. "Anong ginagawa mo?" si Habin.

"Shhhhh." sabi ko na huwag siyang maingay.

"I didn't know there was someone in front of me, so I'm sorry." narinig kong sagot ni Austin.

HER SECRETWhere stories live. Discover now