CHAPTER 92

116 8 0
                                    

𝐀𝐫𝐫𝐞𝐬𝐭𝐞𝐝

AIRAH'S POV

Bumukas ang pinto ng kwarto ko at may pumasok na dalawang lalaki. Napatigil ako sa pag iyak at tinignan sila ng masama.

"Anong gagawin niyo?"

Wala silang sinagot. Hinablot lang nila ang braso ko at pinatayo mula sa sahig at kinaladkad ako palabas.

"Ano ba saan niyo ko dadalhin?!"

Kahit na anong pwersa ko hindi ako makabitaw. Ang higpit ng mga hawak nila sa akin. Nakakadagdag pa sa hirap ko ang suot suot kong gown.

"Diba gusto mong makita at makausap si Tyrone? Ito na ipupunta ka na namin sa kanya."

Bigla niyang binuksan ang pinto kung saan naroon si Tyrone at hindi agad ako nakahanda dahil nagulat ako sa sinabi niya. Pero agad kong kinalma ang sarili ko ng makapasok sa loob at napatingin na ako sa harapan ko, sa kanya.

Nagtama ang mata namin ni Tyrone nang tignan ko siyang nakaupo at hinang hina. Tinanggal ko ang sarili sa dalawang nakahawak sa akin, tatakbo na sana ako sa kanya ngunit napatid ako, pati din kasi ako ay hinang hina narin.

"Dandere."

Rinig kong tawag niya sa akin. Napapikit ako ng marinig ko ang malalim pero malambing niyang boses.

Dahan-dahan kong inangat ang mukha ko at halos mabiyak ang puso ko sa itsura niya. He's crying seeing me na nakasuot ng gown, seeing me na nakadapa ang katawan sa harapan niya.

"Tumayo ka please."

Mahinhin niyang sabi, halos mawalan na siya ng boses sa sobrang hina. Pero mukha siyang naging malakas ng makita ako.

Agaran akong kumilos at tumayo. Lumuhod agad ako sa harap niya at hinaplos haplos ang pisngi, braso at kamay niya.

"I'm sorry, I'm very sorry."

Humagulgol ulit ako sa iyak sabay bitaw sa kamay niya. Ang sakit sakit ng nararamdaman ko.

"Sorryyy pumayag akong magpakasal sa kuya mo. I thought it was okay with you, I thought you were agreeing. Babe, I'm also very sorry because I lied to you, I hope you can forgive me for what I did." Pagkatapos ay pinagmamasdan ko ang katawan niya. "Nang dahil sa akin napano ka, nang dahil sa akin---"

"Sshhh Dandere."

Huminto ako sa pamamagitan ng pagtitig niya lang sa akin.

"It happened, but I promise you I'll get you back dahil akin ka naman talaga."

Ngumiti ako kasabay ng luha ko. Bigla kong hinawakan ang pisngi niya. "Babe, hindi ko hahayaan na iwanan kita dito. Gagawa ako ng paraan para hindi ako makakasama bukas."

"Hindi ko rin hahayaang mangyari yun. Akin ka lang."

Tumango ako.

Ang hina lang ng usapan namin. Yung kaming dalawa lang ang nagkakarinigan para walang makarinig.

"I'm sor---"

"Bitawan mo 'ko!!"

Hindi ko naituloy ng hawakan ako bigla ni Kintkeil pulsuhan ko at pinaatras ako palayo kay Tyrone.

"Tapos na, nakapag paalam ka na. Okay na yun."

"Hindi pa ako tapos, kinakausap ko pa siya, ano ba!"

HER SECRETWhere stories live. Discover now