𝐅𝐚𝐜𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐞 𝐖𝐢𝐧𝐝
AIRAH'S POV
"Wowww." I said without a sound when we got inside.
Kakapasok lang namin sa loob ng yate ni Katsuki. Nasa likod ko lang siya, hawak hawak ang dalawang life jacket na binigay sa amin nung sumalubong sa amin sa harap.
Naglakad lang ako at napapatingin sa mga lamesa at upuan na nadadaanan. Medyo may pagka unting restaurant yung loob ng yate kasi ang daming tables. Sa may pinaka dulo naman ay makikita ang sandamakmak na pagkain sa mahabang lamesa. Nakapalibot din ang mga waiter na may dala dalang tray na may nakalagay na tubig, wine at beer.
Sabi naman sa amin nung lalaki kanina ay pwede kaming kumuha ng kahit na anong pagkain dahil nagbayad na kami for entrance kaya kahit anong kainin namin ay pwede.
"Katsuki, doon tayo!" Hinarap ko siya at tinuro ang mga pagkain. Agad ko rin siyang tinalikuran at tumakbo papunta sa mga pagkain.
Kumuha agad ako ng plato, kutsara at tinidor.
Nagugutom na talaga ako. You know dumating kami dito ni Katsuki kanina lang tapos natulog kami agad. Hindi na kami kumain ng dinner. Last yata na kumain ako yung last dessert na binigay sa amin sa eroplano.
Grabe! Hindi na ako magtataka kung bakit gutom na gutom ako ngayon.
Sasandok na sana ako ng fried rice ngunit kinuha sa akin ni Katsuki ang plato ko.
"Ako na." he said.
Binigay ko nalang sa kanya iyon at sinamahan ko siyang nagtingin ng kakaining ulam.
"This, I want this." turo ko sa karneng mukhang binarbeque kaya kumuha siya ng dalawang piraso doon at ipinatong sa fried rice na bilog.
"Ano pa?" tanong at pinatunog ang serving tong na hawak niya.
"Itlog." Kaya kumuha siya ng isang pirasong itlog na medyo malasado pa. "I want ketchup too." kako kaya kinuha niya ang katapat naming ketchup sauce at naglagay ito sa may ibabaw ng itlog.
Nang makita niya ang hiniwang kamatis ay kumuha rin siya ng tatlo at ipinatong doon sa itlog. Kumuha rin siya ng pinudpod na green leaves, ewan kong ano 'to, I think masarap naman siya.
"Okay na ba 'to sa'yo?" tanong niya at pinakita sa akin ang sinerve na ulam. Napangiti pa nga ako ng mukhang burger yung ginawa niya.
"Yup." I nodded.
So kumuha siya ng serving knife para doon sa karneng binarbeque. Tissue din then lemon juice.
"Ikaw? Hindi ka kakain?" tanong ko ng mahawakan na ang plato ko. Hawak naman niya ang lemon juice na may slice lemon pa sa taas, nakaipit.
Naramdaman ko ang palad niya sa aking likuran. "Mamaya nalang." sabi niya at naglakad.
Sa labas kami kumain. Sa may taas ng yate, yung wala ng bubong. May mga lamesa din kasi dito. Sobrang daming lamesa at upuan. May mga nag p-play rin ng violin na mas nagpapaganda sa pandinig. Sa gilid naman ay may mga ilaw na nagtutuntunan kaya mas lalong mararamdaman mo ang bagong taon. Medyo rinig din ang tunog ng mahihinang alon.
Ayon nga lang sobrang hangin dito kaya nalilipad ang buhok ko at hindi ako maka focus sa pagkain. Pero kahit ganun nakakakain naman ako.
Now tapos na ako kumain. Ang ginagawa na namin ni Katsuki ay umiinom ng Kona Coffee.
May lumapit kasi sa amin na waiter kanina habang kumakain ako. Sabi niya kung gusto daw namin tikman yung pinaka the best at kilala na kape dito sa Hawaii. Ang kona coffee.
YOU ARE READING
HER SECRET
Mystery / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...