CHAPTER 90

140 8 0
                                        

𝐂𝐡𝐮𝐫𝐜𝐡 𝐁𝐞𝐥𝐥

TYRONE'S POV

Agad akong bumaba ng van ng makarating na kami sa Fort Pilar Shrine. Naramdaman ko ang pag sunod ng mga kaibigan ko sa'kin.

Tumakbo ako ng mabilis, 3:10 na kasi at malamang nagsimula na kanina pa. Kailangan kong pigilan ang kasal hangga't maaga pa. Ngunit napahinto ako sa pagtakbo ng makitang walang tao ni isa dito peto maraming mga bulaklak na nakapalibot sa gilid ng red carpet.

"Nasaan sila?" Jiro asked me when he arrived.

I didn't answer him, because just like him, I had the same thing in my mind.

"Walang tao? Tapos na ba? Nahuli na ba tayo?" takang tanong ni Austin.

"Where are they?"

"Nyare, nasaan sila?"

Magkasunudang tanong ni Primus at Sebastian.

I didn't answer them all. I want to thrash and scream with rage!

Hindi 'to pwede. Hindi pwedeng tapos na ang kasal!

Lumakad ako papuntang altar at nakita kong maayos pa naman ang mga upuan, mukha ngang hindi pa naupuan ng kahit na sino kaya nakakapag taka rin na tapos na.

"Sino hanap niyo, sina Airah ba?"

Napatingala ako ng marinig ang boses na iyon. Si Cannon. Nakangising nakatingin sa akin.

"Nasaan siya?!"

Tumawa lang siya ng mahina. Lalapitan ko na sana siya para hilain ang kwelyo niya ngunit may dumating pang apat na lalaki, mga kasama niya, mga tauhan ni Hendrix.

"Sa palagay mo nasaan si---"

"Sabihin mo na at huwag mong ibalik ang tanong sa akin!" sigaw ko.

Lalapitan ko na sana siya kaso naramdaman ko ang paghawak ni Primus sa siko ko para pigilan ang gagawin ko.

"Sabi dito ang kasal! Nasaan sila ngayon bakit walang tao dito!!"

"Sa palagay mo ba makakapayag si Boss Kintkeil at Master Hendrix sa pagpipigil mo ng kasal nila malamang hindi. Kaya ayun sinabi ko sa kanila na pupunta ka dito, and they immediately moved from the another church."

Naitiklop ko ang kamao ko sa narinig.

"Saang simbahan sila lumipat sabihin mo sa'kin?!" nanggagalaiti kong tanong sabay hagod sa kwelyo ng damit niya.

Hinawakan niya ang kamay ko at tinanggal ang pagkakahawak ko doon.

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo, sa inyo? Hindi naman ako tanga para sabihin diba?" Tinignan niya pa mga kaibigan ko.

"Tyrone..."

Rinig kong pagtawag nang mga kaibigan ko sa akin.

But I didn't listen to them. I strangled Cannon with my arms and made him lean against the table here, the priest's table in front.

"Hindi mo sasabihin kung saan??" mas diniin ko ang pagkakasandal niya doon.

Isang daplis ang sumalubong sa pisngi ko ng suntukin niya rin ako kaya napaatras ako.

Sunod na nangyare ay nagsusuntukan na kaming dalawa, hindi lang kami pati din yung mga kasama niya at mga kaibigan ko.

Cannon kicked me in the stomach as he laid me down. I coughed and vomited blood. He is so strong. I din't expect this.

HER SECRETWhere stories live. Discover now