𝐅𝐢𝐫𝐬𝐭 𝐁𝐨𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠
TYRONE'S POV
Pagkalabas namin ni Airah sa room ni Jiro ay inakbayan ko siya at inilapit ko ang ulo ko sa leeg niya para sumiksik. Naglalakad kami na nakaganun ako sa kanya.
"Anong ginagawa mo?" tanong niya, hindi ko alam kung naiinis o naiirita. "Bitiwan mo nga ako, kapag talaga may makakita sa atin dito lagot ka sa akin tignan mo."
Natawa nalang ako ng mahina sa sinabi niya. "Gusto lang kitang mahagkan eh eto naman. Bakit aangal ka, ha?"
"Tch."
Hinawakan niya ang ulo kong nakasiksik sa leeg niya at nilalayo iyon. Pero lalo ko lang sinisiksik ang ulo ko doon.
"Ano ba! Katsuki naman oh!"
Ako narin ang lumayo at tinignan siya ng malalim, tumigil ako sa paglalakad kaya napatigil din siya dahil nakaakbay nga ako sa kanya.
"Ano?"
Tanong niya pero hindi ko siya sinagot, nilalapit ko lang ng dahan dahan ang mukha ko sa mukha niya at siya naman ay inaatras ang mukha niya.
"A-nong ginagawa m-mo?"
I suddenly averted my eyes from him and laughed. "Tsk Dandere. Akala mo hahalikan kita, nagkakamali ka diyan."
"Hoy hindi ko iniisip yun no!" sagot niya at tinanggal ang braso ko sa balikat niya. "Para ka kasing tanga alam mo yun, may sinto ka ba, ha?"
"Sinto? Oo sa'yo."
Inirapan niya ako at naglakad, hinabol ko naman siya. Nang makasabay ako sa paglalakad niya ay umakbay na naman ako sa kanya at ako na ang pumindot ng first floor sa elevator. Pumasok kaming dalawa doon na ganun ang itsura namin buti nalang walang tao sa elevator na pinasukan namin kaya kaming dalawa lang ang nandito ngayon sa loob.
Tinignan ko siya sa gilid ko at ti-nap ang ulo niya. Ang ganda ganda niya magsungit Ha Ha Ha.
"Ano na naman?"
Dahil nakatingin ako sa kanya, kitang kita ko ang pagkunot ng noo niya. Paano ko makikita eh hanggang dibdib ko lang ang height niya, nakaakbay pa ako sa kanya kaya kahit yumuko ako kitang kita ko ang expression ng mukha niya.
"Wala." sagot ko at umiwas ng tingin sa kanya. "Kain tayo. Nagugutom na ko eh, naalala ko hindi pa pala tayo nag di-dinner."
"Airah?" tawag ko nang hindi man lang siya sumagot. I held his shoulder tightly and shook it. "Sige na, hindi kaya tayo kumain ng lunch kanina kasi nag swing tayo sa garden ng school, tapos hindi ka pa pumayag na kumain tayo sa labas kaya ngayon nalang. Gusto mo ba? Libre ko naman eh."
"Sige." It took a while for him to answer, but it's okay at least she agreed.
"Where do you want?" tanong ko habang nakaakbay parin sa kanya. Bigla namang bumukas ang elevator kaya lumabas na kami.
Binitawan ko ang balikat niya at naglahad ng kamay. "Can I hold your hand?" I asked, I promised him earlier that when I want to hold his hand, I will ask her first if it's possible.
Nililigawan ko palang siya kaya dapat magtanong muna ako ng conscience niya. Kung kami na, doon kahit hindi ko na siya tanungin okay lang.
Pagmamay-ari ko na siya eh.
I smiled when she put his left hand on my right hand waiting to touch his soft but hard hand.
Napangiti ulit ako sa ginawa niya kaya pinisil ko ng mahina ang kamay niya. Napatingin naman siya sa akin at umiwas ng tingin. Nakagat ko tuloy yung labi ko sa nararamdamang paro paro sa didbib. Hindi ko inaakalang makikita at mahahanap ko rin ang babaeng matagal ko ng hinahanap.
YOU ARE READING
HER SECRET
Misterio / SuspensoHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...