"𝐒𝐓𝐎𝐏!"
AIRAH'S POV
Lunes ngayon at hindi ako masiyado puyat dahil 12:30 am nakauwi na 'ko sa bahay. Tulad nga ng sabi ni Austin ay 8:00 pm to 12:00 am na ang pasok ko sa bar niya at nagsimula nga 'yon nung Saturday.
Nasa parking lot ako ngayon ng LCU at pinaparada ang motor ko.
"Tsk."
Napalingon ako sa likod ko dahil parang boses 'yon ni Katsuki. Nang wala akong makita ay ibinalik ko ang paningin sa motor ko para ayusin.
"Late ka na pangit!"
Nagulat ako ng hahakbang na sana ako para umalis ay nasa harapan ko si Katsuki. Nakatitig sa mga mata ko.
"Eh ikaw din naman ah, kung maka late ka diyan kala mo..." ismid kong tugon.
"I'm not late, I just forgot something in my car, I just took it."
Tinignan ko ang kamay niya, wala naman siyang hawak. "Saan? Wala naman ah. Ano ba 'yon?
"You don't need to know what that is." pagkasabi niya 'yon ay agad siyang umalis sa harapan ko.
Nagtataka na ako sa mga kinikilos niya. No'ng Friday pa siya ganyan. Cold na nga lalo pang lumamig ang kilos niya. 'No nangyari dun?
Sumunod naman ako sa kanya kaso malayo na siyang naglalakad. Dumiretso ako sa elevator dahil ayokong maglakad sa hagdan, late na nga ako eh maghahagdan pa ako. Nang bumukas ang elevator ay wala siya doon. Malamang nag hagdan yun.
Pumasok ako sa elevator at hinihintay umistop sa 8th floor. Nang lumabas ako galing elevator ay gulat akong makita siya na kakagaling lang sa hagdanan. Nagulat kami sa isa't-isa pero inisnab niya lang ako at dumiretso ng daan patungo sa room nila.
Nakikita ko siyang naglalakad na nakatalikod, mabagal pero maangas, ganun naman talaga siya maglakad. Nang papasok na siya sa room nila ay dinahan-dahan niya muna akong nilingon gamit lang ang ulo. Nang makita niya 'kong nakatingin din sa kanya ay agad niyang iniwas ang paningin at pumasok na sa room nila.
Hindi ko nalang inintindi ang tingin niya sa akin. Pumasok narin ako sa room at lahat sila ay sabay-sabay na lumingon sa akin pagkapasok.
"You're late Miss Alvarez!" malakas na sambit ng 2nd subject professor namin ngayon.
"Sorry Ma'am. I didn't wake up early, I just enjoyed my sleep." At yumuko ako pagbigay galang. "Morning po pala." Uupo na sana ako, kaso...
"No GOOD?" taas kilay na sabi ng prof. "I will not accept your great if it is not complete."
"Good Morning Ma'am Guevarra."
"Sit down." mataray na boses.
Si Ma'am Guevarra pala ang may hawak sa isa naming major subject sa engineering this school year. At siya ang pinaka masungit sa lahat ng prof namin. Pero hindi ko ipagkakailang sobrang galing niya magturo at napakatalino sa Mathematics. Sa sobrang galing niya sa Math nadaig pa niya sina Isaac Newton at Albert Einstein.
Umupo naman na ako sa upuan ko. Pagkaupo ko ay narinig ko ang bulong sa akin ni Innah.
"Bakit late ka?"
"Napasarap nga sa tulog." Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi. "Shhh 'wag ka na maingay kung ayaw mo mapatayo."
Hindi na niya ako tinanungan pagkasabi ko nun kahit alam kong ang dami niyang gustong itanong sa akin bakit ako late.
Lumipas naman ang recess at hindi sumabay sa amin ang feeling F4. Hindi na daw kasi sila nakakapag bonding sa isat-isa tuwing breaktime kaya babawi daw sila sa isat-isa ngayong week. According kay Innah.

YOU ARE READING
HER SECRET
Mystère / ThrillerHER SECRET - Ken Suson Series #1 ☽︎☾︎ "STOP!" The first word that I heard from her. And that word also saved me from being hit over by a car. She's my SuperWoman in my life. Many years passed, I never expected that she was the girl I was bullying...