Chapter Three

506 25 0
                                    

Bea's POV

Mabilis akong lumabas mula sa library hindi dahil sa baka magalit sina Kuya..kasi ayos lang naman sa kanila ang mag hintay...Nagmadali akong umalis dahil naiisip ko na baka marinig ni Jake ang malakas at mabilis na tibok ng puso ko...Hindi naman ito yung unang beses na nahalikan niya ang pisngi ko..pero ewan ko ba..basta kanina ramdam na ramdam ko ang mabilis na pag tibok ng puso ko...Lalo na nung nakita kong mataman siyang nakatingin sakin.. kasi inalis ko ang salamin ko..nagkusot kasi ako ng mata..at alam ko first time niya akong nakita na walang salamin.

Tanaw ko na si Kuya Aljur na naghihintay sakin..kaya mabilis na akong lumakad papunta sa kanya....
Kita ko pa na tumingin siya sa relo niya...hanggang sa nakalapit na nga ako at pinag buksan niya pa ako ng pinto...

Lulan na kami ngayon ng sasakyan niya pauwi...nasa bandang likuran namin si Kuya Alden ko...hindi ko alam ah..pero mukhang may gustong sabihin sakin si Kuya..at hindi nga ako nagkamali..


Aljur: Kasama mo na naman ba siya kaya pinag hintay mo ako?

*napatingin ako kay Kuya...seryoso siyang nakatingin sa daan...


Bea: ah Kuya..kasama ko din naman sina Barbie e..nasa library lang kami...wala naman kaming ginagawang masama kuya e..

Aljur: Beanca...wala akong sinasabi na may ginagawa kang masama...kilala kita...ang tinatanong ko lang naman e kung kasama mo na naman ang lalaking yun.

*tumango naman ako..

Aljur: Beanca..kami ni Alden..mga kuya mo kami..mahal ka namin at concern kami sayo...isa pa samin ka binilin ng mga magulang natin..kaya iniisip namin palagi yung ikakabuti mo..yung kapakanan mo.


Bea: kuya mabait naman si jake e.


Aljur: wala akong sinasabi na hindi siya mabait..hindi ko lang talaga siya gusto para sayo..your too good for him...Isa pa Beanca...lalaki ako..at alam ko kung seryoso o hindi ang isang lalaki sa isang babae...Hindi ko siya hinuhusgahan..pero kilala ko ang hilatsa niya...


Bea: Kuya..wag mo naman sabihin yan.

Aljur:Bea..sinasabi ko toh hindi para saktan ka in any way...Ang gusto ko lang gamitin mo ang utak mo...Matalino ka...at alam kong alam mo ang diperensya ng mahal sa kailangan..Maaring mahal mo siya...pero i doubt it if he feels the same way..Kailangan ka kasi niya...Yung tulong mo sa mga hindi niya kayang gawin....and i dont like him for that...


Bea: nasasabi mo ba yan kasi ganito ang itsura ko..kasi hindi ako katulad nyo..na pangit ako..


Aljur: baby hindi....dont ever think that way..kasi kung meron man na makakatanggap sayo bilang ikaw..kami ni Alden yun..at sina Mama...Hindi ka pangit...Masyado lang bulag ang mga taong nagsasabi na pangit ka...kasi kami kitang kita namin ang ganda mo..maging ang busilak mong kalooban..at yun ang dahilan kung bakit pinagsasabihan kita ng tungkol sa lalaking yun..

Baby hindi ka namin pinipigilan na magmahal ..pero sana ...yung minahal mo e yung taong kaya ka ding mahalin ...someone who can love you the way you deserve to be love....Yung taong makikita amg ganda mo..na nagtatago sa makakapal na salamin na yan...

Bei..ikaw ang bunso namin..kaya hindi namin nanaisin na masaktan ka..na umiyak...kaya sana nga ...Hindi ka saktan ng lalaking yan...sana nga..totoo ang inaakala mong atensyon at pagmamahal na nakikita mo sa kanya..dahil kung hindi..ngayon pa lang sinisiguro ko sayo..isang iyak mo lang ng dahil sa lalaking yun...Babasagin ko yung mukha niya...

Napakabait mo...kaya kahit kelan..hindi kami papayag na masira ang buhay mo..kung pwede lang na palagi kaming nakabantay at nakaalalay sayo...gagawin namin..masiguro lang namin na maayos ka...yun lang...yun lang naman ang gusto ng Kuya para sayo baby girl..


My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon