Seventy One

107 6 5
                                    

Hindi ko alam ang nag udyok sakin na balikan ito...feeling ko nga nangangalawang na ako e...pero...try ko na baka kaya kong matasahan kahit konti more than a year din akong tumigil ahhh...so here it goes...sana may readers pa...

********************************************

Jake


Kung pwede lang pigilan ang oras nagawa ko na..hindi ko man siya hawak,hindi ko man siya mayakap at mahagkan,tila kay saya na sa pakiramdam na makita siyang muli ng malapitan.

Lulan kami ngayon ng isang sasakyan papunta sa resort nina Gabbi..Wala sana akong balak na sumama dahil naisip ko na baka makaistorbo lang ako sa bonding nila..Pero naisip ko,pagkakataon na din para makasama ko si Bea kaya sasamantalahin ko na..Gusto ko din kasing makausap siya bago man lang ako umalis ulit papunta sa ibang bansa..

Noong akin pa si Bea ayaw ko halos umalis ng bansa kasi alam ko na sobra akong mahihirapan na mapalayo sa kanya..Pero nung hiniwalayan nya ako..parang ang paglayo ang naging isang sandata ko para kahit papano e makalimot..Hindi madali ang mabuhay na maiisip mo na ang taong pinaglalaanan mo ng bawat pagsisikap mo e sinukuan ka na..

Minsan ang sakit lang isipin...Minsan ang sarap hilahin pabalik ng nakaraan yung mga oras na sakin pa siya..at hindi pa niya ako pinakakawalan..

Minsan kasi ang sakit sakit lang hindi mo na pwedeng ibalik yung mga bagay na binago na ng panahon.

Napabalik ako sa kasalukuyan nung tinapik ni Barbie ang balikat ko..
Nasa may bandang likuran kaming magkapatid...Nasa unahan naman namin si Gabbi at Bea..Nasa tabi ni Gabbi si Ruru..habang nasa tabi naman ni Bea si Cocoy..

Kanina pa ako halos nagpipigil ng emosyon ko...alam ko kasi kahit mamatay ako dito sa pag ngingitngit wala na akong karapatan...dahil hindi ko na kontrolado ang kung ano man ang meron xa sa buhay nya ngayon..

Barbie: Sorry kuya..

*naguguluhan naman akong napatingin sa kanya..

Jake: bakit ka nagsosorry?

Barbie: kuya..i know it hurts to see the one you love in someone else's arms..

*mapait naman akong napangiti...mahina lang ang boses ni Barbie..pero sa kabila non..para siyang katotohanan na nagsusumigaw sa kaloob looban ko...
Ang sakit naman talaga e..Na sa sobrang sakit parang minsan ayaw mo ng magkaron ng kinabukasan..

Jake: In time barbs..gagaling din tong sakit na toh..

Barbie: you still love her i know

Jake: hindi naman nawala yon Barbs e....pero if  loving her means setting her free to do the things she wanted to do...Sino ako para humadlang..noon Barbs hindi ko alam na magmamahal ako ng ganito...i used to play around..Pero tama sila..one day makikilala mo yung magtuturo sayo na maglaro ng patas sa pag ibig..too bad na nung sobra sobra na akong nalulong sa larong yon..bigla niyang sinabi na game over na pala..na ayaw na niya..na kahit anong pilit kong i restart ang laro wala na akong magawa kasi yung connector bumitaw na...
Ayaw kong magtanong sa itaas kung bakit,kasi alam ko may dahilan...Lakas ng loob lang ang dala ko pauwi para masilayan xa kahit sa malayo..

*malungkot na ngumiti ang kapatid ko...parehas kaming naipit ni Bea sa sitwasyon...sa konsekwensya ng nakaraan..Noon kasi buong akala ko talaga never na magiging factor yung pagiging dating magkasintahan ng aking ama at ng mommy niya para masira ang relasyon na sabay naming ipinundar at iningatan ni Bea.Pero ganun ata talaga,hindi buhay ang buhay kung walang kaakibat na pagsubok.
Sa ngayon siguro dalangin ko lang yung makayanan ko na makita na meron ng ibang nagpapaligaya sa kanya...
Napatingin ako sa may gawi nila nung nagsalita si Gabbi..

Gabbi: Bei, after this week aalis ka pa rin ba?

Bea: oo eh..pero saglit lang naman ako Gab.babalik din ako agad dahil kelangan nina ate Maine ng tulong para sa wedding.Saka isa pa, ayaw ko din mag worry si Daddy if matatagalan ako mawawala.

Barbie: basta Bei, message us if you need anything ok?kahit graduate na tayo sana walang mabago diba..maging busy man tayo sa kanya kanyang landas na tatahakin natin sana wag natin makalimutan ang isa't isa..

Bea: ano ka ba Barbs..kala mo naman abroad ang pupuntahan ko diba..saglit lang ako talaga mawawala...

Cocoy: san ba ang punta mo Bea?baka gusto mong samahan kita.?

*sa totoo lang hindi ko alam kung san ang punta ni Bea pero hinihiling ko na hindi ako masasaktan sa magiging sagot nya kay Cocoy.
Tila naman dininig ang piping usal ko dahil

Bea: Coy, gusto kong mapag isa..Isa pa hindi naman kita kasintahan bakit kelangan mong sumama?

*napatawa naman si Barbie na sa kalokohan pa inalaska pa si Cocoy

Barbie: yan kasi...feelingero e.

Gabbi: saka isa pa coy, ayaw ni Bei na kinokontrol siya at sinasakal sa isang bagay na alam naman niyang kayang kaya nya gawin mag isa..
Hindi ka pa niya sinasagot, kaya siguro mas tamang hayaan mo siyang maging malaya na gawin ang makakabuti para sa kanya.Matalino ang kaibigan namin na yan..Alam nya ang tama at mali.

*hindi naman na umimik si Bea.Naiiling na lang si Cocoy na tila natatawa sa pambubuska sa kanya nina Barbie.Maya maya pa kita ko na tila inaantok na si Bei..Naalala ko yung mga moments na sakin xa sumasandig at niyayakap ko siya hanggang sa makatulog xa.Tuwa ko na lang na kay Gabbi nya piniling sumandal sa pagkakataon na ito..

Natutulog pa din xa nung tumigil kami sa isang gas station para umihi...Naunang bumaba si Cocoy, tapos si Ruru..

Barbie: Kuya hindi ka ba naiihi?

Jake: hindi naman ayos pa ako..

Barbie: e ikaw Gab?


Gabbie: naiihi nga ako kaso si Bei tulog talaga e..

*hindi ko alam kung anong nag tulak sakin na mag offer ng tulong

Jake: uhm Gab, ako na lang muna kay Bei..bumaba na kayo kesa magpigil kayo ng ihi.

*tila nakakaloko naman na tumingin si Gabbi sakin.

Gab: o sige na nga.

Barbie: maiwan muna namin kayo kuya, wala ka bang ipapabili?

Jake: bili ka na lang ng pwedeng kainin ni Bei mamaya pag nagising xa..Medyo malayo pa tayo e.

*ngumiti lang naman ang kapatid ko..Ako naman umupo kapalit ni Gabbi.Sinandig ko sakin ang ulo ni Bei..Tila nananadya naman ang pgkakataon na bigla pang yumakap si Bea sa may beywang ko.
Tipid akong napangiti sa pamilyar na sikdo ng aking puso..Unti unti kong hinaplos ang buhok nya at di ko napigilang hagkan ang may noo nya.

Jake: kung pwede lang ibalik ang nakaraan, hinding hindi ako papayag na hiwalayan mo ako..Miss na miss na kita baby ko, ang ngiti mo,yakap mo, maging ang pagsasabi mo sakin na mahal mo ako..
Pero ngayon,tanging ramdam ko lang na miserable pa din ako kasi hindi ka na sakin.At ang sakit sakit isipin na may ibang tao na nakakapag pangiti sa mga labi ko at hindi na ako yon.

Kung pwede lang na turuan ang puso..Pero pano ko nga ba matuturuan ang puso ko na pangalan mo lang ang kilala..Sana dumating yung araw na muli, maging akin ka.

*hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako...kasabay ng pagdaloy ng luha ko paghalik ko sa may labi nya.Tulog na tulog pa din si Bea kaya di nya namalayan na hinagkan ko siya.
Maya maya pa,pinalis ko ang luha ko kasi pabalik na sila Gabbi sa sasakyan..

Umayos ng upo si Gabbi bago muling inihilig sa balikat niya si Bea.

Ilang oras pa at nakarating na kami sa lugar na aming pupuntahan.



To be continued.....

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon