Bea's POV
After magsalita ng mga kapatid ko, nina ate Maine, ate Kris, si Barbie at ang parents ni Jake last na tinawag para mag message samin ang Daddy ko..Sa kabila ng ngiti sa labi nya alam ko may part pa din siya na malungkot dahil syempre di na talaga dalaga ang baby girl nya.
Daddy: magandang araw po sa lahat. Ito na siguro yung pinaka hihintay kong araw para masabing, hindi kailanman tayo ililigaw ng ating mga puso. After Bernice died, kasabay na nawala ng presensya niya ang kaligayahan sa mga mata ng nag iisang prinsesa ng aking buhay.
Hindi man nila kami nakasama sa kanilang paglaki, pero bilang ama iba ang pag tangi ko sa aking mga anak.
Napaka maunawain nila na ni hindi sila nagtanim ng galit samin ng kanilang ina dahil lumaki silang magkakapatid na walang pagkalinga namin.
Bea was still a kid when Bernice tried to bring her to France with us. I think hindi mo pa naiintindihan yon Beanca..pero mas nangibabaw sa amin that time na baka hindi ka din namin masyadong maalagaan..Sa sobrang ningning ng successful business deals, nakalimutan na namin na maging magulang sa aming mga anak..From time to time naman nakukumusta namin.But you know, realizing it now is the most regretful part of being a parent..Being a father,.
Upon seeing my children getting married, naisip ko na sana pala noon sinubaybayan ko ang una nilang iyak..ang unang hagikhik..ang unang hakbang..Napaka dami kong namiss na importanteng parte ng buhay nila..I felt bad na parang kahit anong ibigay ko sa kanila, hindi pa din mapupunan non ang katotohanang nagkulang kami ni Bernice bilang mga magulang sa aming mga anak..
Ang konswelo ko lang, ako ay may pagkakataon pa para bumawi..may pagkakataon pa ako para masabi ko sa aming mga anak na mahal na mahal sila ng Daddy..Nung kinasal, si Aljur at Alden hindi ako nakaramdam ng lungkot, kasi alam ko they deserve the love and happiness na meron sila sa kanilang mga kabiyak.. Ngayon naman sa aking bunsong anak, hindi ko mapigilang hindi malungkot at maluha..Beanca always reminds me of her mother..Magsimula sa dulo ng buhok, hanggang sa kanyang paa..iisang iisa sila ng kanyang ina..I always remember Bernice when i stare into her eyes..Napakaganda ng kanyang mga mata..
It was a month after Bernice died when Bea send off Jake to the airport..Mahal na mahal niya si Jake..but she chose to let go dahil hindi nya matagpuan sa kanyang sarili ang ipagpatuloy ang meron sila dahil sa nasira naming pamilya. That day, after Bea send off Jake, Jake called me and tell me "Tito, she needed to be taken care of, kailangan ko pong lumayo kasi yon ang gusto niya,.Kaya hindi ko muna xa maaalagaan..Pero tito, babalik po ako..babalik po ako para sa kanya, mahal na mahal ko po si Bea" after hanging up the phone, pumunta ako sa libingan ni Bernice..Nagagalit ako non sa asawa ko dahil kasama ng pagloloko nya at pagsira sa pamilya namin e ang pagsira niya sa buhay ng aming anak..
Pero nagulat ako na madatnan ko don si Beanca..She was crying..she was so hurt and devastated..Umiiyak habang sinasabi na galit xa sa Mommy niya pero mahal na mahal niya pa din ito..Pero sa kabila ng kanyang pagmamahal, hindi niya pa din mapatawad ang nanay niya.*daddy broke into tears habang inaalala ang tagpong yon sa libingan ni mommy..ako man e naiyak na din..
Daddy: i hugged her..niyakap ko ang aking anak..i feel so helpless na wala akong magawa para mapagaan ang nararamdaman niya.. Masyado akong nasaktan sa pagkawala ni Bernice..Nagkasala man xa pero andon pa din ang katotohanan na siya ang ina ng aking mga anak at minamahal ko xa..Pero andon din ang galit..Dahil kasama ng pagkawala niya..e ang pag babago kay Beanca..the first months of Bernice death, kinailangan siyang samahan nina Aljur at Alden sa kwarto niya sa pag tulog kasi lagi siyang gumigising na umiiyak..Sa loob ng ilang taon din..sobrang naghirap ang aking kalooban na nasa akin nga ang lahat ng yaman at katanyagan bilang isang magaling na businessman pero wala naman sakin ang katagurian na mabuting ama..Wala akong magawa para mabalik ang ngiti at buhay sa aking anak.. I am not telling this story para maguilty kayo mga ate at kuya..