Chapter Seventeen

529 29 11
                                    

Jake's POV

Bea: Hindi...Hindi na...Why would I choose to turn back time gayong kung pwede lang may burahin sa lahat ng nangyari yun ang kauna unahan kong buburahin sa parte ng buhay ko.....i am not stupid to do the same mistake again...siguro...lahat ng tao may parte ng buhay nila na sobra nilang pinag sisisihan...sa kaso ko..Yan ang pinaka pinag sisisihan ko..

Yan ang pinaka pinag sisisihan ko..

Yan ang pinaka pinag sisisihan ko..

Yan ang pinaka pinag sisisihan ko.....

*paulit ulit yang sumisigaw sa isip ko...hindi ko alam kung san ako kumuha ng lakas ng loob para itanong sa kanya ang bagay na tinanong ko kanina...pero malamang dahil na rin yun sa kagustuhan kong malaman kung may parte ba ako man lang akong tinatago niya sa pinaka ilalim na parte ng kanyang puso...

Pero base sa sagot niya...kung may nararamdaman man siya..tanging galit lang yun..Na hindi ko naman din maisisisi sa kanya kasi ginusto ko man o hindi...Sinaktan ko siya sa desisyon ko noon...

Gusto man nina Kuya Aljur na tulungan ako..pero..parang para sakin..hahayaan ko na munang ang tadhana namin ang gumawa ng paraan para magkasama kami ulit..kasi naniniwala ako...si Bea lang ang babaeng para sakin...Kaya hindi man siya sa akin sa ngayon..pero gustong gusto kong umasa na pagkatapos kong takbuhin ang pinakadulo ng karera ito....Sa dulo...Sa pinakatapusan ng lahat ng pagsubok na ito....si Bea pa rin at ako...sana sa finish line..yung pagmamahal pa rin ni Bea ang gantimpala sa lahat ng sakit at hirap na natamo ko...

Barbie: Ah....uhm...so ituloy na natin ang laro....

*dinig kong basag ng kapatid ko sa awkward silence na nangyari after sumagot ni Bea sa tanong ko...napatingin ako kina Kuya Alden alam ko na naaawa sila sakin..pero hanggat kaya ko pa...kakayanin ko...malampasan ko lang ito..

Nagdiretso nga ang laro..Alam ko sa kabila ng pakikisali ni Bea yung pagngiti niya may naiba...hindi na kasing sigla ng kanina...Malamang nabwisit siya sa tinanong ko...pero ewan ko ba....siguro sa loob lang ng mga panahon na tiniis ko na wala siya sakin at yung makita na may iba siya sa ngayon....parang naipon yung eagerness ko na makuha siya ulit...at maibalik sa akin...Pag nangyari yun...ako na ang pinaka masaya....
Ganun naman ata talaga...bago maabot ang pinaka magandang parte ng buhay kailangan muna nating sumailalim sa napakaraming dagok at pagsubok...para matuto tayo na mas lalong pahalagahan ang buhay....

Ngayon...andito ako sa may pampang pero malayo sa kung nasan ang mga kasamahan ko..parang gusto ko lang mapag isa...gusto kong mag isip...Gusto ko ding umiwas muna kay Bea...ayaw ko naman ding halos mabali ang litid niya maiwasan lang ako.....i know she hated me....

Sa isiping galit siya sakin...nanghihina na ako..paano pa kaya pag sinampal na niya sa mismong mukha ko kung gaano...hindi ba..

Napalingon naman ako...nung narinig kong tinawag ako ni kuya Aljur..


Aljur: Jake



Jake: Kuya...


*naupo siya sa may katabi ko....tapos tulad ko tumingin din siya sa tinatanaw ko....


Aljur: Bakit ka andito?hinahanap ka din ni Barbie...kakain na tayo..


Jake: Ganun ba Kuya....hmmm..gusto ko lang pong mag isip isip kuya....


My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon