Well...gaya ng naipangako ko heto na ang POV ni Jake..sana kahit paano mareach nito ang expectation niyo...pagpasensyahan nyo na ang nakayanan ko....
Jake's POV
Pinili kong tumahimik...hindi dahil sa guilty ako...Pinili kong tumahimik para sa ikakabuti ng lahat....Para makaiwas sa mas malaking gulo...Pero sa tingin ko...kahit paano...kailangan ko naman ding depensahan ang sarili ko...Maaring marami sa inyo ang pinili na akong husgahan sa umpisa pa lang...Pero nauunawaan ko yun..kasi hindi nyo naman alam ang mga nangyari....Ganun naman tayong mga tao...Mapang husga....kutya dito...hinaing dito...reklamo dito...Pero naisip nyo ba na minsan..tumingin sa salamin...At kayang nyo bang sabihing..malinis ako..wala akong kasalanan..wala akong bahid ng dumi at wala akong kapintasan?
Sa palagay ko pag nangyari yun mismong sarili nyo na lang ang lolokohin nyo..kasi walang tao na pinanganak na malinis...lahat tayo may kasalanan....Lahat tayo walang karapatang manghusga.....Ilang taon...ako na mismo ang umaamin..ilang taon akong hindi naging mabuting tao....Naging pasaway ako...sa mga magulang ko...Rebelde....sa kadahilanang gusto kong makuha ang atensyon nila...hindi ako nagseseryoso sa pag aaral.....Kasi para san pa...nag aaral pa ako oo..pero hawak na ni Daddy ang buhay ko..na after ko makatapos ng pag aaral diretso ako sa pagtatrabaho sa kompanya namin...
Kaya naisip ko..tama lang siguro na aliwin ko muna ang sarili ko habang may panahon pa...Tutol man sina Daddy pero pinagpatuloy at pinursige ko na maging lead vocalist ng school namin nung high school....Maraming humahanga sakin...maraming tumitili sakin...na siyang lalong nagpadagdag ng kompiyansa ko sa aking sarili....
At dahil dun mas nawala ang atensyon ko sa pag aaral....Pero one day..binantaan ako ni Daddy...Na pag hindi ko inayos ang grades ko...Siya mismo ang kakausap sa school administrator para alisin ako bilang lead vocalist ng banda...kaya kinailangan kong magsikap na mag aral kahit konti....
Hirap na hirap man..Pero pinipilit kong unawain...kahit bwisit na bwisit ako...kasi nasa isip ko nun pag kanta na nga lang ang nagpapasaya sakin tapos aalisin pa sakin ni Daddy...Hindi naman ata makatarungan yun...
Isang araw kailangang kailangan kong pumunta sa rehearsal ng banda...Pero sabi ni Dad..hindi ako pwedeng umalis hanggat hindi ko nagagawa ang mga kailangan kong gawin..Kaya buong tiyaga akong nag aral...Pero kahit anong gawin ko hindi ko makuha ang tamang sagot...marami na akong kalat na papel dahil sa napakaraming beses kong nagkakamali......
Hanggang sa may umagaw ng atensyon ko..yung samyo ng pabango na yun...Lagi ko yung naaamoy pag dumaraan yung kaibigan ni Barbie na Nerd sa may harapan ko...At base sa pagkakatanda ko...Ngayon yung sinasabi ni Barbie na pupunta dito ang mga kaibigan niya para mag group study sila....(*see chapter 4)
Kaya nag angat ako ng tingin..at hindi nga ako nagkamali..Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa....Nakasuot siya ng damit na medyo napag iwanan na ng panahon...salamin na mas makapal pa ata sa pad ng papel na hawak ko..at yung kilay niya parang kailangan ng ipathread sa sobramg kapal.....wala ding bahid ng make up ang mukha niya...na base sa tingin ko ay may napaka kinis na kutis....
Kita ko naman na pinaupo siya ni Manang sa sofa na kaibayo ko...ako naman tumungo na lang...tapos sinikap ko ulit na sagutan ang kanina ko pang ginagawa...sa kabila yun ng panunuot sa ilong ko ng napaka bango niyang amoy na umaagaw sa aking pansin..
Napapakamot na lang ako sa ulo ko....kasi medyo nakaka distract din kasi ramdam ko naman syempre na nakatingin siya sakin..
Hanggang sa maya maya..Bea: uhm...Gusto mo tulungan kita?
*sabi niya napatingin naman ako sa kanya...
Jake: kaya mo ba toh?alam mo ba to e mas bata ka naman sakin ng isang taon..?