Seventy Five

134 8 2
                                    

Natutuwa po akong makita na may mga nag aabang pa din pala sa storya na ito. Ako man sa aking sarili hindi ko alam kung paano ko tatapusin ang librong ito.Napakarami ko na din naman completed na story, pero sa ngayon di ko pa maisip kung ano ang dapat maging katapusan ng storya na ito..kaya sana hayaan nyo po na ipagpatuloy ko kahit pa konti konti.

6.27.19

Bea's POV

Sinalubong ako ng lamig ng paligid, tila yata hindi maganda ang panahon. Wala ang pamilyar na sinag ng araw na matatanaw ko habang nakatingin sa hagdang hagdang palayan.

Kung hindi ako nagkakamali, binili ko ang lupa at bahay na ito isang buwan matapos kong makipag hiwalay kay Jake. Sobrang lungkot ko non na gustong gusto ko na mapag isa muna at dito ako dinala ng aking mga paa.

Noon, isa lamang itong simpleng bungalow house na natatabingan ng nag tataasang mga damo. Pero kasabay ng pag yaman ng lugar sa turismo, minarapat ko din na ipaayos ang bahay na ito ng sa gayun magkaron ako ng lugar na pwede akong maging ako kahit ilang araw man lang.

Sa kaayawan ko kasi na mag alala sila Daddy pinipilit kong umakto na masaya kahit pa alam ko naman na kilalang kilala ako nina kuya sa isang tinginan lang sa mata.

Napalingon ako sa aking likuran nung tinawag ako ni Manang Caring kasama ang kanyang asawang si Manong Impe. sila ang mag asawang care taker ng bahay ko na ito.

Manang: maam, naiayos ko na po ang hapag..pwede na po kayong mag almusal.

*tipid naman akong ngumiti sa kanya.

Bea: manang, diba po sabi ko sa inyo Bea na lang..wag nyo na po akong tawaging Maam. Parang anak nyo na din po ako.

*napangiti naman sila.kaedad ko kasi ang anak nila na teacher na ngayon, si Ainah.. Pag pumupunta ako dito, siya ang nakakasama ko pag natutulog dito.nagkataon lang na may pasok ngayon kaya maaga siyang umalis at hindi ko na makakasabay sa pag aalmusal,.Maswerte akong nakilala ko ang pamilya nila. Masasabi kong kampante ako na habang nasa Manila ako maayos na tumatakbo ang negosyo ko dito sa Sagada.

Nung pinaayos ko kasi ang bahay na ito, nalaman ko na ibinebenta din ang karatig lupa kaya naisip ko na gawing mini hotel para sa mga turista.hindi naman nasayang ang pera ko kasi masasabi kong sa ilang taon, nabawi ko na ang nagastos ko sa pagbili at pagpapa gawa ng naturang mini hotel ko.

Manang: ikaw tlagang bata ka.Kung don ka mas kumportable e di sige.Halina at kumain ka na..

*lumapit naman nga ako sa hapag at kumain..hindi naman sila sumabay sakin dahil nakakain na sila.

Manong: Bea, alam mo bang puno ang hotel ngayon. Kakatwang mula nung nabuksan ang hotel hanggang sa ngayon hindi nawawalan ng customer.

Bea: opo nga Manong Impe..natutuwa nga din po ako..Kung mas marami lang po sana akong oras mas maasikaso ko ang hotel..gusto ko po sanang mas palakihin pero kasi hindi ko pa po maasikaso e..Saka kelangan pa din po ako ni Daddy..lalo na ngayon mas kelangan ko siyang alagaan kasi mag papakasal na din si Kuya Alden at ate Maine..kaming dalawa na lang ni Daddy ang palaging magkakasama

Manang: oo nga..bakit hindi mo isama din dito ang Daddy mo at ng makita naman niya ang pinag hirapan mo?

Bea: siguro po after ng wedding pag may oras isasama ko si Daddy.para maka relax naman siya.

Manong:pero maiba ako Bea, ikaw ba e wala pang balak na mag asawa?

Bea: ayy nako si Manong..ayos lang po ako..


Manang: umiiwas ka na naman..nung una ka naming makilala, hanggang sa ngayon hindi pa din nagkakaron ng ning ning ang iyong mga mata..andiyan pa din yung lungkot na may hinahanap hanap na mga mata tulad nung una ka naming makita.

*nagkakilala kasi kami noong binibili ko pa lang ang bahay na ito..kapit bahay sila ng may ari,.halos isang linggo ako non na nakatanaw lang sa labas ng bahay habang hindi tumitigil sa pag tulo ang aking mga luha..


Bea: manang, ganun po siguro talaga..May bagay na hindi laan para sayo..

Manong: ganon ba dapat yon sa panahon ngayon?

Bea: ano pong ibig nyong sabihin?

Manong: noong panahon namin nitong si Caring, ipinaglaban ko siya sa kanyang mga magulang sa abot ng aking makakaya dahil alam ko sa aking sarili na sa kanya lang ako liligaya..

*tipid naman akong napangiti sa tinuran niya..Alam ko naman na kaya labis ang pagpupunyagi sa buhay ng anak nila ay dahil sa kagustuhan nito na maiahon sa buhay ang mag asawang kita pa din magpa sa hanggang ngayon ang labis na kaligayahan.

Bea: Sana nga po ganon lang kadali ang lahat noh..

Manang: minsan kasi anak, kailangan nating unahin ang kung saan liligaya ang ating mga puso.Maaring tama ang idinidikta ng ating isip, pero gayunman ang puso hindi ka ililigaw.kumplikado man pero andon yung hinahanap na tunay na kaligayahan.

Ika nga nila, ang puso ang tunay na nakakakita ng tunay na pagmamahal. Hindi ang mata na tanging nakikita ay ang pang labas na kaanyuan.

Nakangiti ka man Bea, pero alam namin na malungkot ang puso mo dahil sa pinili mo ang dinikta ng isip mo.

Mabuti kang tao hija, hindi ka dapat nalulungkot ng ganyan.

Manong: alam mo ba kung bakit napaka gaan ng loob namin sayo?

Bea: bakit po?

Manong: para sa amin kasi ni Caring, tinuring ka na din naming anak tulad ni Ainah.  Na bilang mga magulang, hangad namin na isang araw matagpuan mo din ang daan pabalik sa kung nasan ang iyong kaligayahan..mabuti kang tao..napaka busilak ng iyong puso para tumulong at magbahagi ng kung anong kaya mong ibigay..Kaya nakakapang hinayang, kung ang kaligayahan na lang ng iba ang lagi mong iniisip.

Magtira ka para sa iyong sarili..Mahalin mo din ang sarili mo..at Hayaan mo ang sarili mong maging maligaya.Tanungin mo ang puso mo hija..san ka ba lubos na sasaya..


*kanina pa akong iniwanan nina Manang pero laman pa din ng isip ko ang usapan namin..
Nakatanaw pa din ako sa balkonahe ng bahay ko habang kita ko ang karatig hotel na pag mamay ari ko..
Ika nga asa akin ang materyal na bagay na nanaisin nino man, pero bakit nga ba hindi ko pa din makuha ang maging lubos na masaya..

Napalingon ako sa pinto ng aking bahay nung marinig ko ang pamilyar na boses ng taong alam na alam kong magpa sa hanggang ngayon e nag iisang tinatangi ng aking puso..

Marahan akong lumingon at nakita ko si Jake, na seryosong nakatingin sakin mula sa pinto.

Bea: Jake? Anong ginagawa mo dito?

Jake: Bea, hindi ko na kaya..



To be continued......

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon