Author's Note:
Hello readers!!! It's the 17th day of june 2020..Hind ko sadya alam pano ko tatapusin ang story na ito..Sa totoo lang, parang hirap din ako gumawa ng wedding part,.Bilang babae isa sa biggest dream mo e yung maikasal sa taong minamahal mo..I was engaged.Kaso minsan pala hindi sapat na basehan ang singsing para maisip mo na may something to took forward to ka..Ngayon, pinili ko na bumitaw sa laban..Pag sobrang pagod ka na pala at tipong di mo na maramdaman ang worth mo..Parang hindi na basehan kung mahal mo ang isang tao.Anyways, dahil nag promise ako na gagawin ko ang ending ng My Nerdy Love na katagal natengga..Gusto ko sanang ishare sa inyo ang wedding part na pinapangarap ko..Kaso pangarap na lang xa ngayon..I dunno,siguro kung may darating pa na handa akong tanggapin sa kung ano at sino ako at sa anong kaya kong ibigay..Iba iba kasi ang mga babae ng way ng pagmamahal...Basta payo ko lang sa inyo..May mga bagay na dapat ibigay sa tamang panahon..Hindi porke uso makikiuso ka..Hindi dapat pagbasehan ang kamunduhan para patunayan ang pagmamahal..Pag nagmahal ka, tanggap mo ang ups and downs ng taong minamahal mo at tanggapin kung anong paniniwala niya..Ewan ko basta iba iba tayo..Alam nyo ba, akala ko last story ko na ang Nerdy Love kasi naisip ko pag kinasal ako baka wala na akong time magsulat..Anyways, heto na ang My Nerdy Love - The Wedding🤣🤣 hindi pa ito ang ending..wedding pa lang..
😂😂ichang😂😂Bea's POV
Sabi nila isa sa pinakamaganda ang isang babae sa araw ng kasal niya..Kakatwang isipin na after so many years kami pa ding dalawa ni Jake ang maghahawak kamay sa pagharap sa buhay mag asawa.
Non, bilang babae pangarap ko na maikasal sa lalaking pipiliin ng puso kong mahalin habang buhay. Sa kabila ng pagsubok, masaya akong ang nag iisang lalaking inibig ko ang aking makaka isang dibdib.
Andito ako ngayon sa may terasa ng Herza Desiderare Hotel ko..Tanaw ko mula rito ang abalang mga crew ng caterer na kinuha namin ni Jake para mag ayos ng reception ng aming kasal..Dinig na dinig din sa buong Hotel ang tila walang katapusang love songs na tila nakakapag padagdag ng kilig at masayang ambiance sa lugar..
Nasa magkabila kaming panig ni Jake ng pag aayos..Diba masama daw magkita ang bride at groom bago ikasal..kaya heto nagkakasya na muna akong tumanaw sa labas habang inaayusan ako ni Nica ang favorite naming make up artist...Ito daw siguro yung pinaka maganda niyang pag aayos dahil bukod daw sa maganda ang inaayusan niya nasa gilid ko pa ang view ng hagdan hagdang palayan na tinutunghan ng ulap..
Nica: hay nako Bea..Ang ganda ganda mo..tiyak na nganga si Jake pag nakita ka niya mamaya sa simbahan..
Bea: ikaw naman talaga Nica, kanina mo pa ako binobola ha..
Nica: Bei hindi kita binobola..Si Kris at si Maine na parehas kong nimakeup-an nung kasal e pawang magaganda din..bilib tlaga ako sa genes nyo at talaga kayo pa ang nagsama sama..malamang mga Dyosa ang kakalabasan ng mga anak nyo..
*napangiti naman ako..sa kabilang room inaayusan ang lahat ng bridesmaid at mga ninang..yung mga kasama sa entourage..Bali Si Nica may mga kasamang limang mga kaibigan na make up artist para din di kami magahol sa oras ng pagpunta sa simbahan..
Nica: tingnan mo Bea ang sarili mo,,para malaman mo na di ako nagsisinungaling..
*tumingin naman nga ako sa salamin at pwera buhat bangko, ang ganda ko nga..siguro nakadagdag sa ayos ko ay yung kaligayahang nagmumula sa aking puso..
Nica: ano tulala ka din noh..
Bea: ang galing mo Nica..ang ganda ko,.
Nica; loka,.maganda ka naman talaga..ayy teka halika na at tutulungan kita na isuot ang wedding gown mo..
![](https://img.wattpad.com/cover/45149332-288-k193681.jpg)