Chapter Seven

504 28 4
                                    

Barbie's POV

Excited akong nagising kanina kasi finally...ito na yung first day of school ko as a college student.....Sabay na kaming pumasok ni Kuya Jake...Naging ok na kami...parang siguro dahil nga sa nagkaka edad mature na kaming mag isip sa ngayon...saka syempre..bawat bagay na nangyayari sa paligid natin...binabago tayo...its either make us a better person..or the other way around..Sa kaso namin ni Kuya...binago kami ng mga pangyayari...I didnt know Kuya would be able to do things like that...Kung alam nyo lang kung ano yung nangyari...Pero ipapalamang ko na yun sa POv ni KUya...sabi kasi si Ms. Writer wag daw ako magkwento ng hindi pa napapanahon..hayaan ko muna daw magka peace of mind si Kuya kahit ngayon lang...he need a break....

Well as i was saying excited akong pumasok para sa first day of school..excited kasi makakakilala ako ng bagong mukha...at excited din kasi magkikita na kami ulit ng mga kaibigan ko na sina Gabbi at Ruru...matagal na din kaming hindi nagkita e...kinailangan ko kasing mag transfer ng school noong last year ng high school...sa kadahilanang...hindi ko pa maaring sabihin sa ngayon....pero constant naman ang communication namin kahit papano...si Bea lang ang wala akong balita...hindi na niya tinapos ang 3rd year namin e..basta na lang siya nawala...ni hindi ko alam kung bakit...pero for sure may kinalaman yun sa kagustuhan ni Kuya na mailipat ako ng school nung fourth year....

Tandang tanda ko pa ang araw na yun...yung huling araw na nakasama ko at nakita ang bestfriend ko...Sabi niya nun sasaglit lang siya kay Kuya...tapos susunod siya sa bahay nina Gabbi...Halos mamuti ang mata namin sa paghihintay sa kanya dahil meron kami nung group study...Pero hindi siya dumating...gusto ko din sana siyang tanungin kinabukasan kung anong nangyari..pero hindi na siya nagpakita samin magpasa hanggang ngayon..

I really missed that friend of mine...Wala akong pakialam kung ano mang tingin sa kanya ng ibang tao...Kasi para sakin totoo siyang kaibigan...Ewan ko ba kung bakit hinahamak nila si Bea..para sakin kasi maganda ang kaibigan ko..hindi lang sa pan loob kundi maging sa panlabas....Sa tuwing ngumingiti siya nakikita ko yung kabutihan ng puso niya sa kanyang mga mata...Sa tuwing lalaitin siya ng ibang tao..parang gustong gusto ko siyang yakapin...si Bea ang tipo ng tao na parang ang sarap alagaan...siya yung mukhang ang tough tingnan pero meron siyang pusong mamon na parang hindi mo siya gugustuhing masaktan...Kaya nga nung naging sila ni Kuya...hindi ko yun nagustuhan..hindi dahil sa ayaw ko kay Bea....kundi natatakot ako..na baka ang sarili kong kapatid ang makasakit sa kaibigan ko..i dont want any of them hurt in any way....Kaya lagi kong sinasabihan si Kuya na wag na lang si Bea...kasi i know Bea loves him too much..Pero si Kuya..hindi namin minsan man napag usapan kung ano ba talaga ang nararamdaman niya para sa kaibigan ko..na baka kaya lang siya mabait kay Bea kasi kailangan niya ng taong handa siyang tulungan at handang gawin ang mga bagay na kakailanganin niya...at yun ang ayaw ko..Kasi baka dahil sa kuya ko..mawasak ang buhay ng matalik kong kaibigan...

Hanggang ngayon..malaking palaisipan pa din sakin ang biglaang pagalis ni Bea...I remember one time na tinanong ko si Kuya Alden...kung asan si Bea...sabi niya...She left...pero ayaw nyang sabihin sakin kung bakit...I tried to look at her FB and Twitter account but it was deactivated....ang Instagram naman niya hindi updated..the last picture na pinost niya e yung kasama niya pa kami..Kahit naman sa account ng mga kapatid niya wala akong makita....Talagang literal na wala akong balita sa kanya sa nagdaang taon...Pero gayunman..maliit lang ang mundo..at umaasa akong isang araw..bumalik siya at makita kong muli...

Sinabay na ako ni Kuya sa pag pasok...nauna na samin si Rhon sa pag alis..pinsan namin siya from France..at kasama muna namin siyang maninirahan dito sa Pilipinas..Sa isang school lang kami mag aaral...at kami ni Kuya ang inatasan ng Mommy niya na makasama niya habang andito siya sa Pilipinas...Kakatuwa nga e..Ang tagal niya sa France.pero pinay pa din ang napili niyang mahalin...Tulad niya dito din daw sa Pilipinas mag aaral ang kasintahan niya at dito din papasok sa school na papasukan namin...Ilang araw pa lang ang nakararaan nung nagpaalam siya samin na susunduin niya sa airport ang girlfriend niya...hindi kasi sila sabay na naka uwi dito sa Pilipinas..nauna si Rhon ng ilang araw..

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon