Jake's POV
Nagising ako dahil sa tama ng araw sa mata ko..at dahil na din sa konting kirot ng sentido ko...Hang over siguro toh...Bigla kong naisip...Lagot ako....Kagabe tanda ko nakailang pigil sakin si Bea na wag magpaka lasing..tapos ngayon...heto...patay ako...
Bumangon na ako at mabilis naligo para na din medyo gumaan ang pakiramdam ko...saka baka matanggal din ang pananakit ng ulo ko...
After non...nakasabay ko sina Kuya sa pag punta sa dining area...sabi nila malamang daw nasa kusina na ang girls para mag prepare ng almusal...Sa totoo lang...medyo alanganin ako e...kilala ko ang topak ni Bea...at alam ko pag meron siyang hindi nagustuhan at sinabi niya kelangan na sundin ko yun..dahil tama naman siya talaga...
Pag pasok pa lang namin sa kusina nag lingunan na sila..pero si Bea saglit na lingon lang ni hindi ako tinapunan ng ngiti....Pero hindi ko naman siya masisisi noh..kasi alam ko na kasalanan ko naman talaga....
Kita ko na sinenyasan na ako ni Barbie...sabi niya lagot ako....sabay wasiwas pa ng hintuturo niya sa akin...Mang asar pa daw ba...sira talaga tong kapatid ko..
Lumapit ako sa pwesto ni Bea..
Jake: Good morning Mahal..
*sabi ko na medyo ngarag..kasi alam ko na agad sa itsura pa lang na hindi siya natutuwa sakin..I tried to kiss her cheek pero umiwas siya sakin..sabay layo..
Aljur: So..kumusta naman ang gising nyo mga girls...baby...bakit busangot ka..
*tanong kay Bea ni Kuya Aljur...Pero pati kay Kuya masama ang mukha niya..
Bea: Just eat kuya...wag mo kong intindihin..
*sagot niya kay Kuya..sungit lang..?pero kasalanan ko naman...tinaas naman ni Kuya Aljur ang kamay niya tanda ng pagsuko...wala naman din kasi silang magawa ni Kuya Alden pag si Bea na ang nagsungit..lalo pa at alam naman naming lahat na may punto siya...nagpwesto na kami sa pagkain...Nasa may tabi ako ni Bea...tinatry kong hulihin ang tingin niya..pero alam ko iniiwasan niya talaga akong tingnan.
Hindi ko naman kaya na galit siya sakin..kaya syempre..operation lambing...lalo pa at New Year..ayaw ko naman na simulan namin ang taon na galit siya sakin...Jake: Mahal..
*bulong ko sa kanya....pero hindi niya ako iniintindi..pansin ko na nakatingin samin sina Kuya Alden...pero kilala nila si Bea..pag galit...kaya wala na din silang masabi...nag angat lang sila ng balikat na tanda na wala silang magagawa...
Jake: mahal sorry na please...new year na new year galit ka sakin..
*para namang mas lalo siyang nabad trip sakin...at nagulat pa ako na bigla siyang tumayo ...
Bea: tapos na ako..excuse me muna..
*sabi niya sabay talikod...umalis siya...
Jake: Mahal...Bei naman...
*tawag ko sa kanya...pero hindi niya ako iniintindi....napabuntong hininga naman ako...
Aljur: Ikaw na ang bahalang umunawa sa topak nun..
Jake: Ok lang kuya...kasalanan ko naman po talaga..
Barbie: Buti alam mo Kuya..
*napatingin naman ako kay Barbie..tama bang gatungan niya pa?
Barbie: OH..bakit ganyan ka makatingin?Kuya...totoo ang sinasabi ko...Kagabe nakailang saway si Bea sayo na tama na..hindi ka nakinig...tapos nung maubos nyo ang dalawang case..kanya kanya kaming alalay sa inyo...kaso ikaw...sobrang hilo ka at hirap na hirap si Bea na alalayan ka kasi pasuray suray ka..pero kinaya niya..