Seventy Seven

165 11 0
                                    

Bea's POV

*mahigpit na hawak namin ni Jake ang kamay ng isat isa na tila ba natatakot kami parehas na baka bulang biglang maglaho ang sandaling ito..

Jake: nauunawaan naman kita e..Kasi ako man, hindi ko magawang lapitan ang tatay ko...Naiisip ko din kung paano siya nagawang patawarin at alagaan ni Mommy..
Pero tulad mo,naiisip ko din...Hindi mababago ng kasalanan nila ang katotohanang magulang pa din natin sila na siyang dahilan kung bakit nagkaron tayo ng pagkakataon na mabuhay sa mundong ito..

Yung pagpapatawad kasi, mahirap lalo na kung napaka tindi ng naging konsekwensya ng kasalanan nila..Pero Bei, hindi ba mali naman ata na hayaan nating magdusa tayo sa kasalanan na hindi naman tayo ang gumawa?

Sa ngayon Bei, hindi ko naman maipapangako na maalis ko lahat ng sakit na meron diyan sa puso mo..Pero baka pwedeng sabay tayo,magkasama naman nating paghilumin ang sugat ng kahapon?Bei, nasasaktan din ako sa nangyare, pero doble na ang sakit ngayon na wala ka sakin...

Sa lumipas na taon, alam na alam ko ikaw pa rin at ikaw lang ang tanging makakagamot at makakapuno sa kahungkagan na meron sa dibdib ko...

Pwede ba Bei,pwede pa ba?Pwede mo pa ba akong mahalin at hayaang makapasok muli sa puso at buhay mo?ikaw lang ang kaligayahan ko, more than anybody else ikaw ang kailangan ko...

Bumalik ka na sakin please mahal?mahalin mo sana ako ulit Mahal....

*saad niya habang umiiyak..Kung kayo ang ilalagay ko sa posisyon ko ngayon, paano nyo hahayaan lang na mapunta sa wala ang pagmamahalan na meron kayo na pilit nyong sinisikil sa loob ng ilang taon.

Bea: hindi naman nawala ang pagmamahal ko sayo e. It grows deeper Love...

*unti unti naman siyang umangat ng tingin sakin na tila inaanalisa kung tama ba ang narinig niya.

Jake: bei,?

*tipid akong ngumiti habang pilit kong inaalis ang luha sa kanyang mga mata. Habang ramdam ko naman din ang pagtulo ng luha ko.
Hindi pwedeng sabihin nino man na kaartehan lang to..Hindi biro ang dinaanan naming dalawa...pero kasi tama naman siya...bakit kelangan na kami ang magdusa sa kasalanan ng iba..

Bea: Masyado nang nasayang ang araw at taon Jake.. sa ngayon hindi ko alam if kaya mo akong mahalin kahit hindi pa ako ganon kabuo,pero kasi alam ko na partly kailangan kita para mahanap muli yung willingness na mabuo at mahanap muli ang sarili ko..

Jake: ibig sabihin ba nito Bei, pumapayag ka ng bumalik sakin? Girlfriend na kita ulit?

*napangiti naman ako...

Bea: pwede naman...pero pwede bang ipagpaalam mo din ako sa Daddy ko at kina kuya?

*sabi ko sa kanya kahit ang mga kuya ko at si Daddy na mismo ang nagtutulak sakin pabalik kay Jake..tama na daw ang paninikis ko sa sarili kong kaligayahan.
Napangiti naman ako nung niyakap ako ni Jake..He never fail to make me feel secured, and loved..

Jake: Hindi ako mangangako na hindi ka masasaktan kasi hindi kumpleto ang buhay pag walang sakit at hirap na siya naman ding magpapatibay satin..Pero maipapangako kong aalalayan kita, mamahalin at iintindihin sa abot ng makakaya ko.Mahal na mahal kita mahal..

*parehas kaming nakangiti sa isat isa..ito yung ngiti na mula mismo sa puso ko...ito marahil yung hinahanap ng mga kaibigan ko maging ng pamilya ko na ika nga nila ay nawala ng ilang taon.

Bea: i love you too Love at masaya ako na makapiling ka ulit...i cannot promise na magiging madali toh pero kasi mahal kita talaga...ayaw na kita ulit mawala...


My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon