A/N
Intindihin nyo na lang sana ang nakayanan ng utak ko..unti unti...makakamit din ang tamang panahon para maging masaya...tiwala lang...
Bea's POV
Nasa byahe ako papuntang simbahan nung nag play ang kantang palaging nag papaalala sakin na minsan sa buhay ko may isang Jake na sobra kong minamahal...at patuloy na minamahal....Tingin ko gasgas na ang linyang ito sa mga paningin nyo..na mahal ko siya..noon at ngayon..pero kasi sa oras na ito yun lang ang masasabi ko na totoo....I love him...Too much na sobrang sakit sakin na kailangan na naman naming magkahiwalay at muling taluntunin ang daan pabalik sa isat isa.....Ewan ko kung anong nag uudyok sakin na umasa..pero kung kayo ang tatanungin ko..Paano ba pigilan ang paghinga?gaya ng tanong na paano ko makakalimutan ang tanging taong dahilan kung bakit ako umaasa at naniniwala na darating araw na sa aming dalawa'y wala ng makakahadlang pa....
Hindi ko napigil ang pag alpas ng luha sa aking mata...pero maingat na pinalis ko yun kasi baka masira ang make up ko...Ayoko din na mag alala sakin si Kuya Aljur dahil ito ang pinaka espesyal na araw para sa kanila ni ate Kris....akalain nyo yun..nakaya ni Kuya na hantayin ang muling pagbabalik ni Ate Kris na umalis noon para ituloy ang pangarap na kaytagal niyang minithing abutin...My Kuya decided to set her free that time hoping that in the end...sila pa din...at masaya ako para sa kanila na ngayong araw na ito...sabay nilang haharapin ang katuparan ng pangako na ginawa nila para sa isat isa sa lumipas na taon...
Maya maya pa nakarating na ako sa simbahan..inayos ko ng konti ang buhok ko na medyo kinulot sa parlor...Tapos tiningnan ko din ang sarili ko sa salamin.....gusto kong maging maayos ako sa paningin nina Kuya..maging ng magulang ko..gusto kong patunayan na hindi ako nagkamali ng desisyon na tumindig sa sarili kong mga paa na malayo sa anino ng sarili kong pamilya.......
Bumaba ako ng kotse ko at inayos ang damit na suot suot ko....Sabi ng designer ni Ate Kris the gown looks good on me.....
Pagbaba ko..natanawan ko agad si Kuya Alden...kausap ang lalaking nakatalikod sa gawi ko...Well..kahit naman nakatalikod yan kilalang kilala ko na siya agad..Kasi sa kanya lang naman nagiging abnormal ang tibok ng puso ko....Tinawag naman ako ni Kuya so i think ..ito na yung chance na makaharap ko siya ulit sa malapitan after a long time...
Bea: Kuya bkit?
*sabi ko...Alam ko nakatingin din sakin si Jake...but i tried my very best to act as if nothing is wrong na at ease ako..kahit halos nanginginig ata ang binti ko sa kaba...samyong samyo ko pa ang pabango ni Jake..
Alden: Tinawag lang kita...late ka na naman e...bakit kasi hindi ka na lang bumalik sa bahay..
*napatingin ako kay Kuya..hindi na mabibilang sa daliri ko kung ilang beses namin na napag usapan ito...Pero sa huli naman..ako pa din syempre ang mananalo..my brothers did everything they can to support me in every way that they could possibly can..they also tried their best to understand me in every decisions i made...pero sa tuwing makikita nila ako..or pag dadalaw sila sa condo ko...yan agad ang sasabihin nila..
Bea: Kuya..are we really going to talk about that again?
*napabuntong hininga na lang si Kuya..kasi wala na naman siyang maisasagot....
Natanawan ko naman si Barbie na palapit..nakangiti siya sakin agad...ang taong kahit kelan hinding hindi ko bibitawan..lalo na at kahit anong mga nangyari...hindi ako iniwanan...I love this girl...gaya ng pagmamahal niya sakin...She was the one who's always there when i needed someone to talk...she comforted me...walang nagbago sa samahan namin....she was really not a friend..but also a sister i could always rely on....Three long years passed by so fast that i didn't even notice...yet this friend of mine never left me...Sila actually ni Gabbi....i really find true friends with this two...