Thank you Lord for opening two new windows...when my door of happiness unexpectedly close....But i know..when the time is right...when everything falls into its rightful place..that door will open again...and will never gonna close again...
Bea's POV
Andito ako ngayon sa mall kasama sina Barbie at Gabbi.....Kelangan kasi namin bumili ng damit na gagamitin namin para sa JS Prom...kung tutuusin..wala akong plano na pumunta...kaso si Jake ang nag aya e...gusto ko sana magpahinga na lang sa bahay para kahit pano...wala akong problema....walang hassle....
Kaso itong boyfriend ko grabe ang mga pakulo....may Alumni coming nun sa school e..At bilang official lead vocalist ng school isa siya at ang banda niya sa mga nag perform...
Flashback
After ng kanta...akala ko aalis na siya....pero....
Jake: Hello po good evening...salamat po sa suporta nyo sa amin ng mga band mates ko...uhm..ngayon po sana...i want to grab this opportunity...Kuya Aljur..Kuya Alden...gusto ko po sanang ihingi ng permiso ang kapatid nyo para maging date ko sa JS Prom..sana po pumayag kayo....Pangako po..hindi ko siya papabayaan...
*bilang babae...sobrang ramdam na ramdam ko yung pagmamahal ni Jake...at yung respeto niya hindi lang sakin...kundi maging sa mga kapatid ko..pero sa totoo lang kinakabahan din ako..dahil bukod sa alam ko naman na hanggang ngayon e hindi pa din pabor ang mga kuya ko kay Jake...andun pa din yung takot ko na baka mapahiya si Jake once na hindi pumayag sina Kuya..
Pero para naman akong nahimasmasan nung nag buntong hininga si Kuya Alden..
Alden: Ohhh...so thats what ive been waiting for....Ako Kuya..payag ako...Maayos naman siyang humingi ng permiso.....
*napatingin ako kay Kuya Aljur..nasa gitna kasi nila ako.....
Aljur: Ok sige.....pumapayag ako....pero Jake..itong pag payag ko hindi ibig sabihin nito tanggap ko na ang meron kayo...kelangan mo pa ding patunayan sakin na ikaw ang dapat na makasama ng kapatid ko....Hindi ka nahirapan na masungkit ang oo niya malamang..pero hindi naman siguro kalabisan na hingin namin na patunayan mo saming malinis ang intensyon mo sa kanya..
Jake: opo Kuya
..makakaasa po kayo...salamat po sa pagpayag...* tumango na lang naman si Kuya...after nun...nagpaalam lang ako kay Jake..tapos sama sama na kaming umuwi nina Kuya...
End of Flashback..
Barbie: Bei...tingnan mo toh..bagay to sayo..tutal macurbs naman ang beywang mo....
*tiningnan ko naman ang damit..ok naman nga...maganda..kaso ang problema maikli...e bilin ni Jake kasi kanina nung nagpaalam ako sa kanya na bibili lang kami nina Barbie ng damit bilin sinabi niya agad na wag akong bibili ng maikli or yung mga kinapos sa tela.....
Alam nyo..isa yun sa ikinakikilig ko kay Jake...Tipong yung respeto niya laging andun...dahil din siguro yun sa may kapatid din siyang babae..kasi diba may ibang lalaki gusto na yung mga girlfriend nila nakabilad ang katawan...pero si Jake iba..hanggat pwede na hindi nakabilad ang katawan sisiguruhin niya.....(*yung hindi labas ang kaluluwa*)
Bea: Barbs..maganda sana..kaso maikli e..bilin ni Jake wag daw ako bibili ng maikli..
Barbie: Ayyyy..oo nga pla....binilin niya din sakin yun kasi baka daw ako pa ang mag impluwensya sayo na bumili ng kinapos sa tela...Manong kasi ata yung kuya ko
.