Chapter Thirteen

442 19 8
                                    


When tomorrow comes...i hope it would still be Bea and Jake...

NP: Flashlight

Aljur's POV

Alam ko na marahil ay nagtataka na kayo at naguguluhan...nagiisip kung ano nga ba talaga ang nangyari..Pero gaya ng sinasabi ng mga naunang chapter may nakatakdang araw para malaman nyo ang nangyari....

Sa ngayon siguro ang masasabi ko lang..gusto kong maibalik ang panahon..para sa gayun hindi maging ganito si Bea ngayon...Sobrang pagbabago ang nangyari sa kanya...Parang siya ang nagpatunay sa kantang "You Changed My Life"...Kasi dahil kay Jake..nabago ang buhay hindi lang ni Bea kundi naming lahat...In just a short span of time....in just a moment parang bulang naglaho ang nag iisang source of happiness namin ni Alden...

Kami kasi ni Alden nasanay na kami na laging walang magulang na sumusubaybay samin...pero hindi kami ni minsan nagtanim ng sama ng loob...Kasi we know na para samin naman ang ginagawa nila....kaya pilit naming iniintindi ang lahat...

At dahil nga wala sila..kami na ni Alden ang tumutok kay Bea...bukod sa nag iisa siyang babae at bunso...Tungkulin ko yun kasi ako ang pinaka matanda...Napaka talino niya...mula grade school kami ni Alden ang halinhinang nagsasabit ng medalya niya...masaya na  kaming tatlong magcelebrate ng kami kami na lang...

Hanggang sa nagdalaga na siya....Hindi namin alam ni Alden ang nagtulak saming hayaan siyang magbihis Manang....Kung tutuusin bata pa lang siya kita na namin na kuhang kuha niya ang kagandahan ni Mommy...Pero siguro ayaw ko man aminin..Ginusto ko yun ng sa gayon e mailayo siya pansamantala sa lalaki...Kasi baka masaktan siya..or masira ang kinabukasan niya..ewan ko sa kapatid kong yan...Kung hindi siya aware na maganda siya....Pero pinagpasalamat na namin ni Alden na hindi siya ligawin...dahil nga sa itsura niya...

Hanggang sa dumating ang araw na nakilala niya si Jake...Takot na takot kami  ni Alden nun..kasi alam namin na totoo ang pagmamahal ni Bea kay Jake....Pero hindi namin alam kung gayun din ba ang nararamdaman ng lalaking yun lalo pa at alam naman namin na medyo bulakbol din yun...Kaya mas binakuran namin si Bea....

Pero ganun siguro talaga....hindi pwedeng hindi masasaktan...Kasi nagmahal siya.....kaya siya nasaktan....at ramdam na ramdam namin ni Alden ang pait at hapdi na naibigay ni Jake kay Bea......

Ang akala namin...papalipasin lang ni Bea ang sakit tapos babalik na siya ulit sa pag pasok sa school..pero nagkamali kami....Nagdecide siya na umalis...at pumunta sa France kasama ng parents namin....Matinding pagbabago ang naramdaman namin ni Alden...wala na yung nagpapaligaya samin...ang taong laging handang sermunan kami lalo na pag alam niyang mali kami ng ginagawa...

Yung nag aasikaso sa amin palagi...at yung laging maglalambing samin....Napakaraming nawala ng dahil lang sa pangyayaring yun...

Pagkagraduate ko hindi man lang siya umuwi...kaya kami ni Alden ang pumunta sa kanya....At nagulat kami....Gone is the old her....Nagbago hindi lang ang pisikal niyang anyo...At dun ako mas natakot....Kasi hindi ko na ata siya kilala..

Isang araw tumawag sina Mommy...sabi nila uuwi na si Bea....ang alam ni Bea uuwi siya dito dahil sa kailangan niyang mag aral at dahil na din sa magiging abala sina Mommy...Pero ang totoong dahilan...Kinausap ko sina Mommy na pauwiin si Bea...i told them that as long as kaya pa gagawin namin ni Alden amg lahat para maibalik ang dati naming kapatid..kasi baka kapag nag tagal pa..baka hindi na siya maibalik sa dati....Nagdahilan lang sina Mommy sa kanya...Ako lang at ang parents namin ang nakakaalam ng totoong dahilan ng pag uwi niya sa Pilipinas....

Umuwi siya...Too bad na andito din sa Pilipinas ang boyfriend niya na nakilala niya sa France....Hindi ko siya gusto sa totoo lang....kasi alam ko...hindi naman siya ang tamang lalaki para sa kapatid ko...Ok naman siya sa totoo lang...pero we know Bea...Siya ang tipo ng babae na pag nagmahal handang ipaglaban at ialay ang lahat para sa taong mahal niya...tulad ng pag suway niya samin noon mga panahon na sila pa ni Jake...pero ngayon...hindi niya kami sinusuway..nagrereklamo siya ipinagtatanggol niya ang lalaking yun..Pero hindi tulad ng pag tatanggol niya kay Jake noon...

Ngayon...tinitiis namin ni Alden ang palaging pagiging topakin niya....kasi sabi ko kay Alden...kung gusto niyang maibalik si Bea sa dati kailangan naming mas magtulungan....

Kanina sa Van kita ko ang pasimpleng tingin ni Jake sa kapatid ko....pero hindi ako nagrereact....buti nga pumayag si Bea na kasama niya kami sa sasakyan...tapos nasa likod pa ang boyfriend niyang hilaw...Kasi hindi ko naman hahayaan na masyado silang magdikit....para sakin kasi..kaya talagang tumututol ako...Isang tanong ang sumasagi sa isip ko.."kelan ba naging sagot sa pagkakamali ang isa pang pagkakamali?...diba tama naman ako...kahit kailan hindi tamang takbuhan ang problema...Kailangan itong harapin ng buong tapang...

Pasimple akong napangiti nung nakita kong tinarayan ni Bea si  Jake...malakas din pakiramdam nito e...Maya maya inantok na ata kaya sumandig sakin...Tapos pinasandig niya din si Alden..kakatuwa lang...nagbago man siya..pero alam ko...Mahal niya pa din kami...alam ko naman aware siya na sobra din namin siyang mahal....

matapos ang mahabang byahe nakarating na din kami...Sina Barbie ang kasama ni Bea sa room..kami namang mga boys ang magkakasama sa isang kwarto....

Naunang lumabas sina Rhon...at yung mga kaibigan ni Jake....nag aayos ako ng buhok ko nung narinig kong nagsalita si Alden..

Alden: Kaya mo pa talaga ah..?

*napatingin naman ako kay Jake....

Jake: Oo kaya ko toh..ako naman ang may gusto nitoh e....


Aljur: Pag ready ka na....let us know....tutulungan ka namin..

Jake: Thank you kuya...Pero tingin ko naman masaya na siya e..

Aljur: mali ka ng tingin...pero hindi kami makikialam..nasayo ang desisyon...pero kung para sakin...she deserves to know..

Jake: Hindi na siguro kuya.....


Alden: Hindi ka namin pipilitin..pero..magsabi ka lang pag kailangan mo ng tulong..

Jake: opo Kuya..

*sabi niya..sabay sabay na kaming lumabas...tapos naabutan namin si Bea na nakadikit  kay Rhon..ewan ko ba..pero ayaw ko na makita yun..kasi alam kong niloloko lang ng kapatid ko ang sarili niya...

Pero bahala siya..kung yan ang gusto niya e...matapos maligo nina Bea...bumalik sila..baka ginutom na...grabeng pula ng pisngi niya...Kaya kanina halos ibuhos ko na ang sunblock sa kanya e..para hindi maburn ang balat niya...
Napansin naman yun ng boyfriend niya...

Rhon: Grabeng pula ng pisngi mo Babe...

*kita kong iimik sana si Bea pero napatingin siya nung biglang nagsalita si Jake...

Jake: Ganyan talaga siya pag sobrang init...namumula yung pisngi...

*sabi niya...napatigil naman si Rhon...dahil sa gulat hindi na ako nakahuma..hindi alam ni rhon ang nakaraan ni Bea...kaya for sure ayaw ni Bea na makahalata  si Rhon..buti na lang naging maagap si Alden...


Alden: oo nga...talagang mabilis mag react ang balat niyan sa init...kaya nga kita mo kanina..halos ubusin ni Kuya Aljur ang sunblock sa kanya...


*sabi niya sa pormal na tono habang walang ngiting nakatingin kay Rhon...sira talaga tong kapatid ko..masyadong takutin si Rhon..yari na naman toh kay Bea...

Pag katapos namin kumain kami namang mga  boys ang nagdecide na lumangoy..si Bea naman ang naglagay samin ng sunblock..maalaga pa din naman siya...

Maya maya kita kong napatingin siya nung nag hubad si Jake...alam kong hindi niya intensyon na tumingin....Pero marahil tulad namin naagaw ang atensyon niya sa hindi lang iisang pilat ni Jake.....baka nga isipin pa niya e kami ang may gawa nun kay Jake e...Dahil sa salitang binitiwan namin noon...pero ako na ang nagsasabi na mali siya ng inaakala kung sakali....
Nagkatinginan kami ni Alden...alam ko..iisa lang ang iniisip namin....ang isipin na kung nagkataon.hindi sana si Jake ang may mga pilat na ganun..kundi kaming dalawang magkapatid....ang rason kung bakit kami tumatanaw ng utang na loob kay Jake...ay natatago sa likod ng mga pilat niya sa katawan...
Pero ang dahilan...ay hindi pa maaring mailabas sa ngayon kundi sa takdang panahon....






To be continued.....

My Nerdy LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon